"BULLSHIT." Kanina pa napapamura si Brix. Traffic na nga ay may kamote driver pang nakasingit sa kaniya. Lumalayo na ang taksing sinasakyan ni Cat. Nababaliw na yata siya. Hindi niya kayang malayo ang babae sa kaniya. Gusto niyang malaman kung saan ito palagi paroroon at kung ano'ng gagawin. He's one hell of a guy. Sobrang obsessive. Dumating pa sa point na nag-install siya ng tracker sa phone niya para lang malaman kung saan ito palagi paroroon. Like now. Kanina pa siya hindi mapakali sa opisina niya. Nang makita na gumagalaw ito at kung saan papunta ay hindi na niya naintindi pa ang trabaho niya. Nagawa niyang iwan ang trabaho kahit Lunes na Lunes para lang masundan ito. Natatakot siya. Natatakot siyang baka kung sino ang kitain nito at hindi na bumalik sa kaniya. Yeah. Ganoon na si

