Chapter 19 JASMINE… KINAKABAHAN siya, pero agad namang nawala ng makilala niya na mabait pala talaga ang isang Senator Hilda Martin. Hindi niya alam na kalog din pala ito na tulad niya, at higit sa lahat tulad ng Mama niya na handang suportahan ang anak sa kahit na anong desisyon nito sa buhay. Siguro kasi Nanay ito, at wala namang ibang hinahangad ang isang ina para sa kaniyang anak kung hindi ang ikaliligaya nito. Na narinig niya na sinabi ng Mama niya sa kanya mula pa noong bata siya hanggang sa ngayon na matanda na siya. Iyon nga rin ang linyahan ng Mama niya kahapon habang pinapangalandakan nito sa buong kubkuban nila na may jowa na siya. “Huwag kang mag-alala kay Preston,” ani ng ginang nang sila na lang ang naiwan sa bahay ng mga ito. Kaaalis lang ni Preston, pero ito lang ang

