EVAN LEE Nasa opisina ako at busy sa ginagawa ko sa computer. May mga tinatapos ako dahil kailangan na iyon para sa isang project. Malapit na kasi magsimula ang construction kaya kailangang mai-finalize iyon. Ito ang dahilan kung bakit ako ilang araw nang nag-o-overtime at almost late na kung umuwi. Pagdating kasi sa trabaho ko na 'to ay dapat pagtuunan talaga siya ng atensyon. Napakabusisi at detalyado. Kaya dapat talaga double check para hindi magkaroon ng kapalpakan at walang maging problema sakaling magstart na ang construction. Naagaw ang atensyon ko at napatingin sa pinto dahil sa mga katok na narinig ko. Nakita ko na si Cha ang naroon at kakapasok lang. May mga dala itong papel na pinaprint ko sa kanya kanina. "Ito na po, Sir 'yung pina-print niyo," ani Cha saka lumapit sa mesa

