3rd Person POV "Tama na "wika ni Moon Lahat ng nilalang ay tumigil at tumingin sa kanilang reyna na umiiyak "Tama na Please"wika ni Moon at dahan dahang lumapit kay Luna "Moon!"tawag ni Thunder at akmang hahawakan ang asawa ng pigilan siya ni Yuan at Kimberly Lahat ay naka tingin sa reyna na papalapit sa kanyang anak na sinaniban ng bathala Tanging iyak lamang at pag mamaka awa ang nagagawa ni Moon "Itigil mo na ang lahat ng to please paka walan mo na ang anak ko at ang katawan niya maawa ka"umiiyak na wika ni Moon at dahan dahang lumuhod sa harap ng katawan ng kanyang anak Natigilan ang ilan sa nakita nila ANG REYNA NG WINSOUL KINGDOM AY LUMUHOD SA HARAP NG ISANG GOBLIN! Ganon na ba talaga kamahal ni Moon ang kanyang anak? Na pati ang reputasyon niya bilang reyna ay binabalewala

