Twenty

3122 Words
     Nang matapos akong mag shower. Palabas palang ako ng bathroom, sakto din ang pag labas ni Claire sa kwarto niya na kagigising lang.     “Morning, Elli.” She greeted.     “Good morning.” I greeted back.     “Nag enjoy ka ba?”     “Ha?” I asked confused.     “Nag enjoy ba kayo ni Kuya?” She teases.     I rolled my eyes. “Puntahan mo nalang boyfriend mo sa sala!” Pagkasabi ko nun nag lakad na ‘ko papasok ng kwarto ni Carter at iniwan na siyang tumatawa. Magkapatid talaga silang dalawa.     Sa pag pasok ko nakita ko si Carter na nakaupo lang sa side table niya habang nakaharap sa laptop niya. ‘Di ko na muna siya inistorbo baka kasi matagalan pa ko sa pag asikaso sa pagpapatuyo ng buhok ko.     Umupo ako sa gilid ng kama habang pinupunasan ‘yung buhok ko. Naramdaman ko ang pagtingin sa’kin ni Carter habang nagpupunas ako ng buhok kaya napatingin ako sa kanya.     Nakatitig lang siya sa’kin na akala mo ngayon lang ako nakita. “What?” I asked.     He shakes his head. “I just love staring at you.”     I smiled. “Tumigil ka na nga sa pagpapakilig Carter, kota ka na!”     He grins. Tumayo siya at naglakad papalapit sa’kin. He bends down his face and kisses my lips, softly.     “Hihintayin nalang kita sa sala.”     “Okay.” I agreed. Pinanuod ko lang siya hangang sa makalabas siya ng kwarto niya. Pinag patuloy ko nalang ang pagpupunas ko ng buhok na inabot ng ilang minuto dahil wala namang blower dito, dapat pala nanghiram ako kay Claire. Bakit ba ‘di ko naisip ‘yon kanina?     Nang matapos naman ako sa pag pagpapatuyo ng buhok. Sinuot ko lang ‘yung eyeglass ko ‘saka ako nag lakad palabas ng kwarto.     Dumiretso ako sa sala kasi do’n daw ako hihintayin ng boyfriend ko.     Pag dating ko do’n, nakita kong kasama at kakwentuhan ni Carter si Claire at Carl. Umupo rin naman agad ako sa tabi ni Carter. Umakbay naman siya agad sa’kin at hinalikan ako sa ulo. “Anong pinaguusapan n’yo?” Tanong ko.     “’Yung taping mamaya ng show, bigla kasi akong kinabahan eh.” Sagot ni Claire.     “Keri mo ‘yan, ikaw pa ba?”     She chuckled. “Sinasabi mo ba ‘yan bilang kaibigan o bilang sister in-law?”     “Bilang kaibigan!” I cleared. Haay! Baliw talaga ‘tong si Claire, i-push daw ba ‘yan? Kung magiging sister in-law nga niya ako paniguradong matagal pa ‘yon dahil mag aaral pa si Carter.     “Guys..” We heard Tita called. Sabay sabay kaming tumingin sa direksyon niya. “Kakain na.”     Naunang tumayo si Carl at Claire, nung plano kong tumayo bigla akong hinila ni Carter paupo kaya napatingin ako sa kanya. Problema nito?     “Bakit?” Tanong ko. Tumingin lang siya sandali sa kela Tita, Claire at Carl na papunta na sa dining area samantalang kami nandito pa sa sala.     “Pwede ba kong humingin ng favor?” Seryoso niyang tanong.     “Oo naman puwedeng puwede, ano ba ‘yon?”     “Uh... gusto ko sanang yayain mag lunch si Mama mamaya pero nahihiya akong magsabi, ayos lang bang ikaw ang magyaya para sa’kin?”     “You mean ako ang magyayaya kay Tita na magla-lunch kayo?” Tanong ko.     “Uh.. sabihin mo tayong tatlo ang magla-lunch.”     “Isasama mo ‘ko? Bakit hindi nalang kayong dalawa para makapag usap na rin kayo.”     “Baka hindi naman ako makapag salita 'pag kaming dalawa lang.”     I chuckled. “Kaya mo ‘yan, gamitin mo ang kapilyuhan mo in a good away pang palakas ng loob.”     “Gusto ko nando’n ka parin.”     “Okay sige, sasamahan kita. Makikipag ayos ka na ba?”     “Uh.. Oo, sana.”     I smiled and hold his hand. “Masaya akong gumagawa ka na ng way para magkaayos kayo.” He just smiled shyly. Gosh! Ang cute talaga niya kapag naghahalo ang ngiti at hiya sa kanya.     “Pumunta na tayo do’n? Baka kasi hinihintay na nila tayo eh.” I said. Tumango lang siya bilang pag sangayon.     Tumayo na kami sa couch, ‘saka nag lakad papuntang dining area ‘saka kami sabay na umupo. Sinimulan na naming pagsaluhan ang breakfast na hinanda ni Tita para sa’min. Humahanap na ‘ko ng tyempo kung paano ko tatanungin si Tita about sa lunch na plano ni Carter.     “Tita..” I called her kaya tumingin na siya sa’kin. Bigla akong kinabahan, kanina naman wala ‘to. “Uh.. may gagawin po ba kayo mamayang lunch?”     “Wala naman hija, bakit?”     “Uh.. ayos lang po bang yayain kang mag lunch mamaya, tayo po nila Carter?”     Tumingin sandali si Tita kay Carter na kunyaring busy lang sa pagkain. “Oo naman, sige.”     Ngumiti ako ng malaki sa pagpayag niya ‘saka palihim na hinawakan ang kamay ni Carter sa ilalim ng lamesa. Tumingin naman ako kay Claire yung itsura niya parang nagsasabing anong-meron?     Ngiti lang sagot ko sa tingin niya. Ichi-chika ko nalang sa kanya mamaya sa text, for sure matutuwa siya sa malalaman niya.     Nang matapos ang breakfast namin..     Carter and i decided na pumunta na ng studio, habang si Carl hihintayin pang makapag bihis si Claire dahil sasamahan niya ‘to sa taping para magpaka stage boyfriend.     Sumakay kami sa kotse ni Carter at sinimulan ang byahe naming dalawa.     “Thank you.” Sabi niya habang nagmamaneho.     “Para saan?” Tanong ko kahit na alam ko naman na tungkol ‘to sa ginawa ko kanina para yayaing mag lunch si Tita.     “Tungkol kanina, salamat talaga.”     I grin. “Welcome, galingan mong makipag ayos ah.”     He laughed softly. “Sana gano’n lang kadali.”     “Ilabas mo lang lahat ng uh... i don’t know sama ng loob mo? Lahat ng gusto mong sabihin sa kanya sabihin mo na, para gumaan na ‘yang pakiramdam mo. Baka pag nasabi mo na lahat mawala na ‘yang ilang mo sa kanya.” Advice ko. ‘Di ko alam kung gagana ‘yon pero, malay mo.     “Okay.” Matipid niyang sabi habang nakangiti.     Nakarating kami ng office at dumiretso sa kanya kanya naming trabaho at magpaka professional ng mga ilang oras dahil mamayang tanghali magiging girlfriend ulit ako sa kanya.     Nang finally malapit na ang na lunch... sa nakakabadtrip na dahilan may walk in client na gusto akong kausapin dahil may trabaho siyang gustong ipagawa sa’kin. Ayos naman sanang may client kami kaya lang kasi badtrip dahil may lunch ngang plano si Carter, sa dami dami ng araw ngayon pa.     “Paano na ngayon?” Tanong niya.     “Sorry ikaw na lang muna ang pumunta,” Hinawakan ko siya sa kamay niya.     “Kaya mo ‘yon.”             “Wag nalang kaya akong tumuloy?”     “Carter baka naghihintay na si Tita do’n pangit naman kung i-ca-cancel natin bigla.”     Huminga siya ng malalim at halatang kinakabahan sa gagawin niya. “Sige.”     Naglakad na siya palabas ng studio kaya ako naman ay lumapit lang sa client na biglaang dumating.     