CHAPTER 17 - Mine Alone

4998 Words
> Malalim na ang gabi. Hindi ko ginalaw ang pagkain na dinala sa aking kwarto. Yakap ko ang hita ko suot ang roba na provided ng hotel. Nakatulala ako sa kawalan dito sa balcony. Ninanamnam ang lamig ng hangin. Narinig ko na bumukas ang pinto, alam kong si Stefan iyon dahil wala namang ibang makakapasok dito maliban sa kanya.  “Can we talk?” mahina nitong tanong. Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang, “I’m sorry.”  Naglakad ito patungo sa unahan ko at lumuhod sa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko. “Sorry na.” Anas niya. “Please talk to me. Ayokong ganito tayo.” panunuyo niya sa akin. “Ano ba tayo?” wala kong ganang tanong. Huminga ito ng malalim.  “I… I think I've fallen in love with you. I can't help it…  Let's stop pretending. I want it to be real this time. Would you be my girlfriend for real?”  Namilog ang mga mata ko sa tanong niya. Kung makaluhod sa harap ko ay parang kasal na ang inaalok sa akin.  “Totoo ba yan? O baka sabihin mo na naman na dahil iyon ang gusto ko?” duda kong tanong. Ngumisi ito at umiling. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. “I love you, Meghan.” Tumulo ang luha ko. Mahal niya si Meghan at hindi si Seraphina.  Ang sakit naman. Tumingala ako para pigilan ang iba ko pang luha na lumabas.  “I love you too, Stefan.” sagot ko at hinaplos ang kanyang mukha. “Mahal  kita.”  Marupok na nilalang. Namula ang mga mata niya habang nakangiti sa akin. Niyakap niya ako at sinubsob ang mukha sa aking tiyan.  “You make me crazy in all the best ways, love.” wika nito. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi ng tumunghay ito sa akin. Nakatingin ang mapungay niyang mata sa aking mga labi. I bit my lower lips, seducing him. Dahan dahan kong inilapat ang labi ko sa kanya. Sinalubong naman niya ito ng nakakalasing niyang halik. Kumapit ito sa leeg ko para idiin pa niya ang nagbabaga niyang labi sa akin. Napakasarap talaga niyang humalik. Ito siguro ang kinababaliwan ng mga babae sa kanya.  “Bakit ang galing mong humalik?” inis kong tanong. “I’ll teach you.” nakangisi nitong sagot at pinagpatuloy ang paghalik sa akin. Gumapang ang kamay nito sa pwetan ko at buong lakas akong binuhat na parang bata. Kumapit ako sa batok niya at ipinulupot ko ang mga paa ko sa baywang niya. Hindi kami tumigil sa pagpapalitan ng nag-aalab na halik. Binuhat niya ako papasok sa loob saka marahan itong naupo sa kama kalong kalong ako.  “Open your mouth.” utos nito.  Sinunod ko ang sinabi niya. Pinasok nito ang dila niya sa loob ng bibig ko na para bang may hinahanap sa loob. May mas sasarap pa pala ang halik niya. Sinabayan ko ang ritmo ng labi nya at nakipag espadahan ang aking dila sa kanya. Marahan pa nitong kinagat ang ibabang labi ko habang hinubad ang suot kong roba.  Lumabas ang malulusog kong dibdib sa harapan niya at magiliw na pinaglaruan ito ng kanyang mga kamay. Umungol ako sa init ng kanyang palad. Bumaba ang halik nito sa aking panga at sa aking leeg. Dama ko ang init ng labi nya sa aking leeg at muli akong napapikit nang damahin ko ulit ang pagsipsip niya sa aking leeg.  “Binigyan mo ba ako ng kiss mark?” anas ko. “I am marking what’s mine.” sagot niya. “You are only mine, love. Mine alone.” Napadilat ako ng umakyat ang mga halik nito sa aking tenga at dinilaan ito habang patuloy na pinanggigigilan ang aking mga umbok. Shiiit! Hindi ako makahinga. Kakaiba ang dulot nito sa aking sistema. Nakakabaliw. “Sasama ka ba bukas sa akin sa Vigan o magpapahinga ka na lang bukas dahil sigurado na papagurin kita ngayong gabi.” Hindi ako makapag-isip ng tama sa ginagawa ni Stefan, "Let's see." hamon ko sa kanya. Nagpatuloy ito sa paghalik at pagdila sa tenga pababa sa aking leeg at balikat. Pinisil nito ang aking n****e$ kaya muli akong nagpakawala ng mahinang ungol. "Hmmm... Shiit!"  Nasa dibdib ko na ngayon ang maiinit niyang labi at salitan na nilalaro ito ng kanyang dila. Inalalayan ng isa niyang kamay ang baywang ko ng napaliyad ako sa sarap na nadarama ko. Bumaba naman ang isa niyang kamay sa pagitan ng hita ko. Wala akong saplot kundi ang roba na ngayon ay nasa sahig na kaya malaya niyang natunton ang aking p********e. He massage my c**t$. Bumaon ang mga kuko ko sa balikat nito.  "Oh! F*ck!" mura ko. "Yes, Love. I'll f*ck you." sagot niya saka ako hiniga sa kama.  Siniil niya ako ng halik pababa sa aking puson. Muli akong napamura at lumiyad. Nagtungo ang mapaglaro at nag aalab nitong dila sa aking gitna. Nakaluhod ito sa ibaba ng kama ngayon. "Ahhh! Shiiit! Don’t stop!" ungol ko. Gusto kong sabunutan si Stefan.  "You like it?" mapanukso nitong tanong. Tumango naman ako dahil mababaliw na ako sa sarap na dulot nito. Habang tumatagal ay tumutuwid na ang paa ko sa sarap. Nakakalambot at nakakawala ng bait. I reached my climax. Hinalikan ni Stefan ang magkabila kong hita saka siya kumapit doon at hinila ako pababa ng kama. Pinadapa niya ako habang ang kalahati ng katawan ko ay nasa ibaba ng kama. Pumatong ito sa likod ko habang sinisiil ng halik ang aking batok at likod. Hinubad din nito ang pants at boxer niya. "You're so delicious, my love." bulong niya sa akin. Dama ko ang ari niya sa akin. Napapikit ako ng marahan niya itong ipasok sa loob. Kahit mabagal lang ang galaw niya ay mahapdi pa din ito.  "F*ck! You're so tight." Anas niya at marahan na kinagat ang aking balikat.  Hinahabol ko ang hininga ko sa banayad niyang hagod. He has a huge thing, halos dumugo ang labi ko sa pagkagat ko dito. Malakas na ungol ang pinakawalan ko ng sinagad niya ang kanya sa akin. Sumubosob ako sa kama. Magkabila naman niyang hinawakan ang balikat ko at hinihila iyon sa bawat hagod niya. Mababali pa yata ang spinal cord ko sa lalaking ito! Kahit masakit ay mas nangibabaw pa rin ang sarap na nararamdaman ko. Lalo na kapag pinanggigigilan ako ni Stefan. Nagpalit kami ng pwesto at nahiga ako sa kama habang siya ay pumaibabaw sa akin.  Totoo nga na papagurin ako ni Stefan ngayong gabi.  “Did you plan for this?” hingal kong tanong. “I dream of this, love. Gabi gabi.” hingal din niyang sagot.  Nag-iba na naman kami ng posisyon at ngayon ay nakaupo ako sa kanya. Nilunond niya ang sarili sa malusog kong dibdib. Magkabilaan niya itong dinilaan habang baba taas ako sa kanya. Kumapit ito sa magkabilang side ko ng baywang upang aalalayan ako para mas bumilis pa ako sa ginagawa ko. “Oh! F*ck! You feel so good.” ungol ni Stefan at naramdaman ko nalang na may mainit na likido sa loob ko. We both reached our clim@x. Inubos ng mga katas namin ang aming lakas kaya bumagsak ako sa katawan ni Stefan habang pabagsak din siyang nahiga sa kama yakap ako. Hinalikan nito ang pisngi at noo ko. Kapwa hingal na hingal, animo’y nag marathon. “Are you tired?” bulong ni Stefan. “What do you think?” tamad kong sagot. Humalakhak ito at hinalikan ako. Bumaba ito sa kama saka ako binuhat na parang bride. “Anong ginagawa mo?”  “I’ll bathe you.” sagot niya sa akin.  Binaba niya ako sa bathtub at saka siya pumasok sa loob. Sa likod ko ito pumwesto. Tinimpla niya ang init ng tubig saka tinapat sa likod ko. Hinalikan pa niya ang balikat ko habang hinahaplos sa kung saan niya itapat ang shower.  Giliw na giliw pa ito habang sinasabunan ang katawan ko lalo na ang aking dibdib.  Pagkatapos naming maligo ay pinatuyo naman niya ang buhok ko gamit ang blower. Ako naman ang tumuyo ng sa kanya. Ayaw pa nitong ibigay ang roba ko dahil mas gusto daw niyang pagmasdan ang sexy at hubad kong katawan.  Ang m@nyak talaga! “Magbibihis na ako.” sabi ko at lumabas ng banyo patungo sa cabinet. I wear my underwear habang pinapanood ni Stefan at ng dadamputin ko na ang iba ko pang damit ay binuhat na niya ako pabalik sa kama. “Mas presko matulog ng ganyan lang,” pilyo nitong sabi sa akin saka ako hinagis sa kama. “Baliw ka ba?!” Singhal ko sa kanya. “Baliw na baliw sayo,” Tumawa ito at nagsuot ng boxer galing sa cabinet at tinabihan ako sa kama. “Ang ginaw ginaw.” angil ko dahil sa aircon. Binalot niya ako ng comforter at mahigpit na niyakap. “Body Heat.”  Hindi na ako nakipagtalo. Gusto ko din naman ang yakap niya at ang init ng katawan niya.  ---- “I love you.” mainit na hininga ni Stefan sa aking leeg ang gumising sa akin.  “Hmmm…” Angil ko dahil inaantok pa ako. Tinalikuran ko ito at pumaling sa kabilang side. Gumapang naman ang kamay niya mula sa hita ko tungo sa aking dibdib at marahan na pinisil. “Stefan! Ang aga huh!” saway ko. Hinalikan nito ang balikat ko paakyat sa leeg saka bumulong, “Hindi ka kumain kagabi, I’m sure gutom na gutom kana. Nagpahatid ako ng pagkain dito.”  Minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa kanya. Bago siyang ligo dahil medyo basa pa ang buhok niya. Umamba itong hahalikan ako pero hinarangan ko ng unan ang mukha ko. “Love? I want my morning kiss.” maktol niya. “Ayoko! Mamaya na.” nahihiya kong sagot saka bumaba ng kama. Shiiit!  Ang sakit! Nahuli ni Stefan ang pagngibit ko. Humalakhak ito at pinulupot niya ang kamay niya sa aking baywang. “I’m sorry.” lambing nito saka ako sinunggaban ng halik. Hindi na ako nakapalag dahil ikinulong na niya ako sa kanyang bisig. Ang aga kong malasing sa mga halik niya. Pumikit ako at kumapit sa batok niya ngunit nabitin ako ng bigla itong tumigil sabay pisil sa pwetan ko. “Kumain na muna tayo dahil baka ikaw pa ang makain ko,” pilyo nitong sabi, kinagat niya ang pang ibabang labi habang nakangiti. Kumalas ako sa kanya at naglakad patungo sa banyo. Marahan naman niya tinapik ang pwetan ko sabay sabi ng, “Faster.” Sumama ako sa kanya sa Vigan sakay ng private jet. Maaga kaming umalis dahil maaga ang meeting niya pero nangako siyang babalik din agad para makapamasyal kaming dalawa. Excited ako dahil first time ko dito. Tumitingin na nga ako online kung saan masarap kumain at pati na din ang mga magagandang tourist spot dito. Nagkape ako sa vintage coffee shop sa tapat mismo ng meeting place nina Stefan. Nag selfie ako ng ilang shots bago ko maalala ang sulat ni Jayjay sa akin. Kinuha ko ito sa bag at binasa ang nakasulat na ‘Smile before you open.’ I literally did smile. Dear Ate Ganda, Hello po, Ate Meghan. Sumulat po ako sa iyo para po magpasalamat sa mga tulong na binigay nyo po sa amin. Maraming salamat din po at ginawa ninyo akong scholar kahit po hindi naman ako matalino pero pangako po pagbubutihan ko ang pag-aaral para sa pamilya ko po lalo na po sa mahal na mahal kong si Ate Phina. Tumulo ang mga luha ko ng mabasa ko ang aking pangalan dito.  Para po kayong si Ate Phina ko kapag nagsasalita at tumatawa kaya po gustong gusto ko po kayong makita palagi pero alam ko pong hindi pwede. Miss na miss ko na po kasi si Ate Phina ko, siya po kasi ang lagi kong kasama, kalaro at karamay kaso po wala na sya. Kinuha na po sa amin sya ni Papa Jesus. Ang lungkot ko po talaga hanggang ngayon sa pagkawala ni Ate Phina. Lagi po akong magisa sa bahay dahil laging wala si nanay tapos kapag umuwi po sya ay lasing at mainit ang ulo. Ang daya nya po kasi sabi nya sa akin noon walang iwanan tapos iniwan nya pa din ako.  Totoo po ba ang wishing star, Ate? Kasi po gabi gabi po ako nagaabang sa langit na sana ibalik na nya sa akin si Ate Phina ko. Alam nyo po ba ang palabas na aladin? Kasi po paglaki ko maghahanap ako ng genie in the bottle para hilingin na ibalik nya si Ate Phina kung sakaling hindi matupad ng wishing star ang wish ko. Ate Ganda, salamat po talaga ng madami. Paglaki ko po babawi po ako sa mga tulong nyo. Tutulong din po ako sa iba gaya ng sabi nyo, PROMISE! I love you po Ate Ganda. Nagmamahal, Jayjay Niyakap ko ang sulat niya at mas humikbi pa. Hindi ako makahinga sa pag-iyak. Bumaon lahat sa puso ko ang mga sinabi ni Jayjay tungkol sa akin.  Patawad Jayjay. Hayaan mo… darating ang araw. Kukunin kita kay Mama.  “Hey, Love. Bakit ka umiiyak?” punong puno ng pag-aalala ang boses ni Stefan. Namutla pa ito ng titigan ako. Nakaluhod ito sa harapan ko ngayon.  Mas lalo akong umiyak at yumakap sa kanya. Hinayaan nya lang ako hanggang sa kumalma na ako. Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa mahabang sofa at nakasandal ako sa braso niya. Binabasa niya ang sulat ni Jayjay na labis kong iniyakan kanina. “I can’t believe that you’ll be so emotional with this letter.” hinalikan niya ako sa noo, “I’m proud of you my love. Sobra. You motivate Jayjay to achieve his goal. Si Sidmon, bigatin na ang mga client nya ngayon.” patuloy niyo tumingala ako sa kanya. “Paano mo nalaman?”  “Nakita ko ang mga post nya and he’s really thankful for you. Binigyan mo din pala sya ng scholarship sa makeup academy?” Tumango lang ako. “See? Maraming buhay ka pang mababago because you have a good heart. You know who deserve your help and you know how to help them. Proud boyfriend here.” anito. Ngumisi siya at hinalikan ako sa labi. “Thank you.” naiiyak kong sabi. --- Namasyal kami ni Stefan around Calle Crisologo. This time ay nakabatay sa amin ang mga body guards niya dahil sila ang bumuhat ng mga pinamili namin para ipasalubong. “Magkano po ito?” tanong ko sa owl na nililok sa kahoy.  “5300 lang ma’am. Itong mas malaki po ay 8200.”  Namilog ang mata ko at dismayadong ngumuso. Ang mahal pala. Ngumisi ako sa tindera at tumingin ng ibang design. Nilapat naman ni Stefan ang kamay niya sa baywang ko. “Miss, we will get those owls. Pakibalot na.” sabi ni Stefan kaya mabilis akong humarap sa kanya ngunit mga malalambot nitong labi ang sumalubong sa akin.  