CHAPTER 51 "See marunong ka naman pala no'n, 'yon na lang. Basic!" umiiling pa ang ulo niya. Tumango-tango ako. "Oo alam ko nga bili ka ng chess tapos maglaro tayo. Tapos itusok ko lahat ng official na sinasabi mo d'yan sa mata mo pati na sa bibig mo o kahit sanang butas ng katawan mo." Nakakunot ang noo nito habang sinasabi ko 'yon at mabilis naman na nagbago ang expression ng mukha nito at humagalpak pa sa sobrang galak ng kaniyang nararamdaman. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Kunot ang noo kong tanong. "You are joking?" natatawa nitong sabi. Tinaasan ko ito ng kilay. Tingin niya talaga nagbibiro ako sa mga sinasabi ko? Lalabas talaga ang taong ito ng bahay nang wala sa oras. "Okay. Okay fine." Pigil nitong tawa at hinarang pa ang dalawang kamay sa aking harapan upang utusan ak

