Oras na ng pagsasara.. mas maaga naming pinauwi si Louie tutal si Carter naman daw ang tutulong sa’kin sa pagsasara. So i just watch my boyfriend na sinasara ang Studio habang ako nakasandal lang sa kotse niya. Nang matapos siyang magsara lumapit siya sa’kin. “Anong gusto mong kainin?” Tanong niya. “Uh... about d’yan, gusto kong subukang magluto ngayon.” He chuckled, amusingly. “Really?” I rolled my eyes. “Bakit, may nakakatawa ba sa sinabi ko?” He shakes his head, biting his lower lip. “Wala, anong lulutin mo?” Sus! Wala raw eh halata namang ‘di siya bilib sa luto ko. “Noong nasa Cebu tayo, Mama taught me to cook Tinola so, ‘yon ang susubukan ko.” “Okay, support kita r’yan.” Hinawakan niya ‘ko sa kamay at naglakad kami papunta sa passenger seat. Pina

