Prologue
"Tulungan mo ako"bulong ni Cinry kssabay non ang pag tigil ng itim na usok sa katawan ni Cinry senyales na si Luna na ang komokontrol
Ang yakap ni Widow ay lalong humigpit ng maramdamang inilipad siya ni Luna sa ere habang yakap ang katawan ni Cinry
"Anak"bulong ni Luna
Hindi ito pinansin ni Widow
"Cinry alam kong nakikinig ka kaya pakinggan mo akong mabuti"umpisa ni Widow at tumulo ang luha
"Cinry mahal na mahal na mahal kita....una palang kita nakita nabihag mo na ang puso ko sayang lang dahil nasumpa ako at hindi ka pwedeng umibig saakin dahil mamamatay ka kapag umibig ka saakin pabalik Cinry mahal kita pero tama na..."wika ni Widow at niyakap ng mahigpit ang katawan ni Cinry na si Luna ang komokontrol
Isang matalim na spada ang hinugot ni Widow mula sa kanyang gilid
Yakap yakap ni Widow ang katawan ni Cinry habang sila ay nasa himpapawid
Lahat ng nilalang sa ibaba ay nanunuod sa gagawin ni Widow
"Mahal kita pero tama na...masyado ka nang madaming nasaktan na mga nilalang"wika ni Widow
"Hindi hindi tumigil ka.."hindi natapos ni Luna ang sasabihin niya ng saksakin ni Widow ang katawan ni Cinry habang yakap ito
Pikit matang ginawa ni Widow ang pag saksak sa katawan ni Cinry pero dahil mahal niya ito mas tinodo niya pa ang pag baon ng spada hanggang sa tamagos ang spada sa likod ni Widow
Naramdaman ni Widow ang sakit at dahan dahang pagkahulog mula sa ere bago malaglag ay nagawa pang kumilos ni Cinry hinawakan ni Cinry ang Pisngi ni Widow at ngumiti
"Salamat i love you too"wika ni Cinry at hinalikan si Widow
GOBLIN.