Hinintay ko lang dito sa kotse niya si Carter habang busy pa sila ni Louie sa pagsasara nung Studio. Nang matapos naman sila sumakay agad si Carter ng driver’s seat at tumingin sa’kin. Hinawakan niya ‘yung kamay ko at hinalikan ito nang ‘di inaalis ang tingin sa mga mata ko. “Ayos ka lang ba?” Tanong niya. “Yung totoo, hindi. Medyo nasa utak ko pa ‘yung paguusap namin ng ex mo at talaga namang apektado pa rin ako.” “Akala ko ba naniniwala ka na sa’kin?” “Oo naniniwala ako, bago lang kasi sa’kin ang lahat at…” Huminga ako ng malalim. “..pagod lang din siguro.” “Okay, umuwi na tayo para makapag pahinga ka na.” He kissed my forehead. Inistart niya lang ‘yung makina ng kotse niya ‘saka namin sinumalan ang tahimik na byahe. Tahimik dahil pareho kaming hindi na

