Cinry POV
"Napaka ganda mo naman Bessy!"masayang sabi ni Sun saakin
Isang pilit na ngiti lamang ang binigay kong sagot sa kanya
Bumalik ang tingin ko sa salamin at nakita ang aking sarili
White gown
Silver shoe
Gold crown
And pink lipstick
Tama nga si Luna
Bagay na bagay sakin ang ganitong ayus
Si Luna kasi ang nag ayus sakin
May binigay siyang kwintas sakin
Isang heart necklace ang binigay niya sakin regalo daw niya ito at napaka espisyal daw nito
Para na nga kaming kambal dahil sa mag kapareho kami ng ayus
Sabi niya sa ganitong paraan daw mapapansin ako ng lahat
"Bessy..."
Napa tingin ako kay Sun na naka tingin sakin
"Ayus ka lang ba? May galit ka ba sakin?"tanong nito sakin
Isang iling ang sinagot ko sa kanya at ngumiti ng pilit
"Wala "tipid kong sagot sa kanya
"Itong mga nakaraang araw kasi pansin ko nilalayuan mo na ako at isa pa...."
"Sun hindi ako galit sayo isa pa bakit naman ako magagalit sayo?"tanong ko sa kanya
Ngumiti ito sakin at niyakap ako
Kahit na ayaw kong yakapin siya ay ginawa ko nalang
Sabi kasi ni Luna dapat maging mabait muna ako kay Sun
Plastikin ko daw muna si Sun dahil siya na daw ang gaganti para sakin
Sa totoo lang gusto ko nang deretsohin si Sun pero baka magalit si Luna sakin
Pag ginawa ko yun baka isipin ni Luna na wala akong tiwala sa kanya
Kumalas na ako sa pag kakayakap at ngumiti ulit ng pilit
"Bababa na ako ah sunod ka nalang"sabi ni Sun at ngumiti
Ngumiti rin ako at tumungo
Lumabas na siya ng kwarto namin kaya napa buntong hininga nalamang ako
Ayoko ng ganito
Ayokong mamlastik pero kailangan dahil sabi ni Luna siya na ang gaganti para sakin
"Oh diba ang ganda mo "
Napalingon ako sa bintana at nakita si Luna na naka upo malapit doon
"Salamat Luna"sabi ko at ngumiti
Tumayo siya at lumapit sakin saka hinawakan ang pisngi ko
"Nabati ka na ba ng mama mo?"tanong nito habang naka tingin saakin ng deretso
"Hindi pa"sagot ko at umiwas ng tingin
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kanya
Isang ngiti na nakaka takot ang nasilayan ko sa kanya
Ngiting parang may balak gawin
Hindi ko mawari kung anong ibig sabihin noon o kung anong balak niyang gawin
Pero dapat ko siyang pagka tiwalaan dahil siya ang nakaka alam ng lahat higit saakin
"Dibale nandito naman ako eh di kita papabayaan
Mamaya siguradong mapapansin ka na nila"sabi nito at tumalikod
"Pero dapat tulungan mo ako para maka ganti ka rin lalo na kay Sun "sabi nito
"Hindi naman sa pag ganti Luna
Gusto ko lang pag sabihan si Sun "sabi ko
Tumingin ito sakin
"Kilala ko si Sun
Kahit na pag sabihan mo siya ginagawa niya parin "sabi nito at hinawakan ang dalawang kamay ko
"Gusto mo bang mawala sayo ang lahat?
Gusto mo bang mawala sayo si Speed?
Gusto mo bang mawala sayo ang mga tiwala ng estudyante dito sayo?
Gusto mo bang mawala ang mga magulang mo?
At mapunta sila kay Sun?"tanong nito saakin namay halong pag aalala sa kanyang muka
Mabilis akong umiling
"Kung ganoon mag tulungan tayo Cinry
Dapat tayong mag tulungan dahil tayong dalawa lang ang mag kakampi
Tayong dalawa lang ang mag kaibigan
At tayong dalawa lang ang nag dadamayan"sabi nito
"Anong klaseng tulong ba ang gagawin ko?"tanong ko
Ngumiti siya sakin at may binulong
.
.
.
.
.
.
.
"Ladies and gentleman our beloved princess Cinry daughter of Moon Steler the owner of MoonLight Academy and our Queen and the King of Winsoul Kingdom King Thunder!"
Sabay sabay kaming tatlong bumaba ng hagdan
Hawak ni mama ang kanang kamay at si papa naman sa aking kaliwang kamay
Lahat ay pumalakpak
Lahat ay nag siluhod sa aming harapan
Pagkatapos noon ay pinupuri nila ako at binabati ngunit may ilang bulong bulongan akong narinig galing sa matatandang asesero at tagapag pangalaga ng propesiya
Kamukhang kamukha niya ang bathala
Siya kaya ang tinakda?
Kuhang kuha niya ang anyo ng bathala
Nasa kanya ang Kwintas ng bathala
Siya nga ang Goblin
Mapanganib na ang lahat ay komplekado
Anong mga sinasabi nila?
Nasan ka na ba Luna?
Naka baba na kami nila mama at papa
Sinalubong kami ni Kuya at Speed
Ang saya ko dahil nandito si Speed
Pero bakit may benda ang braso niya?
May nangyare bang masama kay Speed?
Lumapit ako kay Speed kaya tinignan niya ako ng masama
"Anong nangyare sa braso mo?"takang tanong ko
"Wala kang pake di mo to braso kaya manahimik ka"sagot nito sakin at iniwan ako
Napa buntong hininga nalamang ako at pilit na ngumiti sa mga besita
"Napaka ganda naman pala ni Cinry manang mana saakin"sabi ni tita Ice
Lumapit sila mama papa tito Dark tito Cloud at tita Red sakin
Ngumiti ako sa kanila
"Tanga mo no? Sakin nag mana yan"sabi ni tita Red kay tita Ice
"Anong sainyo? Sakin kasi"sabi ni tita Levi
Natawa nalang ako sa inasta nila
"Cinry saan mo nakuha ang kwintas na yan?"biglang tanong ni tito Cloud sakin
"Ah eto po? Binigay to sakin ng kaibigan ko"sagot ko at hinawakan ang kwintas
"Hubarin mo na please"sabi ni tito Dark na nakapag pataka sakin
"Po?"
"Hubarin mo ang Kwintas Cinry hindi yan sayo"sabi ni papa
"Pero binigay to sakin ng kaibigan ko"sumbat ko
"Wag kang maniniwala sa kanila Cinry wag mong huhubarin magagalit ako" isang boses ang aking narinig mula sa hangin
Yuan POV
"Wag kang maniniwala sa kanila Cinry wag mong huhubarin magagalit ako" isang boses ng babae ang aking narinig
Napatingin ako kay Cinry at doon nakita ko siyang kausap sila mama at tropa niya
Pero sino tong isang babae na kaparehong kapareho ni Cinry ng damit? At ayus?
Lumapit ako sa kanila at inakbayan si mama
"Cinry hubarin mo na yan"sabi ni tita Red
Nakita kong hinawakan ng mahigpit ni Cinry ang kwintas
"Hindi binigay to sakin ng kaibigan ko"sabi ni Cinry
"Mama sino yung katabi ni Cinry na kaparehong kapareho niya ng ayus at damit?"tanong ko
Tinignan naman iyon ni mama at tumingin sakin
"May katabi ba si Cinry? Bakit hindi ko nakikita?"sabi ni mama
"Lumayo ka sa kanya!"biglang sigaw ni papa
Kaya lahat ng attention ay nasa kanya
Naka tingin si papa sa tabi ni Cinry kung saan doon ko rin nakita ang kaparehong kapareho niya ng ayus
"Thunder ayus ka lang?"nag aalalang tanong ni mama kay papa
"Nakikita niya ang bathala!"biglang sabi ng isang matandang asesero kaya lahat naman ng attention ay nabalin sa kanya
"Sino nga air use dito?!"sigaw ni tito Yuro
May mga nag taas ng kamay na estudyante ng MLA
"Sinong nakakakita sa katabi ni Prinsesa Cinry?"tanong ni tito Cloud at lalong tumaas ang kamay namin
"Gawin mo na" bulong ng katabi ni Cinry sa kanya
Hinawakan ni Cinry ang kwintas at nag bigkas ng salita
"Voler ubtomes kisom yanaotanos"
Halos sabay na bigkas ng dalawa kaya ang lahat ay nag panic ng makita na ng lahat ang babaeng katabi ni Cinry na pumapasok sa katawan niya
"Mama anong nangyayare sa kapatid ko?"tanong ko
"Ang Goblin"sabay sabay na sabi nila mama at ng tropa niya pati narin ang mga asesero
"Ahhhhhhhhhh!"isang nakakabinging sigaw galing kay Cinry ang bumalot sa loob ng kwartong aming kinatatayuan at ang mga babasagin ay nabasag
Lahat ay nag takip ng tenga pati narin si mama
Natapos ang pag sigaw kaya ang lahat ay napa tingin kay Cinry na nag bago ang buhok at...
"Cinry!!!"sabay sabay naming sigaw ng bumagsak ito sa sahig at nawalan ng malay
~~~~