Kahit may kausap akong client medyo lumulutang ang isip ko kay Carter, kung paano niya maihahandle ng maayos yung paguusap nila ng Mama niya. Sana naman makapag ayos na talaga sila.     Natapos ang pakikipag usap ko sa client at ang binigay niya sa’king trabaho ay kukuhanan ko ng family pictures ang Mayor nitong City, secretary pala ng Mayor ang kausap ko kanina.     So, ngayong wala na ‘yung kausap kong client lumutang ulit ‘yung utak ko sa boyfriend ko na until now wala pa rin. Parang pati tuloy ako kinakabahan, ano na kayang nangyari?     Mga lagpas din atang isang oras nang marinig kong mag bukas ang pinto ng shop, dali-dali akong tumayo sa silya ko at tinignan kung sino at nakita ko ang boyfriend kong halatang kakagaling lang sa pagiyak.     Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisnge. “Anong nangyari? Ayos ka lang?” Pagaalala ko.     He smiled weakly. “Oo ayos lang ako baby.” Bigla niya ‘kong niyakap. “Ayos na kami, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.”     “Masaya ako para sa’yo.” I sincerely said. For sure magtatalon sa tuwa nito si Claire.     “Thank you.”     “Gumaan na ba pakiramdam mo?” Tanong ko.     “Sobra.” Bumitaw siya sa pagkakayakap sa’kin at hinalikan niya ‘ko sa labi ng hindi gano’n kabilis pero ‘di rin matagal.     “Alam mo ba kung pabungad na tanong ni Mama sa’kin?” Pagbabalita niya habang nakangiti.     “Ano ‘yon?”     “Tinanong niya kung buntis ka ba kaya ko siya kakausapin.”     “What?” I mouthed shockingly. Seriously?     “Akala niya kaya natin siya niyayang mag lunch ay ibabalita nating buntis ka.” Natatawa niyang sabi.     I slapped him on his chest. “Kasalanan mo kasi eh, sinabi mong may nangyari satin ayan tuloy pati si Tita iniisip na buntis ako.”     “Hindi ba?” Tanong niya sabay tingin sa tummy ko.     “Hoy! Tumigil ka nga mag aaral ka pa! Simula ngayon off limits muna sa making love, okay? Making out muna.”     “What???!!!” Gulat niyang tanong. O.A niyang reaksyon. Grabe siya!     _______      Nasa paliparan kami ngayon ni Carter... nandito na kami sa Cebu at nag hihintay kami ng sundo.     Ngayon na kasi kami nabigyan ng pagkakataong makapunta, we decided na bumyahe ng friday para whole weekend nandito kami sa Cebu at masulit ang ilang araw na bakasyon.     Baka rin kasi magtampo sila Mama kung sandali lang kami do’n. Isang closed van ang huminto sa harap namin at bumaba mula sa loob sila Mama, Papa at ang pinsan kong si Lenard na sila Mama na rin ang nagaalaga dahil maagang naulila sa magulang.     “Ellison!” Excited na bati sa’kin ni Mama kaya napangiti ako. Lumapit siya sa’kin at niyakap ako ng sooooobrang higpit.     Bumitaw din naman agad si Mama sa pagkakayakap sa’kin at tumingin kay Carter mula ulo hangang paa. “Siya ba ‘yung boyfriend mo, anak?” Tanong niya sa’kin habang nakatitig kay Carter na akala mo nakakita siya ng artista or ngayon lang nakakita ng tao. Grabe!! Gano’n ba kagwapo si Carter para mapatitig ng ganyan si Mama? Kung sabagay gwapo nga naman kasi talaga si Carter.     “Opo siya nga po.”     Yumakap din naman ako kay Papa at pabuhat niya ‘kong niyakap. “Mabuti naman at nagka boyfriend ka na.”     “Gwaping pa Ate ah, parang ako lang.” Pagmamalaki ni Lenard.     I chuckled. “Sige push mo ‘yan!”     “Magandang araw po Ma’am, Sir.” Bati ni Carter sa magulang ko ‘saka nag mano bilang pag galang. “Carter po pala.” Pagpapakilala niya.     “Okay, sumakay na tayo ng van para makauwi na at mag gagabi na rin para makapag pahinga na silang dalawa.” Mama said. Sumunod kami sa sinabi ni Mama at pumwesto sa kami sa likod ni Carter ng magkatabi. Hindi ko naman kinikitaan siya ng nerbyos na makita niya ang parents ko. I wonder why, samantalang ako no’ng malaman ni Tita na nagdi-date kami medyo kinabahan ako kahit na matagal ko na silang kilala.     Pero itong si Carter mukhang walang ka kaba kaba sa katawan.     The whole time na nasa byahe kami si Mama ma-kwento, chumichika lang siya about sa mga pinsan kong nagsiasawahan na. Kulang nalang sabihin niyang napagiwanan na ‘ko.     ‘Di naman ako nagmamadali eh, ‘saka may Carter na ‘ko. Kasal nalang ang kulang.     Nang makarating kami ng bahay sa pagpasok namin ‘di ko maiwasang mamiss dito.  Iba pa rin pag nasa bahay ka talaga ng magulang mo, dumiretso kami sa sala pero sila Mama at Lenard dumiretso sa kusina para maghanda siguro ng kakainin.     “Baby..” Carter whispered.     “Bakit?” I asked looking at him.     “Ipilit mong sa same bedroom tayo ah.” He whispered again. Siniko ko siya ng mahina sa tagiliran niya. Buti nalang ‘di siya narinig nila Mama sa kapilyuhan niya. Gusto ko rin naman siyang makatabi kaya lang depende pa rin ‘yon kilala Mama.     “Mabuti pa ipasok n’yo muna sa kwarto mo ‘yung gamit n’yo habang naghahain ang Mama mo sa kusina.” Papa said. So, anong ibig sabihin do’n ni Papa same bedroom lang kami ni Carter? Oh wow! Wish granted agad si mokong.     “Opo.” Sagot ko. Binuhat ni Carter ‘yung dala naming bag at ako naman ang nag lead ng way papunta sa dati kong kwarto na for sure malinis na dahil bibisita nga kami.     Sa pagpasok ko ng kwarto ko, ibinagsak ko agad ‘yung katawan ko sa kama dahil namiss ko dito. Si Carter naman pagkalapag niya nung bag namin sa sahig tumabi sa’kin pero siya nakaupo lang, kaya view ng likod niya ang kita ko.     “Happy?” I asked making him. He looked at me.     He grinned. “Yes.” Ibinagsak din niya ‘yung katawan niya sa kama kaya ang ginawa ko ay ginamit kong unan ‘yung braso niya at niyakap ang braso ko sa kanya.     “Kahit happy ka, remember off limits ka.” I whispered.     “You can’t stop me from wanting to make love to you baby.”     I giggled. “Unstoppable ka talaga, Carter.”     “So, wala na ‘yung off limits?”     “No! Off limits ka pa rin.”     He groans, disappointingly. “Sige ka hindi ko na itutuloy ang pag aaral ko kapag pinagpatuloy mo pa ‘yang off limits na ‘yan.”     Hinampas ko siya sa dibdib niya. “Awww!!” Pagaangal niya.     “Tumigil ka nga r’yan sa mga sinasabi mo, tatamaan ka talaga.” Napaka baliw talaga niya, para namang ‘di siya makaka-survive ng isang araw na walang s*x.     “Bakit nauna ‘yung hampas sa pagbabanta?” Tanong niya.     “Eh baliw ka kasi eh.” Nakarinig kami ng katok mula sa labas ng kwarto kaya sabay kaming napatayo na akala mo nakagawa kami ng kasalanan. Ako na ang nag bukas ng pinto at si Lenard ang nakita ko.     “Kakain na raw Ate.”     “Sige, susunod kami.” Pagkaalis ng pinsan ko hinarap ko ulit si Carter ng nakapamewang.     “What?” He asked amused.     “Magbihis ka na kakain na raw tayo, ‘wag kang puro lambing.”     “Sus! Gusto mo rin eh.” Pilyo niyang sabi. Lumapit ako sa kanya para sana hampasin siya braso pero nahawakan niya ‘yung kamay ko, nilagay niya rin ‘yung isa niyang kamay sa bewang ko at hinila papalapit sa kanya.     “Nagiging agrisibo ka na baby, lalo tuloy akong natuturn on.” Pilyo niyang sabi habang nakangisi.     Hinampas ko siya sa dibdib. “Umayos ka nga!”     Tumawa siya sinabi ko at hinalikan ako ng mabilis sa labi. “Magbibihis na ‘ko wag ka na mapikon.”     “Paanong ‘di ako mapipikon eh puro ka kapilyuhan.”     “Okay, sorry na po.” Paglalambing niya.     I chuckled, shaking my head. “Sige na mag bihis ka na, hinihintay na tayo sa baba.”     Tumango lang siya. Bigla niyang hinubad ‘yung polo shirt niya na wala manlang pa abiso ‘saka ‘to hinagis sa kama. Kinuha naman niya ‘yung bag niya para kumuha ng bagong damit.     Nang makapili siya ng T-shirt, sinuot naman niya agad ‘to ‘saka kami naglakad palabas ng kwarto ng magkahawak kamay.     Dumiretso kami sa dining area kung saan nando’n na silang lahat. Tumingin ako sa lamesa at napangiti ng sobrang laki na makita ang mga paborito kong ulam. Shocks! Mukhang makakadami ako ng kain nito ang sarap pa namang mag luto ni Mama, nabangit ko na bang magaling siyang magluto kaya nag tayo siya ng isang kainan. Nakakainis ngang isipin na hindi ko namana ‘yon, ‘yan tuloy puro kami kain sa labas ni Carter. ‘Yung pagpapractice ko pang magluto laging palpak.     “Buti naman at nandito na kayo, kumain na tayo.” Mama said.     “Opo.” Sabay naming sabi. Sabay kaming umupo ni Carter ‘saka naming sinimulan ang pagkain namin. Pinagsandok ko si Carter kasi baka naiilang pa siya.     “Ate, paano kayo nagkakilala ng boyfriend mo?” Tanong ni Lenard habang nagsisimula kaming kumain. Tumingin din sa’min ‘yung mga magulang ko na mukhang naiintriga rin sa tanong ni Lenard.     Nagkatinginan kami ni Carter dahil kung ikukwento ko talaga kung paano kami nagkakilala baka bumagsak na agad sakanila si Carter.     “Nagkakilala kami dahil kay Claire ‘yung best friend ko, magkapatid kasi sila.” Sagot ko.     “Hindi ko alam na may kapatid pala si Claire, wala siyang nabangit noon no’ng napasyal siya dito.” Mama said.     “Hindi po kasi kami noon magkasundo ni Claire. Elli just helped us na magkaayos.” Sagot ni Carter. Ako? Ni wala nga akong ginawa. Ang ginawa ko lang naman ay nag bigay ng kondisyon para sa pagtatrabaho niya sakin tapos nun wala na.     Tumingin sa’kin si Mama at ngumiti ng makahulugan. Para saan ‘yon?     “Ano namang trabaho mo hijo?” This time si Papa ang nagtanong.     “Actually po nag trabaho ako bilang assistant kay Elli no’n pero sa ngayon po babalik ako sa pagaaral this coming school year. Nahinto po kasi ako noon sa pagaaral at tumulong nalang sa diner ng Papa ko.”     “Anong kurso naman?” Mama asked.     “Photography po.”     “Katulad kay Ate?” Lenard asked.     “Oo, pero ang Ate mo expert sa mga portrait pero ako sa landscape.” Sagot ni Carter.     “Akala ko pa naman model ka ni Ate kaya kayo nagkakilala.”     Tumawa ng mahina si Carter. “Hindi, ‘yung kapatid ko ‘yung model sa’min, hindi ako marunong mag pose kaya imposibleng mag model ako.”     Kita mo nga naman oh! Walang ka nerbyos nerbyos sumagot ang ugok sa mga tanong nila sa kanya ah. Kung sumagot nga siya akala mo hindi ito ang fitst time na nakausap niya ‘yung pamilya ko.     ‘Di ko tuloy maiwasang mapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD