CHAPTER 50 Nang makarating kami sa bahay dumiretso lang ako ng kwarto ko at hindi kinikibo ang Harvey na 'yon. Kanina pa siya nagsasalita kung kung ano-ano at kinakausap ako ngunit hindi ko siya pinapansin. "Rin ko!" inis na habol nitong sigaw habang paakyat ako ng hagdan. Hindi ko muli ito kinibo o lumingon man lang sa kaniya ay hindi ko ginawa. Naiirita talaga ako sa lalaking 'yan. Narinig ko pa nga ang mahinang pagmumura niya at marahan pang napakamot ng ulo. "Hey! Talk to me, please!" Hindi pa rin humuhupa ang lakas ng boses nito. Mas lalo pa nga talagang lumakas. Mabuti na lang at wala rito sa bahay sina Mommy at Daddy, dahil may inaasikaso ang mga ito na business namin sa Baguio. Hindi man lang talaga nahihiya ang siraulong 'to na magsisigaw rito? Akala mo talaga anak siya ng

