Cinry POV
*dream land*
"Ayus ka lang ba ?"tanong ni Luna saakin
Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti
"Na mimiss ko lang sila mama at papa pati si Kuya at ...."
"Cinry tama na"putol nito sa sasabihin ko at lumapit saakin saka tumingin saakin ng deretso
"Lahat ng mga nabanggit mo yung mama mo papa mo sa tingin mo ba namimiss ka rin nila?"tanong nito
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko
"Cinry hindi ka nila na mimiss kasi may Sun na sila si Sun na ang lagi nilang kasama at isa pa ayaw na nila sayo"sabi nito
Bigla akong naka ramdam ng galit para kay Luna
Sino ba siya para sabihin yang mga salitang yan?
"Sino ka ba para sabihin yan? Hindi totoo yan kasi...."
"Totoo Cinry gusto mo makita ayan oh"sabi niya at iniwasiwas niya ang kanyang kamay
May isang itim na usok ang nabuo at sa loob nito makikita ang mga muka nila mama papa kuya at Sun
Napaka saya nilang tignan para silang isang masayang pamilya
Nag tatawanan sila at di nila alintana ang mga nangyayare
Bakit? Bakit nila nagawa to? Ako naman ang anak nila pero bakit mas masaya sila pag kasama si Sun
Ako naman ang prinsesa pero bakit ganon ang trato nila kay Sun parang mas higit pa siya sa isang prinsesa?
Ano bang pinapa labas nila na porket wala ako ganon na sila?
Naiyukom ko ang aking kamao at sabay non ang pag sigaw ng malakas dahilan para mawala ang itim na ulap na nag lalabas ng masasayang litrato nila
"Cinry ayaw kong saktan ka pero pinilit mo ako"sabi ni Luna at niyakap ako
Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak
"Ako naman ang anak nila pero bakit ganon ang trato nila kay Sun? Parang mas higit pa siya sa isang prinsesa kung itrato nila ito"sabi ko
"Naiintindihan kita Cinry kaya tahan na ipag hihiganti kita"sabi nito
At pinunasan ang aking luha.
"Mag hihiganti tayo sa kanila kasi sinaktan ka nila"sabi niya at muli akong niyakap
Humanda sila sakin
Pag balik ko siguradong mawawala na yang Sun na yan sa landas namin
Widow POV
Hindi namin alam kung anong nangyayare kay Cinry
Bumalik na ulit ito sa pag kakahiga niya sa ibaba at nawala ang luha na tumulo mula sa kanyang mata
Labis ang pag aalala ng reyna at hari sa kanilang anak walang oras na hindi umiiyak ang reyna dahil sa kalagayan ng kanilang anak
Lahat dito ay nag aalala para sa anak ng hari at reyna lalo na ng makita nila itong naka lutang habang natutulog at may luhang pumapatak sa kanya kanina
"Paninira"
Napa tingin kami sa poison trio nang sabay sabay silang nag salita
Lahat ay nabaling sa kanila ang attention
Mag kahawak ang kanilang mga kamay at umiilang ang kanilang mga mata
Deretso ang kanilang tayo at ang kanilang buhok ay nag sisi taasan
"Paninira"ulit ng tatlo
"Anong ibig nilang sabihin?"tanong ni Jinx
"Isang nilalang ang lumalason sa isip ng prinsesa pamilya ay kanyang ginagamit makamtan lang ang kanyang nais hatid ay kamatayan sa nilalang na kanyang siniraan pag patak ng umagay aalingasaw ang kanyang galit na siyang mag papahirap sa nilalang"sabay sabay na sabi ng trio
Ibig sabihin sinisiraan ni Luna ang alin? At sino?
Unti unting bumalik sa dati ang trio
"Maghanda sa kanyang pag gising ay kamatayan agad ang dating"Zizzy
"Kanyang puso ay napuno ng galit at puot"Sizzy
"Isang milyong buhay ng tao ay nanganganib"Dizzy
Tumahimik ang lahat sa sinabi ng trio
"Kamahalan! Kami ay nag susumamung paslangin ang prinsesa para sa kapayapaan ng ating mundo!"biglang sigaw ng ilang uniko
"Kamahalan! Paslangin niyo na po ang prinsesa!"
"Hindi maaari!"sigaw ng hari na nag patahimik sa lahat
"Ang prinsesa ang mag mamana ng aming trono"sabi nito
"Ngunit nanjan naman po ang prinsepe kamahalan"
Napatingin ang lahat sa prinsepe
"Ayaw kong pamunuan ang kaharian"madiin nitong sabi habang naka tingin ng masama sa mga uniko
"Pero kamahalan dapat na nating paslangin ang prinsesa habang siya ay natutulog pa"
"Nang sagayun ay maging payapa ang ating mund..."
"At satingin niyo ganon kadali yun?!"biglang sigaw ng reyna na nag patahimik sa lahat
"Sa tingin niyo ba madali para saamin ang paslangin nalang basta basta ang aming anak?"tanong nito habang siya ay umiiyak
"Naiintindihan ko kayo na gusto niyo maging mapayapa ang mundo pero sana intindihin niyo rin kami na magulang niya nahihirapan din kami"sabi ng reyna
Lumapit sa kanya ang hari at niyakap niya ito
"Kung nasa posisyon namin kayo tingin niyo masasabi niyo pa ba yang salitang PASLANGIN kung anak niyo ang pinag uusapan?!"sabi ng reyna
"Pero..."
"Hayaan natin na ang bathala ng kabutihan ang mag desisyon para jan"singit ni Red at hinarap ang lahat
"Nahihirapan din ang kamahalan kaya kung pwede lang itigil niyo muna ang gulong to tyak naman na may ibang paraan para malagpasan to"sabi ni Red at tumingin saakin
"May iba pa ngang paraan maliban sa sinabi ng aking kapatid" napatingin ang lahat kay kuya ng bigla siyang mag salita
"At ang paraan na yun ay aking gagawin kung pahihuntulutan ako ng kamahalan"sabi nito habang naka tingin sa hari at reyna
"Pero kuya napag usapan..."
"Wala akong pake alam sa kakalabasan ang mahalaga mailigtas ang prinsesa "putol nito sa aking sasabihin
Naiyukom ko ang aking kamao dahil sa inis
Alam ko at kilala ko ang kapatid ko
"Kaya kamahalan ako sana ay inyong pahintulutan na gawin ang natatangi at paspasang paraan para matanggal ang sumpa sa prinsesa"sabi ni kuya.
Ang lahat ay naka tingin sa gawi ng reyna at hinihintay ang kanyang pasya
"Nakapag desisyon na kami"sabi ng hari at tumingin kay kuya ng deretso
"Pinapayagan namin ang ano mang gawin mo sa aming anak bastat mawawala ang sumpa dito"
Hindi pwede to
Kamatayan parin ang labas nito...