Chapter 07 : Instant

1538 Words
"SH!T!" Naihampas ni Brix ang tako sa ibabaw ng pool table. Isang tira na lang sana ay panalo na siya. Sumablay pa. "Pa'no ba 'yan, Kuya Brix? You finally lose!" nakangisi namang sabi ng pinsan niyang si Kristoff. "Oo na. Pinagbigyan lang naman kasi kita!" Tinalikuran na niya ito. Nag-vibrate kasi ang cellphone niyang nasa bulsa kaya nawala siya sa focus. "Hoy! Bayad mo sa pustahan-" Iminuwestra niya ang isang kamay para patahimikin ito. Sinagot niya ang tumatawag. "Boss, confirmed," agad sabi ng lalaki sa kabilang linya. "It's really her?" hindi pa makapaniwalang tanong niya. "Opo. Nag-send ako sa inyo ng picture." Binuksan niya nga ang message para i-check ang sinasabi nito. Pagak pa siyang natawa. Seryoso talaga siya? "So where is she now?" balik niya sa usapan. "Nasa kainan, Sir. Umo-order pa lang." "Okay. So nakausap mo na ba 'yong may-ari? Sabihin mo parating na ako." "Where are you going? Gabi na ah," pigil-tanong sa kaniya ng pinsan. Sila lang dalawa ang naroon dahil nasa living area ang iba. He was at their mansion. Dahil na-bored sa sariling bahay ay naisipan niya munang tumambay roon. "Twenty-nine na ako at hindi na ako bata," aniya sa pinsan. Kinalas niya ang kaniyang Patek Philippe wristwatch at inihagis sa pool table. Iyon ang gusto nitong mapalanunan kaya nag-aya sa kaniya mag-billiards. Pagkuwa'y nagmamadali na siyang lumabas ng exit door. Tinungo niya agad ang kaniyang Bentley. Napailing pa siya. It was just 7pm at mahaba pa ang gabi. Pinaharurot niya iyon agad patungong address ng salon kung saan nakita ng kaniyang tao si Cat. Suwerte niya't walang traffic, nakarating siya agad in less than an hour. I-p-in-ark niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng isang old-style na bahay. May kumatok sa bintana. "Boss." It was Nelson. "So this is the owner' s house?" nakawinging tanong niya. "Yes, boss." "And the building?" May itinuro ito sa 'di kalayuan. Bumaba na lang siya ng sasakyan para mas makita pa iyon nang malapitan. Lalo siyang napangiwi. Halatang luma na ang nasabing gusali na may tatlong palapag. May crack na nga sa mga gilid. "Pinagti-tiyagaan pa nila ang ganito?" Hindi kasi siya sanay na nakakakita nang ganoon. Sa mundong kinalakihan niya, may makita lang na maliit na mali ay inaayos agad. "Fifteen years na raw kasi ang building na 'yan kaya ganiyan na ang lagay, Sir." Umiling siya. "I see." Mayamaya ay bumalik na sila sa pinanggalingan at nag-doorbell sa nasabing bahay. Isang matandang lalaki ang nagbukas sa kanila. "'Lo, siya ho 'yong sinasabi ko sa inyong interesadong bilhin ang building. Siya ho ang boss ko," pakilala sa kaniya ni Nelson. "Tuloy kayo. Tuloy. Mukhang seryoso nga kayo. Gabi na pero makikipagtransaksyon pa kayo." Pumasok nga sila sa loob ng antique na bahay. May kasamang isa pang matandang babae ang lalaki na sa palagay niya'y asawa nito. At isang tagapagsilbi. "Magmeryenda muna kayo, ano'ng gusto ninyo?" alok pa ng matanda. Tumanggi si Brix. "Huwag na ho't hindi rin naman kami magtatagal." Kinuha niya ang tseke na nakasingit sa gilid ng kaniyang minibag. "Five million siguro naman ho hindi na kayo lugi niyan, mukhang isang lindol na lang magigiba na ang gusali ninyo." Hindi naman siya makapaniwalang pinagmasdan pang saglit ng matanda. "S-Sigurado ka, iho? 2M ko lang sana balak ibenta ang building. Sobra-sobra ito." "Hayaan n'yo na't barya lang naman 'yan sa 'kin," aniya sabay ngisi. "Basta ngayong gabi kailangan maipasara n'yo na 'yong salon sa baba. Kayo nang bahalang gumawa ng paraan. Kailangan bukas tigil-operasyon na iyon, hmm?" Tila wala sa sariling tumango-tango ito. "Kung gano'n, aalis na ho ako," agad paalam niya. "Saglit!" Naantala ang paghakbang niya. "Ang titulo...?" "Bukas kukunin ng tauhan ko kapag na-withdraw n'yo na ang pera." Nagpadala agad sa malaking offer niya ang matanda. Ni hindi man lang sinigurado kung peke ang tseke o hindi. But that was legit anyway. At masyado siyang nagmamadali nang mga oras na iyon. Nelson was also a lawyer kaya rito na niya iiwan ang lahat ng kailangan para masakatuparan ang plano niya. Pagkabalik niya sa kotse niya ay saglit siyang natulala sa kawalan. Nababaliw na nga yata siya talaga. Ano itong pinaggagawa niya? Pinaandar na niya ang sasakyan. Basta ang alam niya lang, masaya siya seeing her again after three years. .... "BAWIIN mo 'yon," bungad agad ni Cat pagkalapit niya kay Brix. Nag-aya siyang makipag-usap rito. Nag-aabang pa lang siya ng masasakyang jeep ay dumating ito agad as if he was there kanina pa at pinanonood siya. "Care for a ride? Nasa kalye tayo!" anito na pasigaw. Nasa sasakyan ito at mabagal na nagda-drive. Nakababa