Kakatapos ko lang mag shower at itong si Carter ang sarap ng higa sa kama ko feeling at home siya ng nakasando lang at jeans wala naman kasing kasya sa kanyang jogging pants ko kaya wala siyang choice. Pinilit kong sa guest room siya mag stay pero ayaw daw niya gusto daw niyang tumabi sa'kin dahil hindi daw namin nagawa yun nung first s*x namin kasi nga nag madali din ako noong bumalik sa kwarto ni Claire.
Yung bibig talaga niya napaka straight forward sa mga kamanyakan. Siguro talagang nadala niya yung pagiging liberated sa ibang bansa kaya ganyan siya.
Umupo nalang muna 'ko sa tapat ng salamin ko habang pinupunasan ang buhok ko, habang pinagmamasdan sa reflection ng mirror ko si Carter na nakatitig lang din sa'kin.
"Nasaan pala yung girlfriend mo?" Tanong ko. Bigla ko kasing naalalang may girlfriend siya pero kung kumilos siya parang wala.
"Nasa States, kaya kung iisiping mabuti, i'm single."
"Linya yan ng mga babaero!" Bumangon siya ng kama habang tumatawa at naglakad papalapit sa'kin. Inikot niya yung upuan ko at pilit na ipinaharap sa kanya at hinila ito papalapit sa kama. So kung ako nakaupo sa silya siya sa kama.
Hinawi niya yung buhok ko papunta sa likod ng tenga ko at hinalikan ako sa pisnge. "Gusto mo bang maging girlfriend ko din?" He whispered. Oh Gosh! Siya palang ang nagtanong sakin ng ganun, kung sa normal na sitwasyon siguradong matutuwa ako pero hindi 'to normal eh.
"Bakit, para dalawa kaming girlfriend mo?"
"Yup, siya girlfriend ko sa States ikaw naman dito sa Philippines. Don't worry, di naman selosa si Margaret eh." Margaret? So, yun pala name ng girlfriend niya sa States.
I stand. "Baliw lang ang papayag sa gusto mo!"
He laughed. "Kung ganun baliw pala 'ko?"
"Ha?" I asked confused.
"Uh.. kasi may boyfriend din namang iba si Margaret."
I blinked at him, shockingly. "Pareho kayong baliw!"
Mas lalong lumakas yung tawa niya. Tumayo siya at inilevel lang niya yung mukha niya sa mukha ko, nakatitig lang siya sa mga labi ko. Dahan dahan niyang nilapit ang labi niya sa'kin, hinalikan niya 'ko pero smack lang.
"Matulog na tayo? Maaga pa tayo bukas, remember ako na assistant mo."
"Mauna ka na, hihiga ako pag tulog ka na." Paniniguro ko. Mahirap na, playboy siya at wala akong tiwalang walang mangyayari kapag tumabi na agad ako sa kanya.
Bigla niyang hinubad yung sando sa harap ko at inihagis yun sa mukha ko. Ang bastos talaga! Ibinagsak niya ulit yung katawan niya sa kama ko at nakadapa siyang humiga.
Umupo nalang muna 'ko sa silya ko at pinagmasdan siyang matulog, desidido akong hintayin siyang makatulog muna bago ako tumabi. Mabuti na yung sigurado, kung sa pag halik pa nga lang niya ang bilis ko nang napapapayag sa mas malalim pa kaya dun?
Nang masigurado kong tulog na siya, tumayo ako mula sa pagkakaupo at dahan dahang nag lakad papalapit sa kama. Pinag masdan ko muna ang gwapo niyang mukha kung talaga nga kayang tulog na siya o nag tutulog tulugan lang. Mukhang tulog naman na talaga kaya, dahan dahan na kong humiga ng kama yung tipong di siya magigising.
Tumalikod nalang ako sa paghiga sakanya para 'di ako madistract sa pag tulog sa gwapo at ma-amo niyang mukha pag natutulog. Sana lagi nalang siyang tulog para lagi siyang maamo, ay teka ang gentleman pala niya kanina sa'kin. Sana mag tuloy tuloy yun.
Ipinikit ko na yung mga mata ko at unti unti ko ng naramdaman ang antok.
Nagising ako mula sa tulog ng alarm clock ko, minulat ko yung mga mata ko at naramdaman ko agad yung yakap sa'kin ni Carter at ganun din ang pagyakap ko sa kanya. Oh s**t! I'm cuddling him. Bakit di ko maalalang niyakap ko siya ng ganito?
