Nasa bahay kami ngayon nila Claire, kasi nga daw aayusan niya 'ko sa wala na 'kong nagawa kundi pag kasara nung shop diretso kami dito. Kung iisipin nga din naman wala naman akong matinong damit sa closet ko, pang Club puro pants lang kasi yun.
Baka mas lalo akong maging chimay pag nag pantalon ako do'n, ito pa naman si Claire kung mag ayos wagas.
Pinasuot sa'kin ni Claire ang kung ano anong dresses niya hangang sa na pag desisyunan niyang yung black dress ang ipasuot sa'kin. Haay, hindi pa naman ako komportable sa ganitong suot. Sunod niyang ginawa sa'kin, make up naman. Kung ano ano nilagay niya sa mukha ko at dahil kaibigan ko siya kaya pinagkatiwala ko sakanya ang itsura ko ngayon.
"Okay, done!" Laking ngiting sabi niya. I was about to get my eyeglass pero nilayo niya yun. "No, magsusuot ka ng contact lense."
"Alam mo namang hindi ako sanay mag suot nun diba?" Pagaangal ko.
"Alam ko, ngayon lang naman eh." Haay! Wala na 'kong nagawa kasi siguradong ipu-push din naman niya 'to eh. Kinuha ko nalang yung contact lense at sinuot na ito para matapos na at siya naman ang makapag ayos sa sarili niya.
"Ready to see yourself?" She asked smiling widely.
"Not really." Hindi ko alam kung gusto ko bang makita sarili ko.
Hinila niya 'ko sa braso at ipinaharap sa salamin niya.. i don't know how to explain kung ano 'tong nakikita ko basta, ako ba 'to? I blink at myself, inilapit ko yung mukha ko sa salamin at chineck mabuti kung ako nga ba talaga 'to.
May ganda pala akong 'di inaakala?
"Ganda mo 'no?" Claire said.
"Uh.. p-puwede na." I shyly said.
She laughed. "Elli, obvious naman na nagandahan ka sa sarili mo. Kunti nalang mapapaniwala na kita."
"Oo na! Sige na, mag bihis ka na! Sa sala na kita hihintayin."
"Okay." She said chuckling.
Naglakad na 'ko palabas ng kwarto niya at sinimulang bumaba papuntang sala kung saan naabutan ko si Carter na nanunuod ng t.v, basketball na naman yung pinapanuod niya. Naglakad ako papalapit sakanya at nakiupo sa couch.
Naramdaman ko ang pag tingin niya sa'kin, pero ako nag focus lang sa panunuod ng PBA. Kung sa NBA, Miami Heat ang favorite team ko, sa PBA naman Ginebra.. at yun ang naglalaro ngayon kalaban ang Star. Manila Clasico pala ang laban, sayang dahil di ko 'to matatapos.
"Elli?" Carter called.
"What?" I asked, di na 'ko nag abalang tignan pa siya.
"Woe, is that-" Hindi niya natapos yung sasabihin niya dahil tinakpan ko yung mukha niya.
"Shh.. wag ka maingay nanunuod ako."
Tinangal naman niya agad yung kamay ko. "Si Claire?" Tanong niya. Tsk.. kakasabi lang wag maingay eh.
"Nasa kwarto niya nag aayos pa." Naramdaman ko ang pag hawak ni Carter sa legs ko kaya nawala ang focus ko sa panunuod at napatingin sakanya.
"What are you-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya 'kong hinalikan. He presses his body to mine, making me lay on the couch. I tried to push him, pero tinaas niya kang yung mga kamay ko.
He down his kiss to my neck, kaya magkaroon na 'ko ng chance na makapag salita. "Carter!!" Madiin pero mahina kong sabi. Hindi niya pinansin yung pag tawag ko sakanya at nag patuloy lang sa pag halik sa leeg ko. There's a soft moan escaping on his mouth.
"Baka makita tayo ni Claire, tumigil ka na nga!!" I said again, stopping him.
He looked at my eyes, smirking widely. "Hindi ko lang matiis ang kasexyhan mo ngayon. No eyeglass, i approved." He kissed my lips again, his tongue playing, freely in my mouth. He breaks the kiss and whispered.. "But remember Ellison, your body is mine. Don't let anyone, touch you."
Oh my God!
Pagkasabi niya nun, umupo na siya ng maayos at nanuod ng t.v. Kung umarte siya akala mo hindi niya ko hinalikan. Umaayos na din ako sa pagupo ko at inayos yung dress ko.
"Kumalat yung lipstick mo." Carter said, smiling teasingly. Napahawak sa labi ko dahil sa sinabi niya. Dali dali kong tinignan ang itsura ko sa salamin at inayos yung lipstick na kinalat ng mokong na si Carter. Bwiset talaga siya!
Nang matapos kong ayusin yung lipstick, hinarap ko na ulit si Carter. Kinuha ko yung square na unan sa couch at hinampas sa braso niya. "Punasan mo ng yang labi mo, may lipstick din!" I scolded.
Pinunasan niya yung labi niya gamit lang ang kamay niya. "Ayos na?"