Hinapit niya pa ako palapit sa kanya para mas halikan pa ako. “Ano ka ba. Nakakahiya!” saway ko.  “I’m sorry. Hindi ko mapigilan.” Bulong niya saka lang ako binitawan.  Kumain kami sa restaurant na dito lang din matatagpuan sa Calle Crisologo. Infairness, ang sarap ng mga pagkain dito samahan mo pa ng clingy na boyfriend, ayaw akong mahiwalay sa kanyang mga bisig. Nauumay na siguro ang mga nakakita sa aming PDA.  “Want to stay here in hotel luna, Love?” mapang-akit niyang tanong na para bang may gustong ipahiwatig. Humalakhak ako at hinampas ito sa braso. “Why?” natatawa niyang tanong at marahan na kinagat ang tenga ko. Shiiit! Kumakabog ang puso ko habang nag-iinit ang mukha ko. Pati buong katawan ko ay nag-init sa ginawa niya.  “I like it when I make you blush. Mas lalo akong naiinlove sayo.”  Pigil ngiti ako dahil sa sobrang kilig pero hindi ko kinaya. Kinuha ni Stefan ang cellphone niya sa mesa. “Book us a room here in Hotel Luna. I want a room with the best view they have. Bukas na kami babalik ng Manila. Thank you.” utos nito sa kausap. Na excite ako ng marinig ko iyon. Para bang gusto ko na siyang kaladkarin sa aming magiging kwarto.. Ilang saglit lang kaming naghintay, may lumapit na sa aming staff ng hotel para iassist kami. Ang pinakamahal na room ang kinuha ni Stefan at worth it naman ang price niya sa sobrang ganda ng kwarto. It looks so vintage. Para akong nasa panahon ng mga kastila. Ang kama ay nasa 2nd floor loft na gawa sa kahoy.  And guess what? Napuno lang naman ng mga ungol namin ni Stefan ang bawat sulok ng kwartong ito. Mula sa sofa, hagdan, kama at banyo. Baliw na baliw talaga ako sa mga halik ni Stefan sa akin at hindi ako magsasawang halikan siya. Hingal na hingal kaming bumagsak sa kama. Mahina pa akong tumawa ng kagatin niya ng bahagya ang aking leeg. “You’re getting better everyday. Baka hindi na kita iuwi sa inyo. Pakasalan na lang kaya kita?”  Napawi yung ngiti ko sa sinabi niyang pakakasalan ako. Alam kong biro lang ito pero iba ang dating sa akin. Bigla akong natakot. Natakot sa kahihinatnan ng lahat ng ito. Habang lumalalim ang pagmamahal ko kay Stefan ay ganoon din ba kalalim ang galit na matatanggap ko mula sa kanya kapag nalaman niya ang totoo? Hindi ko yata kakayanin.  “What’s wrong?” alala nitong tanong ng mapansin ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ko. “W-Wala.” Umangkla ako sa batok niya, “Let’s take a bath… Again.” Yaya ko sa kanya saka tumawa. “Ready for more rounds?” Anito. Binuhat niya ako para dalhin sa banyo. “Do whatever you want to me.” Anas ko.  --- Wala akong lakas ng magising ako kinabukasan. Daig ko pa ang binugbog, totoong may pasa ako sa ibang parte ng katawan. It was a hard night. Nadoblehan tuloy ang pagiging maalaga sa akin ni Stefan at gustong gusto ko iyon. Lahat ng gusto ko at ipagawa ko ay sinusunod nya. Napaka submissive niya ngayon samantalang kagabi ay ako ang sunud sunuran sa kanya. Bumalik kami ng Manila. Wala akong ginawa sa magdamag kundi humiga sa kama para bawiin ang mga lakas na nawala sa akin. Ilang araw na lang kasi ay pasukan na naman.  “Ma’am Meghan. May mga pinadala pong bulaklak at pagkain si Sir Stefan.” Katok ni Sanya. “Pasok ka.” tugon ko.  Pumasok si Sanya bitbit ang malaking bouquet ng red roses at kasunod niya ang isa pa naming kasambahay na may bitbit na paperbag na may lamang pagkain. “Salamat.” nakangiti kong sabi bago sila lumabas ng kwarto.  