Nagising ako sa mahigpit na yakap sakin ni Carter. Parang katawan na niya ngayon ang nagsisilbing kumot ko dahil sa yakap niya. Gano’n siya makayakap sakin palagi at sanay na sanay na ko. Dahil sa sobrang naka sanayan ko na baka kapag isang beses na hindi kami tabi matulog hanap hanapin ko na yung yakap niyang ganito. Dahil ayaw ko pa naman siyang gisingin dahil sa himbing pa ng tulog niya pinagmasdan ko nalang muna siya. Ilang beses ko na siyang napag masdan matulog pero talagang gwapong gwapo parin ako sa kanya, ‘yung kagwapuhan niya ang tipong ‘di mo pagsasawaan titigan. ‘Di ko ‘to sinasabi dahil boyfriend ko siya, realtalk lang talaga. ‘Di ko rin maiwasang mapangiti kapag naalala kong komportable lang niyang kinakausap ang pamilya ko. ‘Di tulad ko na kinakabahan at m

