HADEN: MATAPANG kong sinalubong ang mga mata nitong naniningkit sa akin. Knowing him? Alam kong nagpipigil lang ito ng sarili at kating-kati ng sugurin ako. "May kailangan pa ba kayo, Gov? Kasi kung wala na. . . abala ho kami ng asawa ko," magalang kong saad. "Nagmamadali ka yata, Inspector. Bakit, aware ka bang. . . nandidito ako, hmm?" makahulugang saad nito. Kimi akong ngumiti na umakbay kay Sofi na katabi ko. Napasulyap ito sa kamay ko na naningkit bahagya ang mga mata. "Bakit naman siya maa-aware na nandidito, Gov? Masyadong matapang ang asawa ko para. . . mabahala sa mga bagay-bagay," makahulugang sagot ni Sofi na ikinalunok nito. "Abala ho kasi kami dito, Gov. Kita niyo naman na maraming nangangailangan ng tulong," dagdag ko. "Yeah. My husband's right, Gov. Kung hindi niyo m