Binasa ko ang notes sa bulaklak na labis kong ikinangiti dahil sa kilig. Tunay nga na romantiko ang mga Escajeda. Hindi ampon si Stefan. To my Dearest Meghan, I wish I’m there with you, Love. Because being here without you is like celebrating loneliness. You are the love of my life. You’re my heart, kaya hindi mo ako pwedeng iwan, because I can’t survive without my heart.  I cannot thank God enough for bringing you into my life and finally making you mine. Mahal na mahal kita. Your hottest boyfriend, Stefan Miguel Para akong inasinan so sobrang kilig. Sagad iyon sa buto. Tumayo ako at pinicturan ang bulaklak tapos ay ang cards. Nilipat ko naman sa vase ang mga bulaklak pagkatapos para hindi agad malanta. Tinawagan ko si Stefan. Stefan: Yes, Mahal ko? Natanggap mo ba ang mga padala ko? “Yes. Thanks. I like it.” Stefan: Kumain ka na ba, love? “Kakain palang. Are you busy?” Stefan: No. I really miss you right now… And I hate going to sleep with you in my mind but not in my bed. Naiimagine ko ang pilyong ngiti ni Stefan. God! I miss him too.  “Ang pilyo mo talaga.” kagat labi kong sagot.  Humaba ang kwentuhan namin hanggang sa uminit na ang cellphone ko sa aking tenga. Isang oras na pala kaming nag-uusap. Kung saan saan na nga napunta ang usapan namin at ngayon ko napatunayan kung gaano kalandi si Stefan sa telepono.  Ganito kaya siya sa ibang babae kaya marami ang nababaliw sa kanya? Huwag mo ng isipin Seraphina.  Gumagawa lang ako ng ikaiinit ng ulo ko. Stefan: Love, Let’s go on a date tomorrow? “Saan? Sa kama mo?” ganti ko sa kanina pa nyang kapilyuhan. Stefan: “Why not?” Humalakhak ito, “But seriously?” “Oo naman. I’m excited to see you.”  Kung hindi pa naubos ang battery ng cellphone ko ay baka hindi pa kami tapos mag-usap ni Stefan. Ugh! Ganito pala ang mainlove… Laging lutang. Hindi makakain at makatulog ng maayos sa kakaisip sa kanya. Laging hinahalukay ang tiyan sa tuwing kikiligin. I love this feeling. ---- Before lunch ay sinundo ako ni Stefan sa bahay. 2 hours bago ang usapan namin ay gayak na ako. Hindi naman halata na excited ako sa aming date? Pero mas excited akong makita at makasama sya. Hindi mawala ang ngiti ko dahil magkahawak kamay kami mula ng sumakay ako ng sasakyan niya hanggang sa paglalakad namin papasok ng restaurant. Paminsan ay pinapapak din niya ito ng halik.  Nag upload na nga ako sa IG ko ng magka holding hands naming kamay. With the caption: I’m holding on to my dear life.  Napapangiti ako habang binabasa ko ang mga comment sa post kong iyon habang hinihintay namin ang aming order. Mas lumawak ang ngiti ko ng mabasa ako ang comment ni Stefan na ‘Your hands are just made for me and I want to hold it forever. Hindi kita bibitawan kahit gusto mo ng bumitaw. Akin ka lang.’ Kilig yarn? Tumingin ako kay Stefan pero seryoso itong nakatitig sa akin na para bang ang lalim ng iniisip. Naglaho tuloy ang malapad kong ngiti. “B-Bakit?”  Ngumiti siya sa akin pero halatang pilit lang ito. Sinerve na nila ang mga pagkain na inorder namin kaya hindi ko na ulit siya kinulit kung ano ba ang tumatakbo sa utak niya. Kinakabahan tuloy ako. Inislice ni Stefan ang steak niya ng mabilisan saka niya pinagpalit ang aming plato. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.  “Anything for you, Love” malambing niyang sagot at nagsimulang hiwain ang kanyang steak, “But still no wine for you.” dugtong nito saka sinalihan ng champagne ag baso ko ng waiter na nakatayo sa gilid ng mesa namin. Hindi ako umagal. Okay lang din naman sa akin dahil baka malasing pa ako at hindi ko ma enjoy ang date namin ni Stefan.  “Wooow! Ang sarap ng steak dito!” pamilyar na boses ang narinig namin mula sa likuran kong table. Kumunot naman ang noo ni Stefan na ngayon ay nakatingin na sa likod ko. “Lahat naman masarap sayo. Itong lobster nila ang masarap dito. Nabasa ako sa online review.” Pagmamalaki ni Avery. “Mas masarap ako sa mga yan, girl. Huwag na kayong magtalo.” boses iyon ni William.  Hindi ako makapaniwala na nilingon sila. “Avery, Giana at William?” sambit ko sa mga pangalan nila. Lumingon silang tatlo sa mesa namin at hilaw na ngumiti. “Uy! Nandito din pala kayo?” Sabi ni Avery. “Yeah. What a small world.” Segunda ni William. “Really?” inis na sabi ni Stefan, “Or you really went here because we are here?” duda nitong tanong. “Hindi ah!” sabay-sabay nilang sagot. Naningkit ang mga mata ko dahil hindi na sila makatingin sa mga mata namin. Tumingin ako kay Stefan na halatang nairita sa tatlo naming kaibigan.  “It’s okay. Mas maganda kung magkakasama tayong lima.” mahina kong sabi sa kanya saka ngumiti. “Seriously? Gusto mo ng tatlong chaperone?” mahina din nitong sagot at iniuna pa ang mukha para lumapit ito sa akin ng konti. “Hindi naman sa ganun-” “Bakit nagbubulungan? Share naman dyan!” sabat ni William. “Shut up!” asik ni Stefan saka binalik ang atensyon sa akin, “Gusto mo talagang isama ang tatlong yan?” ulit niyang tanong. “Wala namang masama, diba? Kaibigan natin sila.” nagdadalawang isip kong sagot dahil baka ikagalit niya ito. Huminga ito ng malalim saka pumikit at marahan na tumango tapos ay umupo ng maayos. “Whatever you want.” suko niya. Pagkatapos namin mananghalian ay nag ikot kami dito sa exclusive mall at ng sumapit ang gabi ay nagkayayaan sa night club na matatagpuan lang sa kabilang street.  Umupo kami sa round couch na bakante at umorder na agad ng pagkain at alak sina William at Avery. “Only 3 rounds of margarita for you,” bulong sa akin ni Stefan, “Or mag juice ka nalang.” Sumimangot ako, “Ang kj mo.” sagot ko ng pabulong. “Ang hilig nyong magbulungan. Share nyo naman.” Asar ni William, “Bro. samahan mo ako sa counter, sisingilin ko ang utang ni Simon sa akin.” yaya pa nito. Walang imik na tumayo si Stefan para samahan ang kaibigan. Pinanood ko sila hanggan makalapit sila sa barista na si Simon daw at nakipag fistbump.  “Hanap tayo ng gwapo.” Biglang sabi ni Giana at kumapit sa braso ko, “Ihahanap din kita ng kadate ngayong gabi.” Hilaw akong ngumiti, “Huwag na. Itong si Avery nalang ang ihanap mo.” “Hahanap talaga ako kaya huwag kang KJ. Gagaya ka pa sa fake mong boyfriend na saksakan ng KJ.” “Actually… We are-” “Heeey!” Sigaw ni William ng makabalik ito saka inilapag ang dalawang bote ng alak na hugis rectangle, “Whisky for free.” anito. “Nice. Bayad ni Simon?” kumpirma ni Giana at sinagot ni William ng tango. Hinanap ng mga mata ko si Stefan at nakita ko itong nandoon pa din sa bar counter pero this time ay tatlong babae na ang mga kasama.   “Sino sila?” Gigil kong tanong habang nanatili ang mga mata ko kay Stefan. Tumingin naman ang mga kasama ko sa direksyon ng mata ko at saka humalakhak si William.   “Mga ex ni Stefan.”   “Mga ex? As in MGA Ex?” Hindi ko makapaniwalang tanong ng balingan ko siya. “Oh, la la!” Sabi ni Avery.   “Yes.” sagot naman ni William sa akin. “Iyong naka itim si Zoey, yung naka red si Ayesha-” Hindi ko na pinakinggan si William dahil nakabalik na si Stefan sa table namin. Masama ko itong tinignan saka ako tumayo. “Saan ka pupunta?” Tanong ni Stefan.   “Uuwi na!” Galit kong sagot sa kanya at umiwas ng tingin. “All of a sudden? Bakit?”   “Biglang sumama ang pakiramdam ko.” mahina kong sagot.  “Biglang sumakit ang puso?” pang uuyam ni William.   “Puso?” taka nitong sabi.   “Tigilan mo ako William! Maghahanap na lang ako ng pogi. Dyan na kayo!” “Uy! Sama!” sabat ni Avery.   Hinawakan ni Stefan ang braso ko para pigilan ako. “Wait! Galit ka ba?”   Hindi ako sumagot.    “Nagseselos lang.” sabi ni William.   Sabay kami ni Stefan na tinignan ito ng masama kaya itinaas niya ang kamay niya bilang pagsuko. “I’m not talking to you asshole!” asik ni Stefan. Binalingan naman ako ni Stefan, “Now, tell me? Anong ikinagagalit mo?” “Wala! Doon ka nalang sa mga ex mo!” inis kong sagot saka umamba na aalis ulit pero hindi ako binitawan ni Stefan.  Nakatingin naman sa amin ang tatlo naming kasama na parang nanonood ng movie.  Bwisit! Ngumisi si Stefan saka ako hinila palapit sa kanya, pinulupot niya ang kamay sa aking baywang. “Love, hindi ko mga ex ang mga yun. Sino ba ang nagsabi sayo na ex ko sila dahil pasasabugin ko ang bunganga nya.”  Narinig ko ang malakas na ubo ni William.  “Hindi mo ba ex ang mga yun? But you sleep with them, bro? Kamukha nga noong naka silver na dress yung sa scandal mo?” sabi ni William. Pumaling si Stefan kay William, “Isa pang imik mo tatabasin ko yang mahaba mong dila!” Gigil niyang saway sa kaibigan. Napalunok nalang si William sa takot dahil namumula na sa galit si Stefan. Pati ako ay mainit na din ang ulo. So kausap lang nya kanina ang mga naikama nya  at isa pa doon ay iyong kasama niya sa scandal nya? G@go ka! Hinawi ko ang kamay ni Stefan sa baywang ko. “Love, what he said is not true.” namumutlang sabi ni Stefan, “Hindi ko kilala ang mga yon.” “Ah kaya pala kausap mo?”  “Believe mo. May tinanong lang sila.” “Huwag mo akong kausapin!” gigil kong sabi saka umamba na aalis pero muli niya akong hinawakan sa kamay. Hinila ako ni Stefan patungo sa tatlong babae na kausap niya kanina. Inagaw niya ang atensyon ng tatlong babae na ngayon ay malanding nakangiti kay Stefan. Kinabig naman ni Stefan ang batok ko saka ako siniil ng mapupusok na halik sa harapan nila. Shiiit! His intoxicating kiss again! Hindi ito tumigil hanggat hindi ako tumutugon sa halik na iyon. Pilit ko siyang tinutulak dahil nahihiya ako sa mga nakakakita sa amin pero hindi ito nagpatalo. Ang isa nitong kamay ay bumaba sa likod ko para itulak niya ako palapit sa kanya. Iba talaga ang dulot sa akin ng mga labi ni Stefan dahil kusa ng bumigay ang sarili ko at tinugon ito. Tumigil lang kami sa halikan ng kapusin na kami ng hangin. Hingal na hingal akong sumubsob sa dibdib ni Stefan. Rinig ko din ang mabigat nitong paghinga. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang aking ulo. “May pinagseselosan ka pa ba?” paos nitong bulong sa akin habang nilalaro ang mga buhok ko sa likod. Umiling lang ako “Good.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD