Humihikab ako habang ina-unlock ang pinto ng studio ko, hindi ako masyadong nakakatulog nitong mga nakaraang araw ayaw kasing maalis sa isip ko yung mga nangyayari sakin.. samin ni Carter.
"Good morning, Elli." Macky greeted.
"Mmm.. morning." I greeted without looking at him. Sabay na kaming pumasok sa Studio at pumunta sa kanya kanya naming table, yumuko agad ako sa table ko dahil talaga namang inaantok pa ako.
"May sakit ka ba?" Macky asked.
"Wala bitin lang sa tulog." Inangat ko yung ulo ko at tumingin sakanya.
"Okay, paalala ko lang sana na may client tayo sa makalawa."
"Okay, thank you for reminding me that." Yumuko ulit ako.
"Gusto mo ng coffee, pang pa gising?" Tanong niya.
"No, don't bother." Narinig ko yung mga yabag ng sapatos niya na palayo sa'kin, siguro babalik na siya sa table niya. Buti naman, gusto ko talagang umidlip pa kunti.
"Elli.." Dahan dahan kong minulat ang mga mata ng marinig kong may gumigising sakin at tumingin sa nag salita, i saw Claire. "Tama ba namang matulog sa trabaho?"
"I'm the boss, who cares?" Mahina kong sabi. "May kailangan ka 'no?" Dagdag ko.
She laughed. "Paano mo nalaman?"
"Bumibisita ka lang naman kung may kailangan ka." Sabi ko habang inaayos ang sarili ko, grabe ilang oras kaya akong nakatulog?
"Parang ang sama kong pakinggan dun ah." Umupo siya sa tapat ng table ko at ngumiti ng napakalaki sa'kin.
"Sabihin mo na, ano ba yun?" Tanong ko.
"Puwede ba 'kong samahan sa Club b-"
"No!" Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya nung marinig ko palang yung salitang Club. "Alam mo naman ayaw ko sa maiingay na lugar eh."
"Samahan mo na 'ko, hindi kasi pumapayag si Mama na pumunta ko ng Club nang wala akong kasama."
"Edi isama mo si Carter."
She rolled her eyes. "Seriously? Una sa lahat alam mong hindi kami magkasundo, pangalawa niyaya ako ni Carl kaya di ko isasama yun 'no."
"Sino naman si Carl?"
"Diba nabangit ko na sayong may humingi ng number ko dun sa Audition? Siya yun."
"Oh!! Still no!"
"Elli, please!!" Pagpapaawa niya na may kasamang pouting at puppy eyes.
I sighed. "Anong gagawin ko do'n? Chimay n'yo?"
"May isasama si Carl, ipapakilala daw niya sa'yo."
"Para namang matitipuhan ako nun, haler.. ang pangit ko kaya!"
"Puwede ba tigilan mo ang kakasabing ang pangit mo, tatamaan ka na talaga sa'kin!" She warned. "Maganda ka, you just have to be confident about it."
Ilang beses ko ng narinig yan, di effective.
"Yah, yah.. fine." Walang gana kong sabi.
"Fine? Means.. sasama ka na?!" Laking ngiti niyang sabi.
"Oo na sige na." Napilitan kong sabi. She stands and hugs me, giggling.
"I love you talaga!"
"Oo na, sige na.. sige na!"
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako sa mukha. "Kanina ko pa 'to gustong sabihin.. blooming ka."
"Pumayag na 'kong sumama di ba? Bakit inuuto mo pa 'ko?"
She rolled her eyes. "Totoo nga, blooming ka walang halong biro." Inilapit niya yung ulo niya sa sakin. "Kaya ka din siguro tinititigan ni Macky sa pag tulog mo kanina." She whispered.
"Ginawa niya yun?" Gulat kong tanong.
"Oo, nahuli ko siya bago kita gisingin. Sabi ko na nga ba eh, may gusto sayo yun eh."
"How?"
"Anong how? Nakikita niya kasi ang nakikita ko, yang beauty mo na di makita ng mata mo!"
"Malabo kasi mata ko!"
"Nakasalamin ka na kaya, haler?" I just rolled my eyes. She stands, still smiling like an idiot. "Anyways yun lang pinunta ko, asahan kita bukas!" She winks playfully.
Tumango at ngumiti lang ako ng pilit bilang sagot sa sinabi niya. Tumalikod na siya at pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalabas. I stand, stretching my body. Feeling ko sumakit bewang ko dahil sa pag tulog ko.
Nakita kong papalapit sa direksyon ko si Macky kaya inayos ko agad yung sarili ko dahil nakaramdam na 'ko ng ilang lalo na dun sa sinabi ni Claire sa nakita niyang ginagawa ni Macky. Bakit nga kaya niya yun ginagawa?
