Chapter 1
Magsisimula ang kuwento sa isang pangyayari kung saan sina Sakuragi at ang kanyang mga kasama ay papauwi na sa Japan.
Pagsapit ng umaga ay nagtungo na sina Sakuragi at ang kanyang mga kasama sa Airport. At nang makarating na sila sa Airport ay sumakay na sila sa eroplanong sasakyan nila.
Habang nasa eroplano ang lahat sy nag-uusap-usap ang mga ito.
"Sakuragi, ano na ang plano mo ngayong natupad mo na ang pangarap mo na maging Number 1 Highs Basketball Player sa buong mundo?" Tanong ni Kenzo kay Hanamichi.
"Plano ko?... Hmmmmm... Ano nga ba???.... Sa ngayon ay ay ipagpapatuloy ko na ang pag-aaral lo sa Shohoku High School. At pagkatapos kong makagraduate sa High School ay mag-aaral ako ss Kanagawa University. At ang tatargetin ko naman kapag nasa College na ako ay ang maging isang Number 1 College Basketball Player sa buong mundo!" Tugon nanan ni Sakuragi kay Kenzo.
"Gunggong!!" Sabat naman ni Rukawa sa usapan nina Sakuragi at Kemzo.
"Tumahimik ka diyan Zoro!!! Inggit ka lang kase ako ang naging Number 1 High School Basketball Player sa buong mundo!" Wika ni Sakuragi kay Rukawa sabay tawa nito nang malakas.
"Hay! Naku! Gunggong talaga!" Sabat naman ni Miyagi sa usapan. At dahil nga sa sinabi ni Hanamichi ay napatingin sa kanya ang jahat ng mga pasahero. At doon ay nakilala siya ng mga ito. At doon nga ay napuno ng hiyawan at sigawan ang loob ng eroplano dahil sa mga pasahero na fans din pala ni.Sakuragi.
"Iba na talaga kapag sukat!" Wika ni Mito habang nakatingin kay Sakurahi.
"Sinong mag-aakala na ang isang basagulero noon ay isa nang sikat at magaling na Basketball Player ngayon?" Wika naman ni Takamiya habang tinitingnan ang mga maiingay na pasahero.
"NBA!.. Makakapaglaro din ako diyan balang-araw!" Wika ni Sakuragi sa kanyang isipan habang nakatingin sa binta ng eroplano at pinagmamasdan ang mga ulap.
"Gunggong!!!" Hindi lang ikaw ang nangangarap na makapaglaro sa NBA dahil gusto ko ring makapaglaro sa pinakamtaas na liga!!" Wika naman ni Rukawa sa kanyang isipan habang nakatingin din sa hinta ng eroplano.
Pagsapit ng 5:00 ng hapon ay nakarsting na ang eroplanong sinasakyan nina Sakuragi sa Japan International Airport. Pagbaba palang nina Sakuragi at ng kanyang mga kasamahan ay sinalubong kaagad sila ng buong team ng Shohoku. At sa pagkakataong iyon ay itinaas ni Sakuragi ang kanyang trophy na may nakasulat na "Number 1 High Basketball Player In The World. Mayamaya ay lumapit si Coach Anzai kina sakuragi sabay sabi nito ng;
"Binabati ko kayo Sakragi, Rukawa, Kenzo Miyagi at Mitsui! Maganda ang ipinamalas ninyong Performance lalong-lalo ka na Sakuragi!" Wika ni Coach Anzai sa lima.
"Tatang, hindi ko naman po maaabot ang ganitong estado kundi dahil sa mga payo at sa mga turo mo sa akin. At para ko na po kayong ama kaya utang ko po sa inyo ang lahat! At saka higit akong nagpapasalamat sa isang babae na nagpabago sa akin. Kundi dahil sa kanya ay hindi ko malalaman na may natatago pala akong galing sa paglalaro ng Basketball. At siya ang maging inspirasyon ko.para magbago at magsikap na maabot ang kalagayan kung nasaan na ako ngayon!" Tugon naman ni Hanamichi kay Coach Anzai pagkatapos ay tumingin ito kay Haruko. Napangiti naman si Haruko sa sinahi ni Sakuragi Dahil sa mga sinabi ni Sakuragi ay nangagsipalakpakan ang lahst. At napuno ng mga hiwayawan ang buong Japan International Airport.
