CHAPTER 22 - Pregnant

4005 Words
Pumasok ako sa opisina. Kahit wala sa mood ay umattend ako sa meeting at pilit na magfocus sa mga bagay bagay. Pagkatapos ng meeting ay nagtungo ako sa lobby para maiba naman ang atmosphere dahil nababagot ako mag-isa sa opisina. Inaantok din ako doon. “Hi Meghan.” Bati ng pamilyar na boses. Nilingon ko siya. “Mr. Salvador?” Hula ko. “Tristan. I am here to get our supplies.” aniya. Hindi man lang siya nagtapon ng kaunting ngiti sa akin. Seryoso lang syang nakatingin sa akin. “Ganun ba? Naikarga na ba ang mga iyon sa truck?” usyoso ko. “Yes.” Sagot nya. Muli itong tumingin sa mukha ko, “You look pale. Are you okay?” puna niya. Mapait akong ngumiti, “I-I’m okay. Pagod lang siguro.” “I see. Take a good care of yourself miss. Health is wealth, lalo na sa mga kagaya natin na sasalo sa mga kumpanya ng ating magulang.” aniya at inalis na ang mga mata sa akin. “Sir Tristan. Okay na po.” sabi ng lalaking nakasuot ng chemical suit na empleyado nila dahil sa logo ng kanyang suot. Tumango si Tristan at tumingin sa akin. “I have to go. Nice meeting you Ms. Meghan.” Aniya saka umalis. Pagkaalis niya ay may dumating naman na hindi ko inaasahan. May dala pa siyang bulaklak ay chocolate. Nakasalubong pa niya si Tristan sa exit. “What are you doing here Rufus?” inis kong tanong. “Dinadalaw ka.” sagot niya at inabot ang mga dala niya sa akin pero hindi ko ito tinanggap, “I heard about the news.” dugtong nito at ngumiti. Inirapan ko siya at akmang aalis ng nakaramdam ako ng pagkahilo. Mabuti nalang at nasalo ako ni Rufus dahil kung hindi ay natumba na ako. Inalis ko ang kamay ko sa kanya at muling maglalakad ng tuluyan ng dumilim ang paningin ko. Nagising ako sa hospital. Si Rufus agad ang una kong nakita kaya bumangon ako at masama siyang tiningnan. “Anong nangyari?” “Nawalan ka ng malay and…” Hirap nitong ituloy ang sasabihin. “What?” Hinawakan niya ang kamay ko, “Y-You are 5 weeks pregnant.” Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Stefan. Umiling ako ng paulit ulit saka humagulgol ng iyak. Hindi pwede! Hindi ko matatanggap na ung pati itong bata ay kamuhian din ni Stefan kapag nalaman niya ang totoo. Hinaplos ni Rufus ang likod ko saka niya ako niyakap. Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi hagulgol. Sobrang gulo na ng utak ko hindi ko na alam… Matagal bago ako kumalma. Nakiusap ako kay Rufus na huwag ipaalam sa magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. “Thank you, Rufus. Huwag mo na din sana ipaalam kahit kanina ito. Kahit kay Stefan.”  Gumuhit ang ngiti sa labi niya, “Sure. I will zip my mouth if that’s what you want.” aniya at umakto pa na ziniper ang bigbig. “So… What’s your plan? Kung wala kang balak sabihin kay Stefan, ipapalaglag mo ba ang bata?”  Kunot noo akong tumunghay sa kanya, “Of Course not! Hindi ako masamang tao para pumatay.” mahina kong sagot with guiltiness in my voice knowing that I already killed 2 persons. Alam naman ng diyos na hindi ko sinasadya ang mga nangyari. “I know. Kung gusto mo pananagutan ko ang batang yan. Aakuin ko sya, Meghan. Ganoon kita kamahal. I am willing to be the father of that child.” offer niya na hindi ko ikinatuwa. Hindi ko siya sinagot at nanatiling tahimik. “It’s okay if you don’t want to answer it but my offer is always open for you.” dugtong nya.  