Chapter 18 PRESTON… NAKATITIG SIYA SA may pintuna, inaabangan niya kung saang pintuan ba papasok si Jasmine. Sa likod ba o sa harapan? Wala siyang ni-lock ni isa sa dalawang pintuan papasok sa loob ng bahay niya. Pero bakit hanggang ngayon wala pa ring Jasmine na pumapasok sa bahay niya. “Imposibleng maligaw iyong babaeng iyon, katabing bahay lang niya ako.” Kausap niya sa sarili niya. Nilingon niya ang orasan na nakasabit sa may dingding, it’s six o’clock in the morning already. Natatawa siya na naiinis, umasa siya sa isang gabing makakasama niya ang babaeng gusto na niyang pag-alayan ng buong pagkatao niya. Pero heto at luhaan siya, bokya, butata, tigang na. Humugot siya ng malalim na hininga bago tumayo, puyat na naman siya sa wala. Bukod sa wala na siyang nagagawa sa trabaho niya

