CHAPTER 52 "Rizel!" basag ni Aera sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Nakaupo kaming dalawa sa isang bench dito sa loob gym habang pinapanood namin sina Harvey na naglalaro. Kitang-kita ko rin sa gilid ng aking mga mata na nasa akin ang buo niyang atensyon. "Hmmm?" nakangiti kong tanong at sandaling lumingon sa kaniya. Mabuti na lang at maaga rin na natapos ang klase nila. Ilang araw na akong walang kasama rito habang hinihintay si Harvey at saka na iilang din ako na nandito. Tulad na lang kahapon, hindi ko aakalain na pupunta rin dito si Jeka kasama ang mga kaibigan niya. At ang nakakailang pa, mismong sa likod ko pa sila umupo. "Hindi pa rin ako makapaniwalang kayo na ni Harvey. Last time kasi galit na galit ka sa kaniya," sagot nito. Hindi niya pa rin inaalis ang mga mata

