ORLA Nakaakyat na ako sa kwarto nang bigla akong natigilan at nakapag isip ng maayos. “Wait…” sambit ko at saka kumunot ang noo. Napatingin ako sa malaking salamin sa walk-in closet at saka agad na kumunot ang noo nang makita ang ayos ko. Bihis na bihis ako at handang-handa sa pagpapractice! “What the hell am I doing here in my room? At bakit ba umakyat na ako agad dito samantalang hindi pa nga ako nakakapagsimulang mag practice ng volleyball?!” Kagat ang ibabang labi na pumihit ako palabas dito sa kwarto at tuloy-tuloy na bumaba sa hagdan. Nag iinit ang ulo ko sa trabahador na yon! “Ano na naman bang ginagawa niya dito sa bahay? Mukhang tapos na ang pagpipintura sa pavilion kaya ano pa bang ginagawa niya dito at bakit niya pinakawalan yung aso ni Levin?!” Inis na inis ako at halos m

