CHAPTER 20 Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan na may masama silang balak na gawin sa akin. Wala akong ibang makitang tao rito maliban sa akin at sa tatlong lalaking nasa harap ko. Wala rin naman halos dumadaan na mga sasakyan ngayo. Magsasalita na sana ang lalaking nangunguna sa kanila nang bigla ko na lang itong tinuhuran sa alaga niya at tinulak pa ang isa bago mabilis na tumakbo para makalayo sa kanila. Ngunit kahit na anong bilis kong tumakbo ay naabutan pa rin nila ako at bigla na lang ako nitong hinila sa buhok. Wala akong magawa kung hindi tumigil at nagpipilit na mabitawan niya ang buhok ko. Pakiramdam ko ay maraming nabunot sa mga buhok ko dahil sa ginawa niyang pagsabunot. "AHHHHHHH!" galit na sigaw niya. Kinagat ko ang kamay nito. Hindi ko pa nga maiwasan na hin

