CHARISE MARIE Nagpaalam akong magha-half day kay Evan. Umalis kasi ang kapatid ko kaya walang magbabantay kay Mama. Pumayag naman ito at sinabi ko namang papasok ako ngayong hapon. Kakagaling ko lang sa labas matapos kong bumaba ng taxi at nagmamadaling pumasok ng building. Umuulan kasi at wala akong dalang payong. Halos mabasa ako dahil dun. Pinunasan ko muna ang mga patak ng ulan sa kamay at mukha, maging sa damit ko bago ako tuluyang tumuloy papuntang elevator. Medyo maaga pa naman ako kaya okay lang may time pa ako para mag-ayos. Habang naglalakad at napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa may harap ng front desk. Parang pamilyar ito sa akin kaso lang hindi ko ito matandaan kung saan kami nagkita. Babalewalain ko na sana at tutuloy na sa elevator ng bigla na lamang may tumawag sa

