CHARISE MARIE Kakadaong lang ng bangka na sinakyan namin sa dalampasigan. Kaya kanya-kanya ng baba dahil medyo mainit na at lahat ay gutom na din. Kakagaling lang kasi naming mag-island hopping sa kalapit na isla. At nag-enjoy ako ng sobra. Ang ganda ng islang pinuntahan namin. Bukod sa walang tao roon ay malinis at malinaw ang tubig. Perfect din ang isla para sa mga mahilig at gustong mag-snorkeling at diving. Kitang-kita na ang mga corals kahit sa mababaw. Halatang di pa talaga siya totally naee-explore. Hidden at preserve pa din ang ganda niyon. Isa kasi ang island hopping sa mga activities na inoofer ng resort. Masasabi kong isa iyon sa the best. Halos lahat kasi ay nasiyahan at halata talagang nag-enjoy. Panay picture ng selfie at groupie pa ang karamihan sa mga kasama namin na p

