Kasing bigat ng kalooban ni Ellie o ng totoong Meghan ang iwan si Tristan kausap ang mga kinamumuhian niyang tao sa buong mundo. Kung maaari lang ay gusto niyang magalit din si Tristan sa kanila pero kahit anong pakiusap niya na iwasan nalang sana ang mga ito ay hindi sya kayang sundin ni Tristan. Para kasi sa binata ay isa si Seraphina sa pinahahalagahan nitong tao at napakasakit noong isipan para kay Meghan. Mas lalo tuloy niyang kinamuhian si Phina to the point na mas gusto niyang mawala nalang ito sa mundo. Naiiyak nalang siya habang bumabalik sa alaala niya ang masalimoot na pangyayari sa kanyang buhay na hinding hindi niya makakalimutan. It haunts her every night at wala siyang magawa kundi magtiis, umiyak, kimkimin lahat ng sakit at pangungulila sa mga mahal niya sa buhay ng magisa

