CHARISE MARIE Natigilan ako ng makita ang mukha ng lalaking nasa loob ng cottage namin. It was Brent. Hindi ako makapaniwala na naroon ito. Hindi ko alam kung bakit pumasok ito ng walang pahintulot. Para saan? Para alin? This is invading of privacy. This is unacceptable. Napaka-unprofessional. At hindi ko talaga gusto. Ganito ba sila sa mga guest nila? Ni hindi man lang ito kumatok. Hindi ko inaasahan na bigla-bigla itong susulpot doon. Wala siyang karapatan na pumasok na lang basta. Wala naman akong natatandaan na binigyan ko siya ng authorization para pumasok dito. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" nasabi ko sa sobrang pagkabigla ng makilala ito. Napatutok ang mata ko sa mukha ni Brent. Maski ito ay nagulat din sa reaksiyon ko. Sino ba naman kasi ang hindi matataranta kapag malaman mo

