Nasa taxi na kami ngayon papunta sa bahay nila Carter. Ang byahe namin sa airplane na ata ang pinaka mahabang byahe sa lahat dahil hindi ko siya pinapansin. Sinusubukan niya ‘kong kausapin pero dedma ako, ang init pa rin kasi talaga ng ulo ko. Nagseselosa ako, sooobrang magseselos ako. Lumipad ng milya milya ‘yung ex niya para lang sa papers. Babae ako kaya alam kong hindi lang pag deliver ng papers na ‘yon ang pakay niya kung bakit siya nandito. Ang mas worst ay baka kaya siya nandito ay hilingin niyang bumalik si Carter sakanya at baka ‘di ko matangap na baka pumayag si Carter. Ang tagal nila kumpara sa’min at kung iisipin mong mabuti ako nga ang dahilan kung bakit sila nag hiwalay kumbaga ako lang naman ang nakisingit. ‘Di na ‘ko magugulat mamaya kung sasampalin ako ni Mar