Biglang kumabog yung t***k ng puso ko sa kaba, dahan dahan kong tinangal yung braso ko sa pagkakayakap sakanya para 'di siya magising pero nag failed ako sa ginawa kong yun dahil nagising ko siya. Minulat niya yung isa niyang mata at tumingin sa'kin.
"Yung alarm ang ingay." Mahina niyang sabi. Sa alarm pala siya nagising hindi sa pag kilos ko.
Kinuha ko yung alarm clock ko at pinatay na agad yun kasi totoo namang ang ingay talaga. Aakma na sana ako pag tayo ko pero di pumayag si Carter.
"Stay."
"K-kailangan na nating mag ready sa pag pasok." Bigla siyang pumusisyon sa ibabaw ko na mas lalong nag pa bilis ng t***k ng puso ko. Shocks!!
He showed me his kagigising lang na smirk, and it was kinda hot. Ibinaling niya ang tingin sa alarm clock ko at ibinalik din naman agad sa'kin. "We still have much time." He said smirking down at me.
Oh gosh! What's that supposed to mean?
He kissed my lips. Pero kailangan kong mag pigil, kaya nanatiling sarado ang bibig ko. Pero parang balewala lang sa kanya yun at ibinaba lang ang halik sa leeg ko.
"Carter may trabaho pa tayo!"
"May fifteen minutes pa tayo." He said kissing my neck. Huminto siya sa pag halik sa leeg ko at tumingin sa mata ko. "Sakto na ang fifteen minutes para mag stretching." Pilyo niyang dagdag.
Are you kidding me?
Hinalikan niya ko ulit sa labi, this time naramdaman ko na yung mga hawak niya breast ko and his waist moving sensuously between my legs. I find myself giving up, i mean.. responding to his kiss, while touching his soft hair. We are both moaning.
He breaks our kiss and down his kiss to my belly, slowly pulling down my pajama.. my body moves as a response. I feel his kiss down to my thigh, i look down at me he's staring back at me, sexily.
The next thing happens.. we made love.. uh.. s*x for him.
Nasa studio na kami ngayon ni Carter. Yung totoo, nakakailang to lalo na't may nangyari samin kanina. Tingin ko talaga, mali 'tong idea kong gawin siyang assistant pero dahil napasubo na wala na 'kong magagawa.
Medyo tinuturo ko muna sakanya kung nasaan yung mga gamit dito sa studio. Hindi ko nga lang alam kung nakikinig siya dahil naka akbay lang siya sakin at sakin nakatingin, hindi sa mga tinuturo ko.
"Mag focus ka nga!" I scolded him.
"Alam mo kasi, yang mga tinuturo mo alam ko na."
"Bakit di mo sinasabi?" Sabi ko sabay tangal nung braso niya sa balikat ko pero binalik din naman niya agad.
"Hindi ka naman nag tanong, bigla bigla ka nalang nag sasalita."
Tinangal ko ulit yung pagkaka akbay niya. "Edi sana pinahinto mo 'ko."
Umakbay na naman siya. "Di ko na naisip yun."
"Wag mo nga 'kong akbayan!" Irita kong sabi. Paulit ulit nalang kami, tatangalin ko yung braso niyang nakaakbay sakin tapos ibabalik din naman niya agad.
Itinaas na lang niya yung mga kamay niya na parang sumusuko. "Icheck mo yung schedule natin bukas, for sure nasa table ni Macky yung sched. kopyahin mo lahat. Pagkatapos mo, ipakita mo sakin para may idea din ako sa schedule. Then linisin mo yung lamesa kasi ikaw na yung gagamit nun. Itapon mo na yung mga di kailangan, pero yung tingin mong baka importante at puwedeng balikan ni Macky itabi mo." I instructed.
"Bakit ko pa itatabi yun? Hindi na babalik yun dahil babasagin ko mukha niya 'pag bumalik pa siya."
"Ako ang boss kaya makinig ka nalang!" Mukhang di niya nagustuhan yung pag bulyaw ko dahil biglang sumama yung mood niya. Umalis nalang siya sa harap ko at ginawa yung inutos ko.
Mas okay na din siguro 'tong bad mood siya para maiwasan niyang humarot na naman sakin. Nasa trabaho pa naman kami ngayon. Akala ko pa naman totoo yung sinabi niyang pag work, work lang.
Umupo nalang ako sa table ko at inilagay ang mga kamay sa ulo ko. Wala pang kalahating araw feeling ko stress na ko, mahaba habang oras pa to. Shocks!