"Yahoooooo!!!!!"
"Sakuragi!!!!"
"Idol!!!!!" Sigawan nga ng mga tao.
"Mr. Hanamichi Sakuragi, ngayong natupad mo na ang pangarap mong maging isang Number 1 High School Basketball Player sa buong mundo, ano ang susunod mong plano?" Tanong ng isang Media Reporter kay Hanamichi.
"Ang susunod ko naman na target ay maging Number 1 College Basketball Player sa buong mundo! At mangyayari iyan kapag ako ay naglalaro na sa college basketball. Kapag natupad ko na sng pangarap kong mahing isang Number 1 College Basketball Player sa buong mundo ay sunod naman na target ko ay ang makapaglaro sa NBA!" Seryosong tugon naman ni Sakuragi sa Media Reporter. At dahil sa naging tugon ni Sakuragi ay lalong umingay ang huong Airport.
"Hindi malabo at hindi malayong mangyari ang mga sinabi ni Sakuragi dahil alam ko na porsigido siya na makamit ang kanyang mga pangarap!" Wika ni Coach Taoka hsbang nakatingin kay Sakuragi.
At makalipas nga ang ilang taon ay nakagraduate na nga si Hanamichi sa High School. At dumating na nga ang unang araw niya sa sa College kung saan siya ay mag-aaral sa Kanagawa University.
"Ito ang unang araw ko sa College! At dito magsisimula ang aking mga binuong pangarap!" Wika ni Sakuragi sa kanyang isipan habang papasok sa gate ng Kanagawa University. Habang naglalakad si Sakuragi patungo sa kanyang classroom ay pinagtitinginan siya ng ibang mga estudyante.
"Ang tangkad naman ng may pulang buhok na ito!" Pagbubulungang wika ng mga estudyanteng hindi nakakakilala kay Sakuragi. Ngunit mayamaya ay nagulat nalamang si Hanamichi nang may mga pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya.
"Hanamichi Sakuragi, sa wakas ay nandito ka na!" Wika nina Sendoh, Maki, Fujima, at Jin.
"Sendoh, Lolo, Fujihu, Jin? Wika ni Sakuragi sa mga tumawag sa kanya sabay tingin sa mga ito. Mayamaya sy dumating sina Kenzo at Rukawa at binigyan nila ng tig-isang suntok sa tagiliran si Sakuragi.
"Gunggong ka talaga!!! Himdi ka talga marunong tumupad sa usapan!!" Diba, ang usapa natin ay sabay-sabay tayong pupumta dito!!??" Naiinis na wika ni Kenzo kay Sakuragi.
"Pasensiya na! Nakalimutan ko eh! Nawala na kase sa isip ko na may usapan pala tayong tatlo dahil sa sobrang exited ko!" Napapangising tugon naman ni Sakuragi habang hinihimas ang kanyang tagiliran.
"Gunggong ka pa rin talaga kahit kailan!!!" Naiinis namang wika ni Rukawa kay Sakuragi. Mayamaya ay napatawa nalang si Sendoh dahil sa kanyang mga natinig.
"Kung gano'n ay maslalo pa palang lalakas ang Team ngayong taong ito! Wika ni Maki kina Sendoh Fujima at Jin.
"Sakuragi, Rukawa, Kenzo, mamayang 5:00 ng hapon ay magtungo kayong tatlo sa Kanagawa Gymnasium para maipakilala namin kayo sa buong Team!" Wika ni Fujima sa tatlo.
"Sige, asahan ninyo!" Tugon naman ng tatlo kay Fujima. At ilang sandali pa nga ang lumipas ay nagpaalam na sina Sendoh, Maki, Fujima, at Jin kina Sakuragi, Rukawa, at Kenso pagkatapos ay nagtungo na ang mga ito sa kani-kajilang Classroom.....
TO BE CONTINUE.....