"May gusto ka bang kainin? Bibile na kasi ako ng Lunch, baka may gusto kang ipabili." Tanong niya. Lunch na? Aba't ganun ako katagal naka idlip? Grabe naman.
"Uh.. burger nalang."
"Okay, mauna na 'ko." Tumango lang ako sakanya. Nang makalabas na siya, pumunta naman ako ng restroom para makapag hilamos manlang nakakahiya kasi baka may muta pa 'ko.
Kung sabagay kung meron man, siguradong hindi sasabihin ni Claire na blooming ako. Natapos ako sa pag hilamos at pinunasan ko ito ng bimpo, tsaka tinitigan ang sarili ko, paano kaya ako naging blooming? Parang wala namang nag bago sa itsura ko eh.
Sinuot ko nalang ulit salamin ko tsaka lumabas ng rest room at pumunta sa upuan ko, binuksan ko yung computer ko at tinignan kung may mga emails mula sa clients.
Dahil sa pag tulog ko feeling ko na energized ako at sinipag sa trabaho.
Mga kalahating oras lang din ata dumating na si Macky bitbit yung burger na pinabili ko, inabot ko sakanya yung bayad ko para dun kaya lang tinangihan niya. Ipilit ko man mukhang desidido na siyang ilibre lang 'to sa'kin. So, wala na 'kong nagawa nag focus nalang ako sa pag tatrabaho habang kumakain.
"ELLISON!" I almost jumped in surprised as Carter called my name. What the hell is he doing here again? Tumingin ako sa direksyon niya at laking ngisi siyang naglalakad papalapit sakin. "Hey, freak!" He greeted Macky, i mean insult pala.
"Macky pangalan ko hindi freak!"
"Wala akong pakialam!"
"Carter what the hell are you doing here again?" I asked irritatingly as i stand.
"Na bored ako sa paghahanap ng trabaho so i decided na puntahan ka at mag painit." I instantly blushed. Langya talaga 'tong mokong na 'to, kung mag salita akala mo wala kaming kasama.
"Manahimik ka nga!" Inis kong sabi.
"Ahh.. look at that, you're blushing again. The last time i saw you blushing, i was inside you."
"Shut up!" I yelled, angrily. Urgh! He just laughed at my reaction. "Umalis ka na nga lang!!" Dagdag ko.
"Okay, Okay!" He said laughing. Naglakad siya papalapit sakin hinawakan niya ko sa chin at hinalikan ng mabilis sa labi. "You really have a soft lip, Elli." He said smirking.
Tumingin siya sandali kay Macky at ngumisi dito ng mapangasar.
I sit on my chair, i put my hand on my forehead showing of my frustration. "May nangyari sainyo?" Tanong ni Macky na dahilan para mapatingin ako sakanya, kita sa mga mata niya ang.. i don't know, lungkot?
"Yah." Mahina kong sagot.
Tumayo siya at humarap sa'kin. "Bakit dun pa sa mayabang na yun? Siguro nga pantasya n'yo siyang mga babae pero ni wala nga siyang trabaho at tingin ko puro yabang lang ang alam nun kaya bakit mo hinayaang may mangyari sainyo?" He freaks out. Oh-wow! Hindi ko akalaing mag fi-freak out siya ng ganyan.
"Ganun ka lang bang kabilis na bibigay? Ganun ka na ba kadisperada kaya kahit kapatid ng kaibigan mo pinapatos mo?" He added glaring.
Teka parang sobra na yun ah!
I stand. "Teka lang ha!! Una sa lahat, ako ang boss dito! Pangalawa wala kang karapatang pag sabihan ako despirada ako dahil siya ang unang gumawa ng moves at hindi ako, pangatlo bakit ko kailangan mag explain sayo?!"
Bigla niya kong hinalikan sa labi na ikinagulat ko, dahil hindi naman niya kasing lakas si Carter naitulak ko siya ng sobrang lakas tsaka siya sinampal siya sa pisnge niya na dahilan para mahulog yung salamin niya.
"What the hell are you doing?" I angrily asked. Hindi niya pinansin yung sinabi ko at pilit padin akong hinalikan, sinubukan ko ulit siyang itulak pero this time hindi ko na magawa yun.. dala siguro ng galit kaya di ko na magawa yung nagawa ko kanina pero.. sinusubukan ko padin hindi ako tumigil sa pag tulak sa kanya, hanggang sa tingin ko nainis siya sa ginawa ko kaya bigla niya 'kong nasampal ng di naman ganun kalakas pero sapat na para matangal yung salamin ko.
f**k!
"HOY!" We heard Carter's voice echoing inside the Studio. Dali daling lumapit sa'min si Carter at hinila si Macky tsaka ito sinuntok na dahilan para matumba ito sa sahig. Kahit naka tumba na sa sahig si Macky pinag sususuntok padin siya ni Carter.
