Kinabukasn nga ay maagang nagising si Hanamichi. At pagbangon niya sa higaan ay naalala niya na ngayong arsw na ito ang umpisa ng College Matches. Ilang sandali pa ang lumipas ay nag-almusal at nag-ayos na ng kanyang sarili si Sakuragi pagkatapos ay inilagay na niya sa kanyang bag ang kanyang Basketball Jersey. pagsapit ng 6:00 ng umaga ay nagtungo na si Sakuragi sa Kanagwa University. Pagpasok palang nito sa Campus ay sinalubong kaagad siya ng mga estudyante.
"Sakuragi!!! Galingan ninyo sa laban mamaya! Sana ay taluninn ninyo ang mga mayaysbang na player ng Akita University!" Wika ng isang babaeng estudyante kay Sakuragi.
"Sige mga kaibigan! Gagawin namin ang lahat para manalo sa laban at maturuan ng leksyon ang mga mayayabang na iyon! Hindi namon kayo hibigoin!" Tugon naman ni Sakuragi habang nakatiingin sa mga etudyante na umaasa at nagtitiwala sa Kangawa Rising Sun. Naghiyawan naman sa tuwa ang mga estudyante dahil sa sinabi ni Hanamichi. Ngunit sa di kalayuan naman ay pinagmamasdan nina Mitsui, Akagi, Miyagi, at Kogore si Sakuragi. At napansin ng mga ito na hindi na mayadong si Hanamichi kapag pinupuri siya ng mga tao.
"Ang laki na talaga ng pinagbago ng gunggong na iyan!" Napapangising wika ni Mitsui habang nakatingin kay Sakuragi.
"Oo nga! Hindi mo na mahahalata sa kanya ang pagkagunggong!" Tugon naman ni Miyagi kay Mitsui. Mayamaya ay nakita ni Sakuragi na naroon sa labas ng gate sina Akagi, Miyagi, Mitsui, at Kogore kung kaya't nilapitan niya ang mga ito.
"Aba! Tingnan mo nga naman ang pagkakatson! Nandito ang mga sikat na player ng Hiroshima Fireflies!" Wika ni Sakuragi sa apat.
"Good luck sa laban ninyo mamaya Sakuragi! Tamang-tama at walang laro ang team namin kaya makakapanood kami ng laban ninyo!" Tugon naman ni Akagi sa sinabi ni Sakuragi.
"Nga pala Sakuragi, totoo ba yung nasagap naming balita na dito raw nag-aaral si Sawakita?" Tanong naman ni Miyagi kay Hanamichi.
"Oo kulot, totoo yun!' Tugon naman ni Sakuragi kay Miyagi.
"Kung gano'n ay maslalong mahihirapan ang mga makakalaban ninyo dahil nagsama-sama ang malalakas na player sa Team ng Kanagaw!" Wika naman ni Kogore.
"Oo Boy Labo! Pero hindi.pa rin kami dapat na maging kampante dahil bilog ang bola!" Tugon naman ni Sakuragi kay Kogore. Mayamaya ay nagpaalam na sina Sakuragi sa apat pagkatapos ay nagtungo na ito sa Kanagawa Basketball Gym. Pagkarating ni Sakuragi sa Basketball Gym ay naabutan nito sina Haruko, Rica, at Jasmin na nag-uusap ngunit hinayaan lang iyon ni Sakuragi. Ilang sandali pa ang lumipas ay nangagsidatingan na ang mga player ng Kanagawa Rising Sun. At pagsapit ng 7:00 ng umaga ay sabay-sabay na nagtungo ang buong team sa Kanagawa Gymnasium. Habang papasok ang Team ng Knagawa Rising Sun sa loob ng Gymnasium ay nakita nila ang iba pang mga Team na lalshok sa College Matches, at iyon ay ang mga team ng Akita University, Osaka University, Nagoya University, Tokyo International University, Hiroshima University, Toyama University, at Shiga University.
Sa pagkakataong iyon ay napatingin si Sakuragi sa Team ng Akita Dragons. At doon ay nagulat sina Mikio at Masashi Kawata dahil hindi nila inaasahan na naroon si Sakuragi. At ang lalo pa nilang ikinagulat ay nakita nila si Eiji Sawakita na naroon sa Team ng Kanagawa.
"Totoo ba itong nakikita ko??!!.. Si Sawakita ay nasa Team ng Kanagawa Rising Sun??!!" Gulat na gulat na tanong ni Fukatsu. At dahil sa sinabi ni Fukatsu ay nakaramdam ng matinding kaba ang buong team ng Akita Dragons dahil hindi nila inaasahan ang kanilang nakita.
"Lagot na ang ibang team sa Kanagawa Rising Sun dahil puro Ace Player ang karamihan sa member ng Team..." Seryosong wika ni Coach Takato hababg nakaupo sa Glitch at pinagmamasdan ang mga team na papasok ng Gymnasium.
"Tama ka sa sinabi mo Takato dahil hindi na basta-bastang team ang team ng Kanagawa ngayon. Sa palagay ko ay mahihirapan ang team ng Akita dahil lumakas ang lineup ng Kanagawa ngayon! At habang nasa loob ng Court si Sakuragi ay sigurado akong mahihirapan Sina Masashi at Mikio na maka-score!" Tugon naman ni Coach Taoka kay Coach Takato.
"Kinakabahan ako doon sa Number 19 ng Kanagawa Rising Sun dahil hindi siya basta-bastang playwr!" Kinakabahang wika ni Masashi habanv nakatingin kay Dave Ishida. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagsalita na ang announcer ng Gymnasium para sa pagsisimula ng Tournament.
"Magandang arsw sa inyong lahat! Ngayong araw na ito ay sisimulan na natin ang College Tournament o College Matches kung saan 8 Teams ang maglalaban-laban para sa isang gintong Trophy na nakalaan sa tatanghaling kampyonado ng Tournament na ito!... At ngayon ay huwag na nating patagalin pa!.. Ipinapakilala ko sa inyo ang walong kopunan na kalahok sa College Matches!" Wika ng Announcer ng Gymnasium. At sa pagkakataong iyon ay ipinakilala na ng Announcer ang walang team na maglalaban-laban sa College Matches. Bawat team ay nagtungo sa Court. At mayamaya ay nangagsihiyawan ang buong crowd ng makita nila ang Kanagawa Rising Sun!).
"Let's go Team Kanagawa! Lets go!!!!" Sigawan nga ng mga taga-suporta ng Kanwgawa Rising Sun.
"Galingan mo Sakuragi!!!" Sigaw naman ni Haruko habang nakatingin kay Sakuragi.
"Galingan mo Rukawa!!!" Sigaw naman ni Jasmin habang nakatingin kay Rukawa.
"Galingan mo Sendoh!" Sigaw naman ni Inami hang nakatingin kay Sendoh.
"Ano ba namqn itong mga fans ng Kanagawa!!!?? Ang ingay!!!!" Inis na wika ni Mikio sa kanyang sarili. Mayamaya ay nangagsitungo na ang ibang mga team sa Glitches upang panoorin ang unang laban sa pagitan ng Akita Dragons at Kanagawa Rising Sun. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay muling nagsalita ang Announcer para sa opisyal na pagsisimula ng First Game.
"Ladies and Gentleman!.. Ngayong araw na ito ay sisimulan na natin ang unang laban. At ang unang maghaharap sa umagang ito ay ang Team ng Akita Dragons at Team ng Kangawa Rising Sun!" Wika ng Announcer pagkatapos ay ipina kilala na nito ang mga player ng bawat Kopunan.
"At ngayon ay ipapakila ko na sa inyo ang Team ng Akita Dragons!!;
Jersey #4; Kazunari Fukatsu
Jersey #5; Mashiro Nobe
Jersey #6; Matsumoto Minoru
Jersey #7; Masahi Kawata
Jersey #8; Satoshi Ichinokura
Jersey #9; Haru Midoroshi
Jersey #15; Mikio Kawats
Head Coach; Kairo Mazaki
Team Manager; Shine Hinari
Assistant Manager; Aira Kazumoto
Matapos ipakilala ng Announcer ang Team ng Akita Dragons ay muli itong nagsalita para ipakila naman ang Team ng Kanagawa Rising Sun.
"And now!!!! Please welcome, the Home Team! The Team Kanagawa Rising Sun!!!!..."
Jersey #4; Sinichi Maki
Jersey #5; Tooro Hanagata
Jersey #6; Soichiro Jin
Jersey #7; Akira Sendoh
Jersey #8; Kenji Fujima
Jersey #9; Eiji Sawakita
Jersey #10; Hanamichi Sakuragi
Jersey #11; Kaede Rukawa
Jersey #12; Nobonaga Kiyota
Jersey #13; Kiccho Fukuda
Jersey #14; Satoru Sasaoca
Jersey #15; Kenzo Borusome
Jersey #16; Harikawa Harimoto
Jersey #17; Jay-Ar Hachimura
Jersey #18; Akuma Togashi
Jersey #19; Dave Ishida
Head Coach; Riyu Osaka
Assistant Coach; Kenji Fujima
Manager; Rica Ayumi
Assistant Manager; Haruko Akagi
Matapos ipakilala ng Announcer ang Team ng Kanagawa ay nagwarm-up na ang magkabilang kopunan. At sa pagkakataong iyon ay matalim ang tingin ni Masashi kay Ishida.
"Dave, tingnan mo yung player #7 ng Akita! Kung makatingin sa iyo ay parang lalanunin ka ng huhay!" Napapangising wika ni Satoru kay Dave.
"Hayaan mo siya bro! Tingnan nalang natin kung kaya niya akong patumbahin, balyahin , at maitulak manlang sa ilalim!" Napapangising tugon naman ni Ishida kay Satoru.
"Diba, hindi naman kayo naghigh school dito sa Japan?" Tanong ni Sendoh kina Dave, Jay-Ar, at Akuma.
"Opo kuya Sendoh. Lahat kami ay sa America nag-aral kaya sanay na kami sa pisikalan st matitindi rin ang mga High School Basketball Player na nakakaharap namin doon!" Tugon naman ni Akuma kay Sendoh.....
TO BE CONTINUE.....