CHAPTER 1
HOPE POV
"HELLO PHILLIPINES!!! HELLO WORLD!!! Goodmorning everyone!!!! " masigla kong bati sa lahat mula sa hagdanan.
At tumatakbo akong yumakap kina mommy at kay daddy at siempre sa pinakamamahal kong kuya na pinakagwapo at pinakamacho raw sa loob at labas ng Cebu!!!!!
"Maayong buntag sa akong labing kaayo nga anak." ayyyy tugon yun sa akin ng aking mommy!!!
Susss ko! ako lang naman ang nag-iisa niyang anak na babae kaya siempre sasabihin nyang maganda ako!
As in ma-gan-da ako kahit na ako ay payatot!!!!
Hehe hindi naman super payat ha, kasi naman may shape pa rin naman ang katawan ko. Parang korean body lang po si ako. Pang model din ang pig if in case!!!
"Bata kaayo ka! pag amping! Nagdagan pa ka !!! giatay oy!!!"
Tatay ko yun! Hala minura pa ako day!!! Huwag daw akong tumakbo at baka kung mapaano pa ako. Ingat.... As in mag-ingat si ako!
Worried parin sila sakin, tssskkkk!!!
"HELLO WORLD!!! HELLO CEBU PILIPINAS!!! "
Hayun! Ohhh diba!!!
Sigaw naman ng mas pinakamamahal ko sa lahat yun!!! Ang nag-iisa at ang maladyosa kong bebe girl!!! Si LOVELY DULCE DULCE!!! Manang mana sakin yan!!! Pwera nalang si ako ang hindi nakamana ng ganda ng boses nya!!!
Super masayahin yan!!! Makulit as in.
Kasi naman kung ako ang reyna ng sentunado, abah siya naman ang reyna ng karaoke!!! grabe kung bumiret!!!! Mana sa tatay nya, pero secret lang yun ha!!! Ay hindi pala secret kasi alam nila mommy daddy ko yun except kay bebe girl ko at kay kuya. No need na nilang malaman noh... Amffeeeee!!!
Almost mag e-eight years na kaya!!!
Huwag kang magtaka kung bakit Dulce Dulce ang middle at surname ng bebe girl ko. Hehe kilala ko naman ang tatay nya pero secret kasi. Tayo tayo nalang ha, kasi nga pinangarap ko lang naman na magkaroon ng anak kapalit ng buhay ko pero super love ako ni God kasi heto at buhay pa ako!!!
"Aw!!!!! Good morning din apo ko. Come makaon na tah! "
Nanay ko uli yun, nag-aaya ng kumain.
"Ito ang maganda meh!!! Buti di mo kamukha mommy mo Love. Halika, lingkod sa akong tupad akong minahal nga pag-umangkon."
Ahhh yun naman ang kuya Dream ko, inaapi nanaman ako!!!! Pero promise sweet sila ng anak ko, sunod sa luho ang bebe girl ko sa kuya ko!
Naintindihan nyo ba yung sinabi ng kuya ko, Tsk!!! Tabi daw sila ng anak ko kasi may goodness susubuan nya nanaman ang seven years old kong anak. Pabebe sa tito....
Lalo na ngayon at kakauwe lang ng kapatid ko from UK. Hindi ukay ukay ha, United Kingdom po. Doctor po siya. Heart surgeon. Mahal ako ng brother ko eh, saan ka pa, nagpush talaga siya na maging doctor kasi nga daw gusto nya alagaan ako. Pero ok na po ako.
Nagmatch naman ang puso ng nagdonate sakin.
Sana lang tumagal pa ako hehehe!
Kaya nga super love ko na ang puso ko ngayon. Maingat ako sa lahat. Sinusunod ko lahat ng payo ng kuya ko. Bakit!? Kasi gusto kong makasama pa sila ng matagal na matagal!!! Lalo na ang bebe girl ko.
"Aye Aye Captain!!! Tito mall tayo later diba!!!! Quantum!!!! " lambing ni bebe girl.
"Of course!!! Pero daan muna tayo sa Doctors Hospital huh. Magrereport lang ako. "
"Sure!!! Ikaw pa tito dada, lakas mo sakin" tugon ng anak ko at nakipag apir pa sa kapatid ko.
Ayyy, sila na ang sweet.... hindi na kami hahaha, pero ok lang basta super love ko sila.
"Bebe girl, ayaw pagpakapoy sa imong uyoan, batasan lang ha..." payo ko sa anak ko... As in wag siyang makulit masyado sa tito dada nya at behave lang po siya.
"Opo mommy. Ahmmm join ka samin ni dada mamaya my sa lunch ha..." ohhh diba hindi parin ako nililimot ng anak ko, hehe.
My flower shop ako. Nasa first floor lang po ng mall yun. Ang quantum naman ay nasa third floor kaya mabilis na nila akong mapuntahan.
"Ahmmm tingnan ko bebe girl ha, kasi weekend ngayon kaya for sure daming gawa si mommy... "
"Basta po daanan ka namin ni tito dada. " pagpupumilit niya.
At hito na nga po kumakain na po kami.....
"Nak si Ate mo Agape naginvite, for nextweek pa naman. Save the date. Mamamanhikan na yung pamilya ng lalaki. "
"Ohhh sakto, punta kami mamayang hapon dun ni Love. Magpapacheck-up si Tito. " - kuya Dream
"Kuya si bebe girl ko ha, masyadong bibo yan baka atakihin sa puso si Tito, nakuuuu pooh!!! " sagot ko na nagbibiro lang naman.
