CHARISE MARIE "Aaahhh!" sigaw ko ng tuluyan akong bumagsak sa hukay. Ramdam ko agad ang sakit ng naunang tumama ang balakang ko sa lupa pagkabagsak ko. May kalaliman din ang hukay at lampas tao din iyon. Napangiwi agad ako dahil dun sabay sapo ng nasaktang parte ng katawan ko. Hindi agad ako nakatayo dahil dun. Hindi ko napansin na ang dinaanan kong tumpok ng puro patay na dahon ay isang malaking hukay pala. Na may ganoon pala ilalim niyon. Wala sa isip ko na may roon niyon. Tamang lakad lang ako tapos may ganun pala. Sadyang ang malas ko talaga. Halos sunod-sunod na. Hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng hukay dito. Kung iisipin kasi para siyang patibong. Ang pinagtataka ko lang ay kung sino ang may gawa niyon. At kung para saan. Ang sabi kasi sa amin ay wala pa daw nakakaakyat ng M

