NAKATAYO si Cat sa tapat ng coffee shop ni Harry. Hawak niya ang mini bag kung saan nakalagay ang pinagawa niyang cheque. Ngunit dumaan na ang ilang minuto na nakatayo lang siya roon at nag-iisip. Hindi sa iniisip niya kung paano kakaharapin ito. Sa kanilang dalawa, ito ang mas nakakahiya. Hindi na naman siya bitter sa nangyari sa kanila. Blessing in disguise that Brix ruined their wedding day. Wala na rin siyang balak na gantihan pa ito if ever. Wala na siyang pakialam dito o kung sino mang babaeng bago nito. May ibang plano kasi siyang biglang naisip. Napasilip siya sa laman ng kaniyang mini-bag. Parang gusto niyang manampal ng cheque. Naglakad na siya ngunit imbes na sa coffee shop pumasok ay sa kalapit na drugstore nagpunta. May sinaglit siyang bilhin doon. Nag-aabang na siya ng t

