CHARISE MARIE Kasalukuyan kaming nasa Zambales ni Mylene. At kakarating lang namin. Bumalik kami sa beach resort nina Brent. Kaming dalawa lang at walang kasamang mga kasali sa tour. After ko kasing mabanggit at naikuwento sa kanya ang naging pagkikita namin ni Brent sa B&B ay bigla itong nag-aya na bumalik dito. Sakto ding walang lakad ang kapatid ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na maayos ang schedule ko. Pumayag na din ako kasi nami-miss ko na din ang maglakwatsa. Ilang buwan na din na wala akong ganap. Bahay at trabaho na lang ang nagiging routine at destinasyon ko. At isa pa ay bonding na din namin ito ni Mylene na dalawa. Matagal-tagal na din akong hindi sumasama sa tour niya simula nung nag-resign ako sa call center at mapunta sa kompanya nina Evan. Kaya hindi na talaga ako n

