CHAPTER 21 Nandito kami ngayon sa sasakyan niya wala ni isang gustong magsalita at kausapin ang isa't isa. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang siya ay patuloy sa pagmumura at paghampas sa manobela ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan siya galit kung sa manobela niya o roon sa mga lalaki pagtatangkaan akong gahasain. Matapos niyang bugbugin kanina. Hindi na nasunodan pa 'yon dahil sa pinigilan ko na ito. Kung hindi ko man gagawin iyon ay siguradong makakapatay na siya sa sobrang galit. Dumating din ang mga kaibigan niyang sina Cleo. Ang sabi nila, sila na lang daw ang magdadala sa mga lalaking ito sa police headquarter. Ilang sandali pa ay pinaandar na rin nito ang sasakyan. Nagtataka nga ako, kung bakit maling daan ang tinatahak namin ngayon. Hindi kasi pamilyar sa akin ang mga