"Ewan ko sayo!" Hinampas ko ulit ko siya ng unan sa braso niya.
"Ouch!! Pag ginawa mo pa sakin yan, ihihiga ulit kita dito!" He warns.
I put my hands on my waist and glared at him. "Subukan mo lang!"
He stands, smirking. "Susubukan ko talaga!"
Aakma na sana siyang hawakan ako pero di natuloy dahil narinig naming ang boses ni Claire. "Carter?!!" Sabay kaming tumingin sakanya ni Carter. Diyos ko, kanina pa kaya siya nadyan?
"Pinagtitripan mo na naman ba si Elli?" Inis niyang tanong.
"Uh.. hindi." I defend him.
"Eh bakit parang inaaway mo siya?"
"Ano lang.. uh.. nag bibiruan lang kami." Tinitigan niya 'ko at mukhang unti unti ng na co-convince.
"Carter, off limits ang kaibigan ko! Understand?!!"
"Yah.. no worries, hindi naman ako interesado sakanya eh." Carter said, irritatingly then walked away. Ouch! Feeling ko kumirot yung puso ko sa sinabi niya. Hindi siya interesado sakin? Ganun lang yun? Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin, hindi naman pala siya interesado sakin?!!
"Ayos ka lang?" Claire asked.
"Yah." Matipid kong sabi.
Nasa parking ng Club na kami ngayon nila ni Claire, siya nag re-retouch ako.. wala nakaupo lang sa loob ng kotse niya. Ito kasi ang ginamit namin at iniwan ang kotse ko sakanila. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Carter, kaya nakakainis! Hindi ko tuloy alam kung magiging maganda ba 'tong gabi ko sa Club. Ngayon palang kasi nakakaramdam na kong masisira to eh.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik ah!" Claire asked.
"Oo, ayos lang ako." I reassured.
"Okay, pumasok na tayo. Hinihintay na tayo nila Carl." Excited niyang sabi. Ngiti lang ang response ko sa sinabi niya.
Sabay na kaming bumaba ng kotse ni Claire, inangkla niya yung kamay niya sa braso ko tsaka sabay kaming pumasok ng Club. Ingay agad maririnig sa pag pasok namin, mula sa malakas na patugtog ng DJ.
Urgh! Ayoko ko talaga sa maiingay na lugar.
Pinag patuloy lang ni Claire ang pag hila sa'kin dahil mukhang alam na niya kung saan kami pupunta, hanggang sa finally mukhang nahanap na namin ang Carl na tinutukoy niya na talaga naman palang ang gwapo kaya pala ganun nalang ka excite at kakilig 'tong kaibigan ko. Paano kong nalaman na siya na yung Carl, nilapitan niya kasi agad kami pag kakita niya.
Yung guy next to him naman na tingin ko ay yung isinama niya para sakin ay, gwapo din naman.. mas gwapo nga lang si Carter. Shocks! Pati ba naman sa mga ganitong sitwasyon iniisip ko yung mokong na yun? Bwiset!
"Hi, akala namin 'di na kayo pupunta eh." That i think Carl said.
"Pasensya na medyo, traffic lang." Claire explained. "By the way this is my best friend, Ellison." Pagpapakilala niya sa'kin.
That i think Carl, offered his hand for a hand shake. "Hi, I'm Carl." Inabot ko yun at nakipag shake hands. Inakbayan naman niya yung kasama niya at pinakilala din ito sa'min.
"Siya si Vince, barkada ko."
"Hi, i'm Vince." He offered his hand on me.
"I'm Elli." Inabot ko yun at nakipag shakehands din sakanya. He showed me his cute smile while staring deeply in my eyes. I just smile back, not breaking the eye contact. 'Di ko akalaing kaya ko na palang makipag eye contact.
Claire cleared her throat, making us all look at her. "Simulan na natin?" She asked us. Tumango lang kami sakanya. Nauna ng umupo ang boys, pero kami ni Claire bago pa umupo may binulong siya sakin.
"He's into you." Napatingin ako sa binulong niya at napataas ng isang kilay. Kumindat siya sa'kin at nag simula ng umupo katabi ni Carl, si ako no choice kundi umupo sa tabi ni Vince.
He's not into me, no choice lang siya dahil ako ang kasama mo. Yan sana ang gusto kong sabihin sakanya pero di ko na ginawa dahil baka marinig pa kami ng boys.
Sinimulan na namin ang umorder ng beer at nung dumating yung order namin sinimulan na namin ang uminum. Silang tatlo lang ang maingay sa'min kasi naman ako, hindi naman talaga ako madaldal lalo na't ngayon ko palang nakasama yung dalawa. Kaya ang ginawa ko, uminum nalang.
"Ang tahimik mo naman." Vince comment making me face him, he smiling at me.
"Hindi lang ako sanay sa mga ganitong lugar." I honestly said.
He chuckled. "Halata naman sa'yo eh. Do you want to dance?"
"I don't know how to dance too."
He stands and offered his hand on me. "Subukan na muna natin bago ka tumangi." Naramdaman ko ang biglang palihim na pag sipa ni Claire sakin sa ilalim ng lamesa. Tumingin ako sakanya at binigyan niya 'ko ng pagbigyan-mo-na look.
