Cinry POV
"Alam mo kapatid wala kaming kilalang Luna"sabi ni kuya
"Pero pag pinag usapan ang mga God's and Goddess may kilala kami"sabi ni Ate Kimberly
"Ay oo nga no si Luna God of Love and Madness"sabi ni Sun
"Pero patay na si Luna na God of Love and Madness baka ibang Luna ang napanaginipan mo baka naman may nakilala kang Luna noon di mo lang naalala"sabi ni Kuya
Napabuntong hininga nalang ako
Ng marinig namin ang pag bell agad na kaming nag paalam ni Sun dahil may susunod pa kaming klase
Ang History class
"Omigieee kaklasi natin si Princess Cinry"
"At di lang yan swerte ni Sun friend niya si Princess Cinry"
"At kaklase din natin si fafa Widow like o to m to g so swerte ng section natin!"sabay sabay na sigaw ng tatlong babae doon sa likod
Napa ngiti naman ako at umupo
Katabi ko si Sun
Tahimik lang kaming nag aantay sa teacher namin bakit ganon? Di naman sila kanina ganito katahimik maliban nalang nang pumasok yung Widow tapos ayun nag sitahimik na sila
Takot ba sila kay Widow?
"Okay good day class so ayun nice to see you all especially to Princess Cinry"sabi ng teacher namin at tumingin sakin saka ngumiti
Ngumiti din ako
"Our lesson for today is all about the God of Love and madness"sabi niya at may ginawang mahika upang ipakita ang larawan ng isang babaeng napaka familiar sakin
Teka tama siya yung babaeng napapanaginipan ko
"Luna.."yan nalang ang lumabas sa bibig ko habang naka tingin doon
Ramdam ko ang pag tingin ni Sun saakin
"Yes Princess Cinry is Right she is Luna God of Love and Madness she control the love and madness all over the world she can do what she want"sabi ng teacher namin
"Luna is also known as a powerful God isa siya sa tatlong pinaka malalakas na bathala pero sa kabila non kilala din siya bilang isang Sakim maka sarili walang awa at masamang bathala"sabi nito
Napakunot ako ng nuo
'Sa pag babalik ko sisiguraduhin kong walang makaka agaw sa kapangyarihan ko!'
Ewan pero bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga salitang yan
"Oo hawak niya ang kapangyarihan ng love at madness ginagamit niya yun hindi para sa kapayapaan kundi para sa ikagugulo ng lahat"sabi nito
'Isinusumpa ko na sa pag balik ko lahat ng nag iibigan ay mag durusa gaya ko!'
Biglang pumasok yan sa utak ko
Parang naalala ko ang panaginip ko sa sinabi ng teacher namin
"Nang malaman nila Toshida at Alab ang plano ni Luna agad silang umasyon upang mapigilan ang masamang hangarin nito hanggang sa humantong sa p*****n ang lahat"sabi nito
'Pero kung God And goddess ang pag uusapan may kilala ko'
"Oo nga no si Luna god of Love and Madness"
"Pero patay na siya baka ibang Luna ang nakilala mo"
Agad na bumalik sakin ang usapan namin kanina nila Kuya at Ate Kimberly
"Namatay siya dahil sa nilabanan niya ang pinaka mataas na bathala na si Alab at bago mawalan ng hininga siya ay sumumpa na babalik ito"
'Isinusumpa ko babalik ako!'
Cringggggggggggg
Agad na nawala ang mga litrato da kamay ng teacher namin at ngumiti
"You may all proceed to your next class"sabi niya
Agad namang nag sitayuan ang lahat maliban saamin ni Sun
"Oy ano na? Tara na"sabi ni Sun saakin
"Ah oo tara na"sabi ko
Tumayo na ako at inayus ang gamit ko kaso sa pag tayo ko nakaramdam ako ng presensya
Isang malakas na presensya hindi ko alam kung kay Sun ba galing
Nilibot ko ang tingin ko sa buong room at nahagip si Widow na naka upo sa upuan niya nakatingin saakin na parang sinusuri ako at mababatid mo da muka niya na may nais siyang malaman
Umiwas nalang ako ng tingin dahil sa awkward moment ang kaso sa pag iwas ko ng tingin saka nahagip ng mga mata ko ang isang nilalang
Pulang buhok
Pulang damit
Itim na lipstick
Puting balat
At higit sa lahat
Ang sugat nito sa tyan na may tumutulo pang dugo
"Lu....Luna"yan nalang ang nasabi ko at humakbang paatras
"Huh? Anong Luna? Besh si Sun to move on na sa lesson natin "sabi ni Sun
Bigla akong natauhan at bumalik sa realidad
Nakita ko ang pag tataka sa muka ni Sun na napag kamalan kung si Luna
Nilibot ko ulit ang tingin at nakita ang papalapit na si Widow
Ng nasa harap nanamin siya tumingin siya saakin ng napaka seryoso at nag bitaw ng isang salita
"Goblin" sabi niya at saka lumabas sa room kung saan naiwan kami ni Sun na may tanong sa sarili ko kung ano ang ibig niyang sabihin at kung ano ang Goblin na sinabi niya?
'~~~~