CHARISE MARIE Kakarating ko lang sa bahay. Kagagaling ko lang kasi mula sa naging libing ni Cathy. Medyo napagod ako at the same time medyo nalungkot dahil dun. Especially para kay Evan na labis talagang nagluluksa sa pagkawala ng minamahal. Antagal niyang naghintay at naghanap para makita at makasama ito pero nabalewala lang lahat iyon ng dahil sa biglaang pagpanaw nito. Wala itong kaalam-alam na naroon lang pala ito sa ospital. Pinaniwala siyang nawawala ito para sisihin niya ang sarili dahil sa nangyare kay Cathy. Halos mainis ako ng malaman ang ginawa ng mga magulang ni Cathy kay Evan. Napakawalang puso. Sinisisi na nga nila si Evan dahil nangyare, itinago at pinaniwala pa ng mga nito nawawala ito. Doble-doble ang p**********p nila kay Evan. Kahit paano ay may karapatan pa din iton

