AT MAKALIPAS ang tatlong taong iyon, Brix brought her back to that place. "Natatandaan mo pa?" tanong nito habang nakaakbay sa kaniya. "So you really think, ito ang kailangan ko?" nang-uuyam na tanong niya. But deep inside, parang na-miss niya nga ang lugar na 'yon. Doon siya unang nakatikim ng alak. Unang beses na nakapagliwaliw. "Siguro. Gusto kong balikan lahat ng memories na ginawa natin noon. Baka sakali, mahalin mo akong muli." Pumasok na sila sa loob. Halos wala pa ring pinagbago ang loob ng bar. Kahit medyo maaga pa ay dagsaan na ang mga tao. May sumasayaw agad sa may dancefloor. "Ano? Dating gawi?" malambing na tanong ni Brix. Naroon na sila sa may VIP seats. Halos eksakto kung saan sila naupo noon. "s*x on the Bea-" "Hindi. Iba naman ang gusto ko," agad niyang putol sa si