Nag focus nalang ako sa trabaho and surprisingly, hindi ako ginugulo ni Carter. Mukhang tutuparin na niya ngayon yung sinabi niyang pag work, work lang.
"Knock knock!" Boses yun ni Claire. Shocks! Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko boses niya, hindi ko pa pala nababangit na assistant ko na kapatid niya. Diyos ko, paano ko ie-explain 'to ngayon?
Tumingin ako sa direksyon niya at nakita ko siyang nakatitig sa direksyon ni Carter. "What are you doing here?" Claire asked, in shocked.
"I'm working here." Casual lang na sabi ni Carter.
"You're what?!!" Tumingin sakin si Claire na halatang nagulat. Naglakad siya papalapit sakin. "He's working here? How? Where's Macky?" Sunod sunod niyang tanong.
"Uh.. may nangyari kasi kahapon eh."
"Ano?"
"Macky tried to r**e Elli, he even slapped Elli." Pagsisingit ni Carter.
"Oh my GOD! Ginawa yun ni Macky?" Gulat niyang tanong.
"Not actually tried to r**e, he just forcing to kissed me."
"Anong pinagkaiba nun? Tsaka bakit pinagtatangol mo pa yung freak na yun?" Carter asked.
"Di ko siya pinagtatangol."
"Pinagtatangol mo!"
"Hindi nga!"
"Teka nga!" Pagpuputol ni Claire saming dalawa. "Okay, wala paring nag e-explain kung bakit nag tatarabaho na dito ngayon si Carter?" Dagdag niya.
"He helped me from Macky and i urgently needed a assistant, and Carter knew a little about photography, he applied so... I hired him." I explained.
"Yun na yun?" She asked again, looking straight at my eyes. Kita sa mukha niya na hindi siya convinced.
"Yup, ano nga palang ginagawa mo dito?" Pagbabago ko ng topic, sana effective 'tong pagbabago ko ng topic.
"Pupunta tayo ng Club mamaya, remember?"
"Oh!! Uh.. mutikan ko ng makalimutan yung tungkol dun, buti pinaalala mo."
Carter laughed. "Ikaw magka-clubbing? Parang 'di bagay." Natatawa niyang sabi sakin, kaya medyo na offend ako. Oo, nerd ako eh ano naman kung magka-clubbing ako? Bakit tingin ba niya hindi ako marunong magsaya?
"May nakakatawa? Mag trabaho ka na nga lang!" I scolded him.
"Tapos na Ma'am!" May pagkasarkastiko niyang sabi. Pinakita niya yung notebook at inilapag ito sa table ko, pag katapos niyang gawin yun umupo na ulit siya sa table niya.
"Kailan pa kayo naging close ng kapatid ko?" Mahinang tanong ni Claire, yung tipong kaming dalawa lang makakarinig.
"Biglaan lang." Pagpapalusot ko. Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at tinitigan ako sa mga mata kaya napaatras ako ng ulo.
"Elli, wag mong sabihing may gusto ka kay Carter?" Pabulong niyang sabi. Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya at napatingin kay Carter kung narinig ba niya yun o hindi and luckily mukhang hindi naman. Ayokong marinig niya yun dahil baka gamitin pa niya sakin yun para asarin ako.
"Wala 'no!" Pagtatangi ko.
"Good! Alam mo wala naman saking problema kung maging kayo ng kapatid ko pero magiging okay lang yun kung matino siya kaso hindi eh. Ayaw kong saktan ka niya, dahil para na kitang kapatid. Mas tinuturing pa nga kitang kapatid kesa sakanya eh, kaya pag sinaktan ka niya o may ginawa siya sa'yo.. i swear humanda siya sakin."
Uh.. ano bang dapat sabihin ko dun? Siguradong magwawala siya sa galit kapag nalaman niyang dalawang beses ng may nangyari samin ng kapatid niya. Paniguradong mas lalo siyang magagalit sa kapatid niya pag nalaman niya yun, baka imbes na mag kaayos sila mag away pa sila ng dahil sakin. Pambihira naman oh!
Siguro dapat tigilan ko na ang madala sa halik ni Carter para wala ng sumunod na mangyari tulad kanina.
"Don't worry, wala akong gusto kay Carter para patunayan ko sayo.. makikipag usap ako dun sa lalakeng isasama nung kadate mo."
She looked at me amused. "Gagawin mo yun?"
"Susubukan ko, alam mo namang hindi ako magaling mag maganda eh."
"Good, agahan mo ang pagsasara dahil papagandahin kita ng bonga mamaya." She winks playfully.