EVAN LEE Hindi ko alam na andito din si Cha kasama si Mylene. Hindi ko alam kung sino ang nauna sa aming dumating. Umaga kaming dumating ni Engr. Garcia kanina. Nakarating ako dito sa beach resort ay dahil na rin sa invite nito. Si Engr. Garcia kasi ang may hawak sa expansion project nitong beach resort. Sumama na din ako sapagkat matagal-tagal na din akong hindi umaalis. Sa dami ng nangyare nung mga nakaraan ay kailangan na din talaga. Gusto kong mag-relax kahit paano. Lumanghap ng sariwang hangin. Makapag-isip at kalimutan muna lahat. Pero hindi ko akalain na makikita ko si Cha dito. Magkatabi ang cottage na tinuluyan namin at lately ko lang nalaman iyon nung nakita kong lumabas sila mula roon. Hindi niya alam na andito din ako. Never akong nag-attempt na lumapit man lang sa kanya. A