Hinatid ako ni Rufus sa bahay. Inaalalayan nya pa ako habang naglalakad papasok ng bahay hawak ang magkabilang braso ko. “Dahan dahan, Babe.” usal niya. Kumunot ang noo ko sasawayin ko sana siya dahil ayoko talaga na tawagin niya akong ‘babe’. “Ma’am Meghan.” tawag sa akin ni Sanya kaya mas pinili kong tumingin sa kanya and to my surprise nakita ko si Stefan na nakatayo sa tabi ni Daddy at masama na nakatingin sa amin ni Rufus. “Anak, are you okay? Nabalitaan ko ang nangyari sayo pero hindi ko alam kung sino ang kokontakin para puntahan ka sa hospital.” alalang sabi ni Daddy. “Sorry Tito. Hindi ko kaagad naiparating sa inyo.” sabi ni Rufus. “Stefan-” “I have to go, Tito Elmiro. Mukha namang okay na ang anak nyo.” sabi ni Stefan saka ito naglakad palabas. Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Rufus. “Remember what the doctor said? Hindi maayos ang kapit ng bata kaya kailangan mong mag-ingat. Don’t stress yourself kung gusto mo pang mabuhay yan.” Bulong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. May punto sya. I want this baby kaya kailangan hindi lang sarili ko ang kailangan kong isipin ngayon. Umakyat na ako sa taas at nagpahinga. Paulit ulit kong tinitignan ang cellphone ko umaasa na makatanggap ng tawag o text mula kay Stefan pero bigo ako.  Hindi na ako nakatiis at ako na mismo ang nagtext sa kanya. Saying: Can we talk? Ang tagal kong naghintay ng sagot niya pero wala akong napala hanggang inabot na ako ng antok. Kinabukasan ay maaga akong nagising, pinilit ko ang sarili ko na kumain para sa baby na nasa tiyan ko. Ininom ko din ang mga gamot na nireseta ng aking OB. Papunta na ako sa opisina. Nagtatalo ang utak ko kung pupuntahan ko ba si Stefan o hindi ngunit ng nakatanggap ako ng email mula kay Doctor Albert ay nagpasya ako na puntahan na si Stefan. He sent me a stolen pictures of Jayjay at isa lang ang ibig niyang ipahiwatig.  Dumaretso ako sa opisina ni Stefan at naabutan ko siya na kausap si Andy. Pinalabas niya si Andy saka niya ako hinarap.  “I’m busy. So whatever you need from me say it.” malamig niyang basag sa katahimikan. Ayaw bumukas ng bibig ko. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya lalo na ng makita ko ang galit sa mga mata niya, parang pinipiga ang puso ko sa sakit. “You are just wasting my time. I have to go.” aniya ng mainip ito.  Paalis na sana siya ng humarang ako sa daraanan niya. “Get out of my way.” Sing lamig ng yelo ang kanyang tinig.  “Ayoko. Bakit ba ang isip bata mo?” Pilit kong inayos ang boses kong nanginginig. “Ako pa ngayon ang isip bata?” Irita niyang sagot. Saglit siyang tumahimik saka tumingin sa akin. Gaya ng boses niya ay ganun din ang lamig na natatanaw ko sa kanyang mga mata, “Masaya ka bang pinaglalaruan ako?”  “Sorry.” tangi kong nasambit. Hindi na siya muling nagsalita. Lumampas siya sa akin at binuksan ang pintuan ng kanyang opisina. “I hope you get along with Rufus, because I like someone else now. Sana sapat na rason na iyon para tigilan mo na akong paglaruan.”   Niyakap ng lamig ang buong katawan ko nang umalis siya sa kanyang opisina. Napaka lamig na ng pakikitungo sa akin ni Stefan. Ang sakit sakit pero dapat lang naman sa akin iyon. Mahihirapan akong tunawin ang yelong bumabalot sa kanya.  Buong maghapon ay tahimik lang ako sa opisina. Magsasalita lang ako kapag kakausapin nila ako. Gusto din akong dalawin nina Giana at Avery pero dahil wala ako sa mood ay hindi muna ako pumayag. Maybe soon… Huminto ang pag-iisip ko ng may kumatok sa aking pinto.  “Come in.” sagot ko. “Ma’am Meghan. Gusto po kayong-” “Hi Babe!”  