lang nang bahagya ang bintana ng front seat. Maingay kasi ang paligid dahil marami nang dumaraang sasakyan kasama pa ang mga distinct sounds mula sa mga tao. "Sinasabi ko talaga sa 'yo-" "I can't hear you!" Nasa kabilang side kasi ang driver's seat. Hindi niya alam kung nagpapalusot lang ba ito pero sinunod na lang din niya. Pasalampak siyang naupo sa upuan. "Grabe! I can't imagine you never really changed your place. It's been three years pero sa lugar pa ring ito ka nakatira," he said habang abala pa siya sa pagkakabit ng seatbelt niya. "Wala kang paki. Ikaw nga three years na, hindi pa rin ako tinatantanan." "Jeez!" He laughed. "Ibang usapan 'yan." "Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Huwag mong idamay ang mga kaibigan ko sa kalokohan mo. 'Di porke't mayaman ka, lahat kaya mong gawin." "Sino ba'ng nag-dare? Biro lang sana 'yon eh, at wala sa hinagap ko na gagawin mo talaga, but you really did. Sa tingin mo, sino sa atin ang baliw?" "Mas baliw ka. Kung ano-anong naiisipan mong gawin. Nananahimik na ako, heto ka na naman." Tumingin lang ito sa kaniya. Iyong tinging nakakaloko. Sinipat pa ang ayos niya mula ulo hanggang paa. Pagkuwa'y bigla na lang itong napangiti. "B-Bakit? Ano na naman?" Siya na bigla namang na-anxious sa sarili. Desente naman ang suot niya para maging katawa-tawa sa mata nito. "Bagay sa 'yo 'yang new look mo. O, I'm not being sarcastic, ha? Nagko-compliment lang ako." Umingos siya. "Hindi ko kailangan ang papuri mo. Sabi ko huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa." Tumango ito. "Kaya nga dadalhin na kita sa bahay eh." "A-Ano?" Saka niya lang napansin na mas bumibilis na pala ang pagpapatakbo nito. "You want me to 'undo' what I did, then I'll do it. Pero sasama ka. Iyon ang usapan, 'di ba?" "T-Teka... wala pa akong sinasabi. Hoy! Ihinto mo 'to..." Ngunit nasa highway na sila kung saan ipinagbabawal na ang loading at unloading ng mga sasakyan. Tiningnan niyang muli si Brix na hindi pa rin mapatid-patid ang ngiting-aso sa pagmumukha. Mukhang naisahan na naman siya. PUMASOK sila sa isang high-class subdivision. Hindi na umiimik nang mga sandaling iyon si Cat dahil napagod na ang bunganga niya kakatalak pero nginingisian lang siya ng katabi. Hindi niya alam kung iniintindi ba siya nito o binabalewala lang. But more precisely ay parang binabalewala nga lang dahil kahit naiintindihan naman nito ang mga sinasabi niya ay parang wala itong pakialam. Lack of empathy, sign of autism! Iyon na lang ang pilit niyang ipinagduduldulan sa kukote niya para bumaba ang presyon niya. Kung hindi lang siya natatakot na baka maaksidente sila, pinaghahampas o sinabunutan na niya ito habang nasa biyahe sila. Naiinis talaga siya. "This is my house," mayamaya ay sabi ni Brix kasabay ng pagbubukas ng mataas na gate para sa sasakyan nila. Napalunok naman si Cat after the first glance sa tinutukoy nitong bahay. Contemporary ang style niyon na madalas sa mga sikat na artista niya nakikita. Never in her life na na-imagine niyang makakakita nga siya ng ganoon sa personal. "Kakapagawa ko lang nito, okay ba sa 'yo?" wika ulit ni Brix nang hindi pa rin siya umimik. Bakit kailangan pa ng approval niya kung okay o hindi? Maganda nga ang bahay pero kung ang nakatira naman ay katulad ng isang 'to, malamang pangit iyon sa loob. Parang panlabas at panloob na anyo lang 'yan eh. Walang silbi ang kagandang panlabas kung pangit naman ang ugali. "O-Okay lang." Nagkibit-balikat pa siya. Sinigurado niyang walang sign of paghanga na mababakas sa hitsura niya. "Okay lang? Iyon lang?" Lihim siyang napangiti. "Oo. Bakit? Ano naman kung maganda itong bahay mo? Wala naman akong paki." "I'm trying to get your opinion para kung may hindi ka gusto puwedeng ipabago. Labas pa lang 'yan, pa'no pa kaya kapag nakita mo 'yong loob?" "Bakit kailangan pa ng opinyon ko? Eh hindi naman ako ang nakatira rito. Baliw ka ba? Kung may mali pala eh 'di sana 'yong engineer o architect niyan ang tinawag mo." But she liked the every detail of the house. May pa-garden pa sa harap, may table at mga upuan. May pa-swing pa. Malamang kung hindi si Brix ang may-ari niyon at matalik na kaibigan niya lang, kanina pa siya bumaba ng sasakyan para tingnan ang loob. Napakasuwerte talaga ng mga ipinanganak na mayaman. Nakukuha lahat ng gustuhin. At bukod sa condo, may sariling bahay pa. Okay. "Because sooner or later, you will live here. Kaya kung may hindi kaaya-aya sa paningin mo ay aayusin ko. Because coming here with me means you are my fiancee now." At bigla na lang naglabas ito ng magarang singsing at isinuot sa kaniyang panggitnang daliri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD