Cinry POV
Matapos ang nangyare kanina ay halos di na ako mapakali ngayun
Kaharap ko sila Kuya at ate Kimberly kasama si Speed
Napakilala ko na rin kila kuya si Sun
Sa katunayan sama sama kaming nakain ngayun sa isang table na nireserve para lang saamin
"Oy ano na? Di maka move on?"biglang sabi ni Sun na katabi ko lamang
Napatingin naman ako kay Sun at kila kuya
"Shhh wag ka maingay"sabi ko
"Hoy ano yan?"biglang tanong ni kuya kaya kinabahan ako
Terror kuya kasi yan
Mahigpit pag dating sa mga umaaligid na lalaki maliban kay Speed na tropa niya
"Wala ano kasi..."di ko napag patuloy ang sasabihin ko nang mag salita si Sun
"Wala ah sikret lang namin yun diba Cinry hindi ko talaga sasabihin sa kanila na naka away mo si fafa Widow promise"sabi niya at itinaas ang kanang kamay
Napa palo nalang ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya
"Ang ganda naman pala ng promise"sabi ni Speed
Nang mag sink in sa utak ni Sun ang sinabi niya agad siyang nag peace sign saka pinag patuloy ang pag kain
"Kuya ...."
"Hayst alam mo kabago bago mo palang dito i mean natin dito tas may naka away ka na agad?"sabi ni Kuya
"Eh sorry naman kasi naman..."
"Isusumbong kita kay mama lagot ka"sabi niya
"Pero Cinry sabihin mo gwapo ba yung Widow?"tanong ni Ate Kimberly
"Huh?"yan nalang ang lumabas sa bibig ko
"Ano ka ba Kim look at me ako lang ang gwapo dito right? Kapatid?"sabi ni kuya saakin
"Isa umagree ka nalang sakin para di na kita isusumbong"bulong ni kuya saakin kaya mabilis akong nag agree at sumakay sa trip niya kahit nakaka inis
Ng natapos na kami kumain agad akong dumiretso sa kwarto ko para mag pahiya
Nakaka pagodang araw na to kahit wala naman akong ginawa
"Alam mo Cinry kinilig ako ah kasi naman ikaw palang ang first girl dito sa campus ang naka usap ni fafa Widow ang kaso nag away kayo"sabi niya saakin
Kasama ko si Sun
Remember roommate ko siya
At pinag uusapan namin si Widow
Ewan kasi di ko na maalis sa isip ko ang Widow na yan
"Talaga? Pero alam mo gwapo siya kaso ngalang mayabang"sabi ko
"Huh! Always lahat takot sa kanya maliban kay Admiral Storm at ikaw "sabi niya
"Bakit naman kayo natatakot sa ganong nilalang?"tanong ko
"Kasi naman ang sama ng aura niya
He also known as PRINCE Cold napaka cold niya mas malamig pa siya sa patay"sabi niya
Napa tungo nalang ako
"Geh tulog ka na Princess i mean Cinry bukas maaga tayo at bukas makikita nanaman natin ang nag gwagwapuhang nilalang "sabi niya saka pinatay ang ilaw na nasa gilid niya
Humiga na ako sa kama ko at pinikit ang mga mata ko
Luna.....
Luna.....
Cinry....
Cinry...
"Babalik ako! Babalik ako! At sa pag babalik ko mag hahasik ako ng lagim!"
"Isinusumpa ko! Sa muli kong pag babalik walang sino man ang makaka agaw sa aking kapangyarihan at sisiguraduhin kong lahat ng nag iibigan ay mag durusa gaya ko!"
"Luna...
Luna...."
"Cinry....
Cinry..."
"Babalik ako!!!!"
"Luna!" Biglang sigaw ko at napa upo sa kama ko
"Hoy? Ano ayus ka lang? Nag alala ako sayo "sabi ni Sun na ngayun ay nasa tabi ko
"Ang sama ang sama sama ng panaginip ko"sabi ko
"Huh teka sino si Luna?"tanong niya
"Huh?"tanong ko
"Alam mo kasi kanina ka pa sabi ng sabi ng Luna kilala mo ba siya?"tanong nito saakin
Sino si Luna? Sino yun?
At ano daw? Binabanggit ko ang pangalang Luna?
Sino ba si Luna? Hindi ko kilala yun at isa pa bakit ko naman sinasabi ang Luna na pangalan?
Sino ba yun?