Pumikit ako sa inis ng makita ko si Rufus. May dala na naman siyang bulaklak. Pumasok siya sa loob ng opisina ko at isinara ang pinto. “How are you? Did you take all your vitamins?” masigla niyang tanong. “Rufus, hindi mo kailangan dumalaw sa akin araw-araw.” wala kong ganang sabi. “Gusto ko lang naman masigurado na okay ka ng ng bata. Hindi mo dapat pinapagod ang sarili mo. Mag leave ka muna kaya?” aniya at prenteng naupo sa sofa. “Hindi pwede. Babago pa lang akong nag-uumpisa.” “Maiintindihan naman ng magulang mo kapag sinabi mo sa kanila na buntis ka.”  “Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanila hanggat hindi kami okay ni Stefan. Ni hindi ko nga alam kung paano sasabihin kay Stefan ito.” irita kong sagot pero kahit papaano ay nakakagaan ng loob na may isa akong nasasabihan ng kalahati ng problema ko. Hindi ko man feel itong si Rufus kausap pero atleast nailalabas ko sa kanya ang saloobin ko. “May bago ng girlfriend si Stefan kaya kung ako sayo tanggapin mo na ang offer ko. Kaya ko naman kayong buhayin Meghan.”  Kumunot ang noo ko, “May bago nang girlfriend si Stefan?” hindi ko makapaniwalang sabi. “Yah! He already flexed it on his social media.” tugon niya at lumapit sa desk ko. Pinakita nya sa akin ang kanyang cellphone kung saan nandoon ang post ni Stefan. He kissed the girl’s neck in the picture at mahigpit na nakayakap mula sa likuran ng babae. May caption pa na parang pinatatamaan ako. Your feelings are true. This may be cheesy, but I think you're great. Parang dinagdagan pa ng punyal ang puso ko sa sobrang sakit. Iniwas ko ang mga mata ko kay Rufus dahil nagbabadya na ang mga luha ko na pumatak.  “C’mon! You are the strongest woman I know. Wala naman talagang kwenta yang si Stefan. Ewan ko nga ba kung bakit nagustuhan mo ang gag0ng yun. Di hamak naman na mas gwapo ako sa kanya.” May kahanginan niyang sabi. “Can you please leave me alone, Rufus?” pakiusap ko sa kanya dahil mas gusto ko ng mapag-isa. “I can’t. With your situation, I think kailangan mo ako ngayon.” tanggi niya. “Hindi kita kailangan, Rufus. Kaya ko ang sarili ko.” Giit ko. “Hindi ako naniniwala, Babe. Your eyes speak.”  “Stop calling me Babe. Pwede ba?!” irita kong saway. “Sorry. Nasanay na kasi ako.” Ngumisi ito at bumalik sa sofa, “Dito lang ako. If you need me, I’ll be happy to serve you.”  Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Naiirita ako sa presensya niya, huwag ko naman sanang mapaglihian. Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa mall para sana bumili ng gatas na pambuntis. Buong akala ko ay lulubayan na ako ni Rufus pero hanggang dito sa mall ay nakabuntot siya sa akin kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad. “Hey! Meg. Can you slow down? Delikado yang ginagawa mo.” sigaw ni Rufus.  Huminto ako sa inis saka humarap sa kanya. “Pwede ba? Tantanan mo na ako. I will never accept your offer.” Bulyaw ko sa kanya. “Pag-isipan mo pa din.” nakangisi niyang sagot tila hindi batid ang pagkairita ko sa kanya, “Ano bang gagawin mo dito?” “Bibili lang ako ng gatas ko kaya umuwi kana.” sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Tumakbo si Rufus para mauna sa akin na parang body guard kung hawiin ang mga makakasalubong ko.  Ugh! Hindi na nakakatuwa ang ginagawa niya. Nagtungo ako sa supermarket, kumuha ako ng basket at nagtungo agad sa milk section.  “Miss anong gatas ang mas maganda para sa buntis?” tanong ni Rufus sa saleslady. “Ito po sir. Kumpleto na po ang bitamina nito.” turo niya sa may gold na box. Dumampot ng limang box si Rufus. “Tama na ang isang kahon.” saway ko sa kanya kaya binalik niya ang apat na kahon. Padabog ko naman na inilapag ang kahon sa aking basket saka ko siya iniwan. Nagtungo ako sa mga ice cream dahil kagabi pa ako nag cravings sa mga iyon. Lahat ng mga ayaw kong kainin noon ay gustong gusto ko na ngayon. Ang weird lang. “Kunin mo lang lahat ng gusto mong kainin. Ako na ang magbabayad.” ani Rufus na parang aso na bumubuntot sa akin. “May pambayad ako.” pagtataray ko. “Rufus? Meghan?” gulat na usal ni Flora ng makita niya kami na nagtatalo sa harap ng fruit section dahil halos ilagay na ni Rufus sa cart niya ang lahat ng nandoon para sa akin. “Flora, let’s go-” Tawag naman ni Shandra pero agad napawi ang ngiti niya ng makita kami ni Rufus. Ngumisi siya at pinagtaasan ako ng kilay saka pinagsalikop ang mga kamay. “I’m not surprised. Kaya naman pala may bago na din itong si Stefan.” iritang sabi ni Flora saka niya kami kinunan ng picture.  “Pwede ba Flora. Ayoko ng gulo.”  “Saan ka kaya kumukuha ng kapal ng mukha no? After you killed my baby, ito ka ngayon? Nilalandi si Rufus? Hindi ka ba kinikilabutan?” sabi ni Shandra. “Ayoko ng gulo.” muli kong sabi saka akmang aalis pero pinigilan ako ni Shandra. Tiningnan ni Shandra ang kahon ng gatas sa basket ko at kunot noo na tumingin sa akin. “Are you-”  “Bitawan mo ako!” Angil ko saka nagmamadaling naglakad. Mabuti na lamang at walang pila sa express lane kaya mabilis din akong nakapagbayad.  Lumipas ang mga araw, patuloy ang pag sesend sa akin ni Dok Albert ng mga stolen shots nina Jayjay, Sidny, poknat at ng mga mercedez. Araw araw akong binabalot ng takot at pangamba na baka isang araw mawala sila sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako kinakausap ni Stefan ng matino. Sa tuwing makakaharap ko siya ay puro poot at galit ang lumalabas sa kanyang bibig. Dumagdag pa si Rufus na ayaw akong tantanan kaya mas iniisip ng lahat na baka daw bumalik na ang alaala ko. Kung pwede ko lang sabihin ang totoo. Miss na miss ko na si Stefan.  Malungkot kong pinindot ang floor number patungo sa unit ni Stefan. Alam kong nandito sya dahil wala sya sa opisina nya. Well, sana nga ay nandito sya. Nag doorbell ako ng ilang beses pero walang tumugon kaya pinindot ko ang passcode niya sa pero access denied ito. Inulit ko pa ng dalawang beses dahil baka mali ang napindot ko pero denied pa din. Sa sobrang inis ko ay nasipa ko ang pinto ng malakas pero ako din naman ang nasaktan.  Ngumibit ako at napakagat sa aking labi. Bwisit! “What are you doing here?” Malamig na tanong ni Stefan ng buksan niya ang pinto. Natulala ako ng masilayan ko ang gwapo nyang mukha. God! I miss him.  “Can we talk?” pinilit kong mag isip ng isasagot na hindi niya ako pinagtabuyan. “No! I already told you what I have to say.” Wala niyang ganang sagot.  “Please. What will I need to do for you to forgive me?”   “Nothing.”  Isasara na sana niya ang pinto ng iharang ko ang aking kamay kaya bahagya itong naipit.  “Stefan, please? Ouch!” daing ko dahil masakit iyon.  “What the hell?!” Bulyaw niya saka binuksan muli ang pinto. Hinila nya ang kamay ko para tingnan at kinuha ko naman iyong pagkakataon para umangkla sa kanyang batok at nakawan ito ng halik. I miss his lips.  Mahigpit siyang kumapit sa magkabilang braso ko at inilayo ako sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang namuong galit. “Stop this bullshit! Isn't it obvious? I don't have the same feelings anymore.”  “That fast? Hindi ako naniniwala” Angil ko.   “Yes. That fast and I don't give a damn whether you believe it or not.”  “Sorry na kasi. Love?” malambing ko namang sabi.   “Leave me alone. I don't need you in my life anymore.” Masakit man pakinggan ay hindi ako nagpatinag. I need to do this… Nakakaiyak! Kapag sinabi ko ba na buntis ako sa kanya ay patatawarin na niya ako? O mas kamumuhian pa lalo? Natatakot na tuloy akong sabihin sa kanya na magkakaanak na kami… Pero mas kinatatakutan ko ang itakwil niya kami… Ugh! Ang gulo na ng utak ko! Isasara na niya sana ulit ang pinto kaya ang paa ko naman ang ginamit kong pang harang.  “Stefan, please? If you close that door, I'm gone for good.” Banta ko sa kanya. Umaasa na matatakot sya. Tumigil siya sa pagsara at huminga ng malalim. “Do you have a visitor?” tinig ng isang babae mula sa loob ng kanyang unit. Mas lumuwag ang bukas ng pinto at bumungad sa akin ang babaeng sinasabi nilang bagong karelasyon ni Stefan. Tanging suot lang niya ay ang tshirt ni Stefan. Hindi niya ikinagulat na makita ako at sa halip ay ngumiti pa sa akin. “Oh! Hi Meghan.” Bati niya, “Babe, I’ll wait for you in the room.” paalam pa niya. “You lost me forever.” Malamig niyang sabi bago niya isara ang pinto. Hindi na ako nakapagsalita. Yumuko nalang ako mas pinili na maglakad palayo dahil sobrang sakit ng dibdib ko. Kahit anong pigil ko na huwag umiyak ay hindi ko magawa.Tumagos at damang dama ko lahat ng sakit sa puso ko pagkatapos kong makita si Stefan na may kasamang ibang babae. Ang sakit!  Akala ko hindi totoo na may bago na sya. Akala ko palabas lang niya iyon para gantihan ako. Palabas na gaya noong ginawa namin.  Ang hirap huminga… Don’t worry Baby ko. Kaya naman ni Mommy kahit masakit.  Hinimas ko ang aking tiyan dahil may konting kirot akong nararamdaman. Pati din ba ang baby ko ay nasasaktan dahil sa akin?  Pasensya na baby ha? Kung bakit ba naman kasi nagkaroon ako ng magulong buhay. Umiyak ako sa loob ng taxi, pati si manong driver ay naawa na sa akin. Dahil mas lumala ang kirot sa puson ko ay nagpahatid na muna ako sa hospital para magpatingin.  “Mommy, kailangan nyo po ng bedrest kahit isang linggo. Huwag rin po kayo masyadong magpaka stress. Hindi po kasi nakakabuti kay baby. Kung ano po kasi ang nararamdaman ni mommy ay yun din po ang nararamdaman ng baby nyo. My advice is take a really good care of yourself dahil mahina pa si baby. Iniinom nyo ba ang mga gamot na nireseta ko?” Sabi ng aking OB. Tumango ako sa kanya. Kahit medyo lutang ang isip ko ay pinipilit ko pa ding intindihin sya para sa aking anak. “Okay po. Reresetahan ko kayo ng pampakapit ng bata basta sundin nyo pa din ang payo ko.” “Opo Dra. Total bed rest po ba talaga ang kailangan? Kasi may trabaho po ako at kailangan ako sa kumpanya.” tanong ko. “Total bed rest kahit 2 days pero kapag nakakaramdam ka pa rin ng kirot sa puson ay bumalik ka sa akin.” sagot niya. Madami pa akong tinanong sa kanya para masigurado ko na malusog si baby. I even listed them in my notes. Pagkauwi ng bahay ay hindi na ako bumangon sa kama. Mabuti nalang nandyan si Sanya para utusan ko sa mga kailangan ko. Nagkunwari nalang ako na masama ang pakiramdam. Ang hirap din pala na nakahiga lang sa kama ng dalawang araw no? Ang boring. Kaya naman sa ika apat na araw ay pumasok na ako sa opisina. Okay na din naman ako. Hindi na kumikirot ang puson ko. Giana: Can we hang out later? Please? We miss you. Text sa akin ni Giana. Ngumiti ako at nireplyan sya ng okay dahil miss ko na din naman sila. Pag patak ng ala sais ay nagtungo na ako sa aming tagpuan which is ako ang nag suggest. Sa isang exclusive bar, nagpareserved na daw si Avery ng VIP room at isa pa may ipapanood daw silang video sa akin. “Meghan! I miss you.” Yakap sa akin ng dalawa ng makapasok ako sa VIP room. “How are you? Namayat ka yata?” tanong ni Avery. “Honestly, hindi ako okay.” malungkot kong sagot. Ngumuso ang dalawa at niyakap nila ang magkabilang braso ko dahil pinag gitnaan nila ako. “Ano pala ang ipapanood nyo sa akin?” curious kong tanong. “Wag na lang. Hindi ka okay eh. Edi mas lalong hindi ka naging okay sa video na yun.”  “It’s okay. Nasaan na ba?” pag pupumilit ko. “Bakit mo kasi nireject ang proposal.” mahinang sabi ni Avery. Hindi na ako sumagot. Inabot sa akin ni Giana ang cellphone niya. “Pinasa lang sa akin yan ni William.” paliwanag niya. I played the video. Umiinom ng alak ang dalawa. “Tulala ka? Iniisip mo sya?” untag ni William sa kanya.   “I don't.”   “Miss mo na?” Tawang tanong niya.   “F*ck off!”   “Did you really love her, bro.? Ang bilis mong paltan eh.”  “I did.” “So…  Mahal mo pa?”   “Hindi na.” Pumikit ako sa sagot ni Stefan. Tagos hanggang kaluluwa ko ang sakit sa pag hindi niya.   “Hindi ako naniniwala.” umiling ito at tumawa.   “I don't” ulit pa ni Stefan. “Look, Im sorry pero hindi ako naniniwala. That's not how love works.” giit niya.   Uminom ng beer si Stefan bago sumagot, “Ano namang alam mo sa pagibig?” pang aasar nito. “Gag0!” Humalakhak si William at uminom din ng beer, “Naniniwala kasi ako na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi natatapos ang pagmamahal mo sa taong yun.”  Humagikhik si Avery at umiling iling sa sinabi ni William.    “Well, I did love her. Hindi ako perpekto pero ginawa ko ang lahat para sa kanya. Kinalimutan ko ang sarili ko para sa kanya pero anong ginawa niya?” Mapait na tumawa si Stefan, “Nabaliw ako sa kanya, pero hindi ako tanga.” Pumikit ako muli at pumatak ang mainit kong luha.  Ayaw na ba talaga sa akin ni Stefan? Niyakap ako ni Avery at Giana. “One bottle of margarita please?” order ko sa waiter. “Iinom tayo?” tanong ni Giana. “I got it.”    “C'mon, spill it out. We are your friends, we will listen and we will not judge you.” segunda ni Avery. “Nag propose sa akin si Stefan and I rejected him.” Iyak kong sabi.   “Yes. We know.” Kalmado na sabi ni Giana.   “I thought you loved him? Bakit?” Tanong naman ni Avery.   “Oo nga? Nakakaloka! Mahabang inuman to!” sabi ni Giana sakto naman dumating ang waiter dala ang margarita, “One bottle of tequila here!” order ulit nya. Mapait akong ngumiti sa kanya dahil for sure, sila lang naman ang iinom na dalawa. “Mahal ko si Stefan. Mahal na mahal… Pero hindi ko kayang lokohin sya habang buhay. Araw araw akong kinakain ng konsensya ko sa tuwing sinasabi niya sa akin kung gaano nya ako kamahal at hindi ko na kaya.” Iyak kong kwento. Natulala ang dalawa dahil hindi nila maintindihan ang aking mga pinagsasabi.  Nagkatinginan pa sila saka muling tumingin sa akin. “Ano bang sinasabi mo? Niloloko mo si Stefan? I don't get it.” Litong tanong ni Avery. Pumikit ako at huminga ng malalim. Mga kaibigan ko sila at alam kong mapagkakatiwalaan ko sila. Sawang sawa na din naman akong sarilinin ang problema ko. Pakiramdam ko kasi sasabog na ako kung hindi ko pa ilalabas ito.   “M-May aaminin ako pero ipangako nyong wala kayong pagsasabihan nito.” Kinakabahan kong sabi.   “Kaibigan mo kami and I promise wala kaming pagsasabihan.”   “Yes. Promise.”  Sabi ng dalawa. Muli akong huminga ng malalim.    “I am not the real Meghan. Ako si Seraphina Merquez.” Pag amin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD