Cinry POV
Dumating na ang araw ng pag dating nila mama at papa dit sa MoonLight Academy
Ilang lingo narin ang naka lipas ng ikwento ko kila Sun at noong Widow na yun ang nangyare saakin
Parang hindi nga sila naniniwala sakin eh
Bahala sila
"Kapatid! Lagot ka kay mama bwahhh"biglang sabi ni Kuya sakin
Napa irap nalang ako at tinignan ang isang sasakyan na kararating lamang sa harap namin
Ang sasakyan nila Mama at papa
Para akong naexcite na makita silanh dalawa
Tinipun tipun lahat ng estudyante ng Moonlight Academy dito sa tapat ng malaking gate para i welcome sila mama at papa
Syempre nangunguna na doon si Sun
Pero may isang nilalang akong kanina pa hinahanap
Ipapakilala ko sana sya kay mama at papa kaso di pa siya nag papakita sakin simula umaga
Nasan kaya si Luna?
"Ang mahal na reyna at hari ay narito na!"biglang sigaw ni Zeus
"Bessy makikita ko na si idol whooo" biglang sabi ni Sun at inalog alog ako
Tsk sabi ko na nga ba
"Mag hunos dili ka nga Sun"sabi ko
Isang malakas na palakpakan ang sumalubong kila mama at papa ng bumaba sila sa sasakyan nila
"Mama!"masayang bati ko at niyakap siya
Si kuya naman binati si papa
"Papa namiss ko po kayo"sabi ko at niyakap siya
Bahagya akong napa tigil ng makita si Sun nakatabi ko at kumakaway kay mama na takang naka tingin sa kanya maging si papa naka tingin kay Sun
"Hi idol ako to si Sun kaibigan ng anak niyo ganda ko diba?"tanong ni Sun kay mama
Napa ngiti nalang ako ng makita sila mama at papa na tumatawa
Agad siyang lumapit sakin
"Baliw na ba si Idol? Wala namang nakaka tawa sa sinabi ko ah"bulong niya sakin
"Natutuwa lang sila sayo"sabi ko at kinurot ang pisngi niya
Bahagya nalang ako napa tigil ng makita si Luna sa likod ni Mama
Naka tingin ito sakin at naka ngiti
Ngumiti rin ako at tumabi kay mama
Balak ko sanang ipakilala si Luna kay mama nhmg bigla nalang siyang nawala sa paningin ko
"Cinry"
Napa tingin ako kay Mama na naka tingin sakin
"Po?"tanong ko
"Sinong tinitignan mo jan?"tanong ni Kuya sakin
"Huh? Wala wala"sabi ko at umupo sa tabi ni mama na ngayun ay nasa tabi niya si Sun na kanina pa hanggang labi ang ngiti
Tsk idol niya na nga talaga
"Ang reyna at hari ay nag punta dito sa moonlight academy para sa isang kasiyahan"panimula ni Zeus
"Sa darating na lingo next day na yun ay i cecelebrate natin ang ika 20 na kaarawan ng Prinsesa Cinry"sabi ulit nito
"At dito mismo sa MoonLight Academy napag pasyahang i celebrate ng reyna at hari ang kaarawan ng kanilang anak"sabi nito
Napa tingin ako sa likod ni Speed
Nandoon si Luna at naka ngiti ito sakin
Isang ngiti ang aking pinakawalan pero may mali
Kakaibang ngiti ang binigay saakin ni Luna
Parang may pinapahiwatig ito dahil ang sunod noong ginawa ay umukit ng hiwa sa kanyang leeg
Saka nawala ulit sa aking paningin
"Cinry"
Napa lingon ako kay Sun na tinawag ako
"Huh?"
"Tinatanong ni kuyang pogi kung may gusto ka daw sabihin?"
Tumingin ako sa harap at doon ko nakita ang mga studyanteng naka tingin sakin
At nag hihintay ng sasabihin
"Wa ..wala na"sabi ko at ngumiti ng pilit
Matapos noon nag tungo na ako sa kwarto ko at doon ko binuhos lahat ng pag tataka at doon ko inisip ang ibig sabihin ng ginawa ni Luna
Bakit parang may kakaiba sa kanya?
Hindi naman siya dati ganon pero ngayun nakakapag taka
"Sorry sa kanina"
Bigla akong napa lingon sa gilid ko at doon ko nakita si Luna na naka upo sa tabi ko
"Luna"
Sun POV
Papasok na sana ako sa kwarto namin ni Cinry ng marinig kong may nag salita doon
At tinawag niya ang pangalang LUNA
Binuksan ko konti ang pinto at doon nakita si Cinry na naka upo sa kama niya habang naka tingin sa kabilang sulok ng kama niya
Anong meron sa kanya?
"Ganon ba? Ayus lang basta sa birthday ko wag kang mawawala ah kasi ipapa kilala kita kila mama at papa"sabi nito at ngumiti
Wala naman akong nakikitang kausap niya pero mahinala akong si Luna ang kausap niya
"Ay ganon? Okay lang baka sa susunod na araw nalang kita ipapakilala sa kanila
Saan ka ba nang galing kanina at nawala ka agad sa paningin ko?"
Nanatili lang ako sa pakikinig ng usapan nila ng marinig ko ang pangalan ko
"Si Sun? Bakit naman?"
See? Anong meron at narinig ko ang pangalan ko?
"O...okay"sabi ni Cinry
At akmang tatayo na kaya nama agad akong lumakad palayo sa pinto hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang alam ko hindi maganda ang sinabi ng Luna na yun kay Cinry tungkol sakin
Kailangang malaman ni Kuya Widow ang narinig ko