CHARISE MARIE AFTER THREE MONTHS Nagche-check ako ng mga gamit na dala ko. I need to ensure na wala akong nakalimutan ni isa. Mahirap na at hindi ko alam kung anong pwedeng mangyare habang umaakyat ng bundok. Mabuti na ang sigurado. Sa tantiya kasi namin ay mga dalawang araw ang lalakarin namin bago kami makarating sa summit ng Mt. Malinghot. Ito pa lang daw kasi ang unang pagkakataon na may aakyat sa bundok na ito na ang ibig sabihin sa tagalog ng salitang Malinghot ay masukal. As in walang trail na susundan. Kami mismo ang mag-e-explore at gagawa ng sariling trail para makarating sa taas. Kaya medyo challenging ito. Though hindi naman na ito bago sa akin dahil ilang beses ko nang nagawa at na-experience ang ganitong klase ng pag-akyat. Pero siyempre ibang bundok naman ito. Walang nak