So, wala na 'kong nagawa kundi iabot yung kamay ko kay Vince at sinimulan na naming pumunta sa dance floor. As i look around, medyo lasing na yung ibang nagsisisayawan at meron pang naghahalikan. Shocks! Ano ba 'tong napasok ko?
Naramdaman ko ang pag hawak ni Vince sa bewang ko na medyo kinagulat ko kaya napatingin ako sakanya. Hinawakan niya yung mga kamay ko ng di inaalis ang tingin sa mga mata ko at inilagay to sa mga balikat niya tsaka naman niya pinuwesto yung mga kamay niya sa bewang ko.
"Uh.. i don't think akma ang position natin sa music." I comment. Kasi naman, pang sayawan talaga yung tugtugan hindi pang sweet. Hindi man ako marunong sumayaw alam ko pa rin naman pinagkaiba ng sweet dance at pang clubbing dance.
He showed me again his cute smile. "Sabi mo kasi hindi ka marunong mag sayaw kaya ako nalang ang mag a-adjust."
Oh! Okay, that was a kinda sweet.
"Uh.. thanks." I shyly said.
He chuckled. "You look beautiful."
"Siguro dahil ang bonga lang ng ayos ko ngayon kaya maganda ako. I actually wear a eyeglass and ang tawag sakin nung iba, nerd."
"What's wrong with wearing eyeglass? I wear that too."
I raised my eyebrow, confused. "Eh bakit hindi mo suot ngayon?"
"Ang iniisip ko kasing ka-date ko ngayon ay pihikan sa lalake." Date! He called this a date! Wow!
"I see, you can wear it now if you want. Don't worry i'm not really a uh.. judgmental, person." I joke. Di ko akalaing marunong pala akong makipag usap sa gwapong lalake. Usually kasi, lagi nalang akong nauutal eh.
He laughed. "Hindi ko siya dala ngayon eh."
"Pareho pala tayo."
"Ayos lang bang kunin ko number mo? Para kasing ang sarap mong kausap."
I laughed softly. "Ikaw palang nag sabi sa'kin niyan."
"Well ibig bang sabihin nun, ibibigay mo na number mo?" He asked grinning. I just nodded my head, grinning back.
"Can we uh.. go back to our chairs? medyo masakit na kasi sa paa itong takong na suot ko."
"Okay, sure." Tinangal ko na yung mga kamay ko sa balikat niya at nag simulang mag lakad. Naramdaman ko ang pag hawak ni Vince sa kamay ko na naging dahilan para tignan ko siya. Ngumiti lang siya sa'kin at hinila na 'ko papunta sa chairs kung nasaan yung dalawang halatang nag e-enjoy sa pinaguusapan nila kung ano man yun.
"Kumusta naman pagsasayaw n'yo?" Malisyosang tanong ni Cliare.
"Perfect!" Vince answered her. May kinuha siya sa bulsa niya at inabot to sa'kin.. cellphone niya yun.
"Your number?" He asked grinning. Kinuha ko yun at inilagay na yung number ko na kanina pa niya hinihingi. I handed it back to him, wearing a grin on my face.
"Happy?" I asked.
"Very much happy!" He said making me giggles.
I look at my wristwatch, it's almost twelve midnight. Naalala kong may lakad ako bukas kaya kailangang maaga akong umuwi ngayon.
"Claire, tingin ko dapat umuwi na ko. May client ako bukas, medyo malayo ang location namin."
"Sa bahay ka na umuwi."
"No!" I said shaking my head. Pag dun ako umuwi makikita ko lang ang bwiset na si Carter. Baka bwisetin na naman niya 'ko, tulad nung huling beses na natulog ako sakanila. Tss.. naiwasan ko na nga siyang isipin ngayon, heto na naman siya at nag papansin.
"Uuwi ako, mag tataxi nalang ako."
"Ihahatid na kita." Vince offered making me look at him.
"Tama, mag pahatid ka na kay Vince." Claire said wearing a teasingly smile on her face.
"Ayos lang ba sa'yo yun?" Tanong ko kay Vince.
"Oo naman." Walang pag dadalawang isip niyang sabi.
"Okay." Kinuha ko yung susi ng kotse ko sa pouch na pinahiram ni Claire sakin at inabot kay Claire. "Sabihin mo kay Carter na kotse ko na ang dalhin niya sa pag punta ng Studio, dahil yun ang gagamitin namin na service bukas. And pakiusapan mong agahan niya, 7am SHARP!"
"Okay.." Napilitan niyang sabi.
I stand looking at Vince. "Alis na tayo?"
"Sige." Tumayo na rin siya. Nag paalam lang kami sa dalawa, nag bigay lang ng kunting warning si Claire kay Vince na mag behave dahil ha-huntingin daw niya 'to pag may ginawang kalokohan sa'kin, tsaka naman kami nag simulang lumabas ng Club at dumiretso sa kotse niya.
He gentlemanly open his car door for me. "Thank you."
"Welcome."