"WALA. KANG. KARAPATANG. SAKTAN. SI. ELLI. NAINTINDIHAN. MO!" Bawat word na sabihin niya may suntok kay Macky.
"Carter, tama na yan! Baka mapatay mo siya!" Pagpipigil ko. Pinilit kong hilain braso niya patayo. Diyos ko, buti nalang napigilan ko siya kasi naman duguan na si Macky.
"Umalis ka na! You're fired!" I told Macky. Kahit na kaawa awa ang itsura niya ngayon, di naman katangap tangap yung ginawa niya sa'kin.
Dali dali siyang tumayo at tumakbo palabas ng Studio. Para naman akong nanghina sa lahat ng nangyari at napaupo ako sa sahig, siguro adrenaline kanina ang nagpapatayo nalang sakin. I'm obviously shaking.
Lumuhod si Carter sa harap ko na halatang nag alala, dahil malapit lang naman siya kaya kita ko padin ang reaksyon ng mukha niya.
"Hey, that's alright im here.. he can't harm you now." He softly said. Hinaplos niya yung pisnge ko ng dahan dahan gamit ang likod ng kamay niya. "Masakit ba?" Tanong niya.
"Medyo."
"I'm going to kill that freak!" Plano niya sanang umalis pero pinigilan ko.
"No please, stay."
---
Nakaupo ako ngayon sa silya ko habang hinihintay si Carter na kinukuhanan ako ng tubig. Until now medyo shaky padin ako sa ginawa ni Macky, wala kasi sa awra niya na gagawa siya ng ganung kalokohan.
Haay, ngayong wala na siya paano na 'tong shop ko ngayon? Wala na 'kong assistant, may kliyente pa naman kami sa makalawa. Di lang pala pangbabastos ang problema niyang binigay sa'kin kundi pati sa trabaho.
"Eto tubig, inumin mo." Sabi ni Carter habang inaabot sakin yung tubig. Kinuha ko yun at sinimulang inumin.
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Mabuti na kesa kanina." Sabi ko habang nakayuko. Hinawakan niya ko sa chin at pilit na pinatingin sakanya. Tinignan niya yung parte na nasampal ni Macky.
"Buti di ka nagkapasa." Buti nalang talaga.
"Salamat pala sa tulong mo kanina, kung di ka bumalik baka kung ano ng ginawa ng lokong yun sa'kin."
"Wala yun." Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ako kamay. "Gusto mo bang ihatid na kita?" Seryoso niyang tanong. Kung di ko siya kilala bilang playboy baka isipin kong nice guy siya, kasi naman simula nung nangyari kanina wala pa siyang kapilyuhang sinasabi. Siguro talagang minsan inilulugar niya yung pagiging playboy niya.
"Sige, salamat." Tumayo siya at inalalayan naman ako sa pag tayo. Inilagay niya sa likod ng bewang ko yung kamay para siguro alalayan din ako sa paglalakad.
"Kaya ko ng mag lakad, wag mo na 'kong alalayan."
"Are you sure?"
"Yes."
Si Carter nag asikaso sa pagsasara ng shop, gustuhin ko mang tumulong hindi naman siya pumayag ang sabi niya kaya na daw niya yun at tumayo nalang daw ako at ituro kung anong mga gagawin niya.
Nang matapos siya sa pag sasara, nag lakad na kami papunta sa kotse ko. May dala siyang kotse pero he decided na kotse ko nalang ang gamitin since ihahatid niya ko sa Unit ko.
Sinimulan namin ang byahe ng tahimik, wala ako sa mood mag salita. Kung napunta ka na sa sitwasyon ko siguro maiintindihan mo 'ko kung bakit ako tahimik. Nagkakausap lang kami kapag tinatanong niya yung direction papunta sa Unit ko after nun, tahimik na ulit.
Nakarating kami sa Condominium, at nag paka feeling gentleman siyang pag buksan ako ng pinto sa kotse. Marunong naman pala siyang maging gentleman eh, bakit di niya dalasan to?
Dumiretso kami ni Carter sa unit ko, kung kanina pinakingan niya yung sinabi kong wag na 'kong alalayan sa pag lalakad ngayon di niya pinakingan yun. Nasa bewang ko lang yung kamay niya, pero dahil parang ang nice ng kinikilos niya hinayaan ko na.
"Nice place." Sabi niya habang pinapalibot ang tingin sa Unit ko.
"Thanks." Walang gana kong sabi. Umupo nalang ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan nito.
"Kanina ka pa tahimik, ayos ka na ba talaga?" Tanong niya.
"Oo medyo, hindi naman madaling mabubura yung ginawa ni Macky eh kaya di ko maiwasang isipin. Feeling ko nga nararamdaman ko padin yung pilit niyang pag halik sa'kin."
