"ANO 'TO?" nakasimangot nang tanggapin ni Cat ang paper bag na iniabot ni Brix. "Basta. Mamaya mo na buksan, pagkatapos natin mag-dinner. Hmm?" Sumandal pa ito sa may hamba ng pinto at sandaling pinakatitigan pa siya. "Ba't parang ang laki na naman ng galit mo sa mundo?" Nanlaki ang mga mata niya. "Wala!" Inihagis niya sa ibabaw ng kama niya ang paper bag na 'yon. "May ginawa na naman siguro akong masama?" natatawa pa ring saad ni Brix. Umalis ito sa puwesto at inabangan ang paglabas niya ng pinto. "Hindi mo lang alam..." mahinang himutok niya. Tinabig niya ang kamay nito nang maramdamang lalapit ito sa kaniya. Naiinis din siya sa sarili niya. Bakit ba siya masyadong affected sa mga nakuwento ni Jessica sa kaniya kanina? Kung tutuusin, napaka-nonsense niyon. Alam na niyang gawain n

