NAG-INAT-INAT si Catalina. Umaga na pala. Nagising siya sa 6AM alarm kaya bumangon na siya at dumeretso ng CR. Nag-stretching muna siya sa harap ng salamin. Babalik na siya sa trabaho niya. Kaya ganito kaaga ang gising niya. Matapos mag-toothbrush ay nagderetso ligo na siya. Isinuot niya ang kaniyang bagong biling corporate attire. Buti na lang at walang required uniform sa opisina ni Brix. Masusuot niya kahit anong gustuhin niya. Ginamit niya na rin ang mga pangkolorete sa mukhang binili niya. Medyo dark pink ang kulay ng lipstick na ginamit niya. Nang masigurong handa na siyang umalis ay lumabas na nga siya ng silid niya. Palakad na siya pahagdan nang bumukas din ang pinto ng kuwarto ni Brix at iniluwa niyon ang binata. "Good morning!" ngiting-ngiting bati nito sa kaniya. Tulad ni