Pumwesto siya sa harap ko, yumuko siya sa'kin at inilagay yung mga kamay sa sandalan ng sofa. "Buburahin ko yun para sayo." Pagkasabi niya nun, bigla niya kong hinalikan. Pero iba 'tong halik na 'to, ito ang unang beses na hinalikan niya 'ko wala masyadong uh.. paano ba? Di ko maexplain. Walang lustful feelings, parang ganun. It's more on sweet and gentle.
I kiss him back, meron kasi talaga sa labi niya na paniguradong mapapa respond ka at suklian yung halik niya.
And tingin ko dahil sa pag respond ko sa halik niya unti unti na siyang nadala. He deepen our kiss, his tongue playing softly in my mouth, moaning. But suddenly he stops the kiss and stared at my eyes. "Let's stop, if i continue this baka ihiga na naman kita sa kama. Ayaw kong gawin yun ngayon dahil sa nangyari kanina."
"Oh! Uh-" I don't know what to say. Ayaw niyang gawin ngayon? So may plano siya gawin next time? Oh Gosh!
I cleared my throat. "Sige, umuwi ka na. Salamat sa pag hatid at.. pagalalay."
He smirked. "Elli, tingin mo talaga uuwi ako? No I'll stay here with you."
"Ano namang gagawin mo dito?"
"Mmm.. matutulog, babantayan ka."
"Bakit mo ko babantayan?"
"Baka pumunta dito yung gago mong assistant, mahirap na."
"Uh.. tingin mo gagawin niya yun?" Pagtataka ko.
"Ewan ko, malay mo!"
I sighed. Sana naman hindi, binigyan na nga niya 'ko ng problema dahil wala na 'kong assistant eh. Sana naman 'wag na niya 'kong guluhin, pasalamat pa nga siya at di ko na ipinaalam sa pulis yung kalokohan niya eh.
Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang isa niyang kamay sa legs ko. "Anong iniisip mo?"
"May client ako sa makalawa at wala na kong assistant ngayon."
"Hire a new one."
"Sana ganun lang kadali, sa makalawa na yun, mahirap humanap ng assistant ngayon."
"Ako! I'm a job seeker and may alam ako kunti sa photography."
Tumingin ako sakanya ng gulat na gulat. "Ikaw magiging assistant ko?"
"Oo, ayaw mo nun? Inspired ka na laging pumasok dahil may gwapo kang assistant." Pagmamalaki niya.
"Hindi ko kailangan ng gwapong assistant, kailangan ko ng matinong assistant!" Gosh! Iniimagine ko palang na siya ang assistant ko siguradong magiging sakit siya sa ulo baka hindi puro trabaho ang ifocus niya kundi ang lumandi sa'kin.
"Matino naman ako ah." I make a not-convinced face. "Hey Hey, i know im too hot to be assistant, but when it comes to work.. work lang nothing more. Pero pag break time, iba na yun so expect.. more and pag uwian time.. much more."
My mouth fell. Grabe siya sa pagkahonest ah. "No, i won't hire you!" Lalo pa sa mga sinabi niya, tingin ba niya kukunin ko siya? Kung nasa totoong job interview siya paniguradong bagsak siya.
"Okay, ikaw din.. kulang ka na sa oras para humanap ng assistant. Baka mawalan ka pa ng kliyente."
I hate to admit this but, damn it! He's right!
"Okay, iha-hire kita pero may mga kondisyon!"
He smiled widely. "Sige ano yun?"
"First, wag mo 'kong guguluhin habang nasa studio tayo lalong lalo na pag nag tatrabaho ako."
"Except break time?"
"Kasama ang break time or uwian time!" I snapped. He was about to complained pero pinigilan ko agad.
"Second, makipag ayos ka kay Claire." Okay, malayo yun sa work pero malay mo pumayag. Gusto ko kasi silang mag kaayos eh.
Mukhang di niya bet yung isa kong kondisyon base sa kunot noo niyang reaksyon.
Huminga siya ng malalim. "Sige susundin ko yung second condition mo at susubukan kong maging nice kay Claire pero, sa kondisyon na wala na yung first condition mo."
"H=Ha?" Bakit parang biglang naging pabor pa sakanya lahat?
He smirked. "Ano? Deal na ba tayo sa usapan? Assistant mo na ba 'ko?"
"Teka parang lugi ako eh."
"Okay.." He stands. "Wag nalang."
"Teka, sure kang makikipag ayos ka kay Claire?"
"Susubukan ko, hindi naman magiging madali yun 'no." Kung sabagay di nga naman agad agad na magkakasundo sila, step by step siguro.
"Okay.. fine sige, payag na 'ko. You're hired."