MASAKIT ang ulo ni Brix nang maalimpungatan. Matindi ang tama ng alak na pinainom sa kaniya ng papa ni Cat kagabi na nakailang shot lang siya ay bumigay agad ang kaniyang katawan. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na niya maalala pa kung ano'ng mga nangyari. Kung ano ang mga pinag-usapan nila ng magiging biyenan niya at kung ano-ano'ng pinagsasabi niya kagabi. "Hmm," ungol daing niya. Parang binibiyak pa rin ang ulo niya. Ngunit nang maramdaman niya ang presensya ng kaniyang katabi ay parang unti-unti ring naibsan ang sakit na 'yon. Nakangiti kahit nakapikit ay niyakap niya nang mahigpit si Cat. Nakatalikod ito sa kaniya at talukbong ng kumot. Pilyong kapit tuko niyang ipinulupot ang braso sa tapat ng dibdib nito pati ang mga hita niya sa mga hita nito. Pabiro pa niyang idiniin ang ib