Hehe, alam nyo na? Kung kaninong lahi po? Sa tatay ko..... Ang tatay ko walang sakit sa puso pero naman, sa pamilya namin ay ako ang nakakuha.
Ang nakababatang kapatid ng tatay ko na si tito Alberto ang may sakit sa puso at sa panganay na kapatid ng tatay ko na si tito Arnold ay ang anak naman nila ang nakamana. Ganun lang. Mana mana, ammmmfffeee!
Ayyyy pakilala ko tatay ko, tawagin nyo nalang siyang Daddy Agapo. Ang antot ng pangalan ng daddy ko noh?
Ang mommy ko naman ay mommy Magdalena!!! Pasalamat kami ni kuya di nila kami binigyan ng maantot na name. Hope and Dream. Tapos bebe girl ko Love!!!! Saan ka pa!!!
Ang daldal ko diba.... Ahhhh teyka di na ako magtatagal, nagpaalam na ako at mag eight narin. Eh nine ang bukas ng mall, may delivery pa ako ng 10. So I kissed them all na at yumakap na ko ng mahigpit sa aking mahal na bebe girl.
Ang swerte ko sa anak ko promise. Ang lambing nya at ang smart. Aalis nalang ako may papray pa siyang nalalaman. Always yun. Binabasbasan nya ako.
"God bless you Mommy! I love you! "
"I love you more bebe girl! Ingat kayo ha! "
Ayyyy healthy nga pala ang anak ko. Pasalamat ako at hindi ito nagmana sakin.
Yung kuya ko, ayaw magshota, natatakot na magkaroon siya ng anak na may sakit sa puso. Ang kulit noh, doctor na siya pero hindi mo masisisi , katakot kasi bah....
Pero kasi ako malakas ang loob ko.
"Bye everyone, see you later alligator!!! "
"Ingat!!!! "
Pinagbuksan ako ng driver ko na si Kuya Ronie ng pinto ng kotse.
Ahhhh di kasi ako pinamamaneho ni daddy ko,... baka raw kasi mapagod ako.
Yung shop ko nga, sapilitan pa yun. Ayaw akong bigyan ng puhunan ng daddy ko. Pero malakas ako kay kuya, kaya yun walang nagawa ang daddy ko.
Katwiran ni kuya, magiging healthy ang heart ko kung ang emotion ko healthy...
Ohhhhh diba.....
"Ma'am magpapasound po ako.... Ok lang? "
"Kuya ako nalang ang kakanta , gusto mo!?"
"Po!? Ay ma'am ano, huwag na po ma'am, baka mawalan po kayo ng boses, marami pa naman pong customer mamaya...." ohhh diba ang sweet din ni kuya.... galing lumusot....
"Sige na nga.... Gora mo na. Wag mo lang pakalaksan. "
"Ayyy oo nga pala Maam, may audition ang the voice kid, isali po natin ang bebe girl nyo.... Manang mana po sa inyo yun eih!!! "
Asussss si kuya grabehhhhh talaga mambola ang putik !!!
"I know..... Ehem ehem, sample kuya.... Gusto mo? "
"Ayyyy!!!! Save your voice nalang ma'am., Ito maam, makinig na lang po tayo!!! "
Anak talaga ng tokwa, ayaw talaga akong pakantahin ni kuya Ronie oh.
Then, nagplay siya sa station ng wish 107.5
Charrrrooot!!!
Patay ka sakin!!!
Ahhhh syempre alam ko yung song kaya siempre TINAMAAN AKO!!!
HAHAHAHAHA!!!
Kala mo kuya Ronie ha....
Hehehe lagot ka sakin!!!
Napapatawa nalang ako sa loob loob ko.
Ito na!!!! Kakanta na ako...
"Nang kita ay makilala, napatulo ang laway ko
Binti ko ay nangatog, ako'y sumemplang at nauntog
Ewan ko, ano ba'ng mayro'n ka't kikay na 'to'y napaamo mo?
Nabihag mo ang puso kong pihikan, agad na-in love sa 'yo"
Whooaaahhhh!!!!
Si Kuya Ronie napapangirit ang bibig hehehe.
Babanat pa ako ehhh, wrong move si kuya!
Bwhahahahaha!!!!
Kasalanan nya, alam nya naman kung gaano ako kagaling kumanta eh.
Bwahahahaha!
"Tinamaan ako (my papa)
Pansinin mo ako (oh, sana)
Oras ko'y iyong-iyo (kaloka)
Sabihin mo lang sa akin na mahal mo ako
Ililibre ko ang tropa mo
Tinamaan na ako, walanghiya ka, Kupido
Nasira'ng schedule ko, putris na kabaliwan ito
Tinamaan mo ako, hiling ko, Mr. Kupido
Panain mo rin s'ya nang pagnasaan n'ya rin ako
Hiling ko, Mr. Kupido
(La, la, la, la, la, la)
(La, la, la, la, la) Hiling ko, Mr. Kupido
(La, la, la, la, la)"
"Whoooooaahhhhh!!!!! Ayooosss ba kuya!!? Napagod ako dun ah!!!"
Totoo yun, hinihingal ako. Fan kaya ako ni Anne Curtis.
"Ma'am off ko na po sterio, baka kayo mapagod. " seryuso na sagot ni kuya Ronie pero ako namumutla na sa kapipigil ng pagtawa.
Ang saya!!!!!
"Kuya mamaya na!!! baka alam ko pa yung sunod na song!!! " tumataas pa kilay ko dyan pero si kuya putik di na maipinta ang mukha !!!