EVAN LEE Ako ang unang pumasok ng kweba. Gusto ko kasing i-check ang lugar kung okay ba ang mag-stay kami roon. May kalakihan ang kweba at hindi ko alam kung anong meron doon sa kaloob-looban niyon. Hindi ako sigurado kung magiging ligtas ba kami rito. Baka kasi may mga ahas o mga mababangis na hayop ang roon na biglang lumabas at tuklawin o kainin kami. Hindi namin alam kung anong pwedeng mangyare at makikita doon kaya kailangan talagang mag-ingat. Wala naman kaming choice. Ito na ang pinakaligtas na lugar para makagpahinga at 'di na tuluyang mabasa pa. Balak kong dito lang kami sa may bungad mag-stay para makapagpahinga man lang. Ramdam na ramdam ko na kasi ang sobrang pagod at gutom. Maging ang sobrang lamig. Halos nanginginig na din ako. Kanina pa akong basa. Sa kagustuhan naming m

