One: Lust And Terror
Chapter 1: Lust And Terror
NAALIMPUNGATAN si Nica nang maramdamang basa ang kanyang kama. Mabilis na napabalikwas siya ng bangon sa higaan. Kinuha niya ang kanyang manyikang si Charlotte, nakangiti ito sa kanya. Mukha itong munting kerubin na may buhok na kakulay ng papalubog na araw, kulot-kulot iyon at napakalambot. Lagi niya itong kasama sa pagtulog at ito ang lagi niyang kayakap sa bawat gabi. She's her best friend.
"I'm sorry I peed on your dress, Charl. I'll just ask daddy to buy you a new one," nakangiting saad niya rito. Kinaray niya ito palabas ng kanyang silid at tahimik na tinahak ang pasilyo.
Huminto siya sa harap ng kwarto ng kanyang mga magulang. Bahagyang nakaawang ang pinto niyon. Bukas pa ang ilaw sa loob base na rin sa lumalagos na liwanag sa bahagyang nakabukas na pintuan.
Hinawakan niya ang seradura ng pinto at dahan-dahan iyong itinulak. Sapat lamang upang maipagkasya niya ang sarili sa pagpasok sa loob. Patingkayad siyang naglakad sa takot na makagawa ng ingay na ikagagambala ng mga magulang niya. Ayaw na ayaw niyang magising ang kanyang mommy dahil siguradong papagalitan siya nito. Ang daddy lamang naman niya ang nagmamahal sa kanya maliban pa kay Charlotte.
Kadalasan kapag nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi ay lagi niyang naaabutan ang Daddy Vergil niyang nakaharap sa laptop nito. Busy sa mga iniuwi nitong mga paperwork. Hanganghanga siya rito dahil napaka-hardworking nito at kahit gayunpaman ay hindi ito nawawalan ng oras para sa kanya. Hindi ito katulad ng Mommy Monica niya na walang ibang ginawa kundi ang isantabi siya.
Ipinagpatuloy na niya ang paghakbang palapit sa higaan ng mga magulang niya. Nakiramdam siya kung tulog na ba ang mga ito at naiwan lamang bukas ang ilaw at pinto. Napasandal siya sa dingding nang makarinig ng ungol. Kakaibang ungol iyon na nagmumula sa kama ng mga ito. Hindi niya mawari kung kanino nagmumula ang tila hinihingal na ingay na iyon.
Sumulyap siya sa four-poster bed, kulay pula ang nakalaylay na kurtina roon na humaharang sa mga taong nasa kama. Sa sobrang nipis niyon ay nakikita niya ng malinaw ang mga taong nagsisigalaw sa likod ng tabing. She was sure it was her mom as sure she was that it wasn't her dad. She got confused who’s with Monica this time of the night. Hinawi niya ang kurtina upang mabistahan ng mabuti ang hitsura ng kasama ng mommy niya. Kung anong gulat na lamang niya sa bumulaga sa kanyang eksena.
Napasinghap siya at naitakip niya ang kamay sa bibig dahilan upang mailaglag niya si Charlotte. Lumikha iyon ng ingay ngunit tila hindi iyon pansin ng dalawa na abalang-abala sa isa't-isa. Hindi niya magawang ialis ang tingin sa mga ito. Tila itinulos siya sa kanyang kinatatayuan. Ni hindi niya rin magawang magsalita. Pinigil niya ang maduwal. Mukhang hindi naman siya alintana ng mga ito.
Her mother kept on moaning until those moans turned into wild groans. The guy with her was making the same noise as well. It was disgusting!
The man was familiar to her. Her mother already introduced him to them. She could hardly remember the man's name but she was sure the surname is Feron. Lagi kasing nakakabit sa damit nito ang isang bar pin na may nakasulat na apelyido nito tuwing makikita niya ito. Lagi rin siya nitong binibigyan ng candies at chocolates na sa tuwina ay lagi rin niyang tinatanggihan.
"Keep harder, honey! Oh, please! Please... thrust deeper. I want all of you inside me," pagsusumamo ng kanyang mommy habang tila tukong nakapangunyapit sa batok ng lalaki.
"You're so sweet, babe. You're the one that I've tasted the sweetest. I've never imagined making love this wild with you." Pinaghahalikan nito ang buong mukha ng mommy niya, bawat parte niyon pababa sa mga dibdib nito. Halinghing naman ng halinghing ang mommy niya.
Nang muli siyang makaramdam nang pagbaliktad ng sikmura ay agad niyang dinampot si Charlotte at mabilis na tumakbo palabas ng silid. Wala na siyang pakialam kung tuluyan man siyang mapansin ng mga ito. Nagtatakbo siya sa pasilyo, kinakabahan at naguguluhan.
Where are you, Daddy? Bulong niya sa kawalan.
Hinanap niya ito sa mga kwarto. Inisa-isa niya ang lahat ng silid sa bahay nila. Ngunit wala ito roon. Hanggang sa maalala niya ang study room nito. Minsan ay naglalagi rin doon ang daddy niya kapag ayaw nitong magpa-istorbo. Marahil ay nandoon lamang ito. Hindi siguro nito alam ang ginagawa ng mommy niya ngayon. Isusumbong niya ang mga ito. Lagot ang mga ito.
Dali-dali na nga siyang pumasok sa study at hindi na kumatok pa dahil hindi naman naka-locked ang pinto. Naroon nga ang daddy niya. She sighed for relief. Nakatuntong ito sa silya ng office desk nito. May kinukutinting marahil sa bombilya dahil pakurap-kurap ang ilaw sa loob ng kwarto. Inaayos siguro iyon ng daddy niya kaya wala ito sa silid ng mga ito.
"Daddy..." pukaw niya rito. Wala siyang narinig na tugon. "Daddy..." ulit niya subalit hindi pa rin ito sumasagot.
Napayuko siya, nakadama ng guilt. Batid marahil nitong naihi na naman siya sa pagtulog kaya galit ito. Nangako pa naman din siyang hindi na muling uulit dahil malaki na siya. Subalit hindi niya iyon tinupad.
Agad niyang pinahid ng palad ang umambang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata. Alam niyang ayaw na ayaw nitong umiiyak siya dahil lagi nitong sinasabi iyon. Baka mas lalo lamang itong magalit kung magmamaoy siya.
"I'm sorry, Daddy... I'm really sorry for breaking my promise. I swear this is the last time that I will pee in my bed. Please give me another chance, daddy. I'm just so scared. I had a bad dream. There's a man in my room, he's tall and big and he's staring at me with his red eyes. I couldn't see his face because it was too dark. All I could see are shadows covering him. But I'm sure he is the one in you and mommy's room..." bigla siyang naputol sa paglilitanya. Bumadya ang takot at kaba sa mukha niya. Nagdalawang isip siya kung dapat ba niyang sabihin dito ang nakita niya kanina.
Ilang minuto siyang nag-isip hanggang sa mapagpasyahang magsabi rito ng totoo. "I saw him, Daddy. I saw the man! He's with mommy right now inside your room. They're kissing, Daddy. They're kissing and they're naked!" bulalas niya. Mahigpit na napayakap siya sa kanyang manyika.
Wala siyang narinig na reaksyon mula rito, ni walang salitang namutawi sa mga labi nito. Mas lalo siyang natakot at kinabahan. Hindi niya dapat sinabi rito ang nalaman niya. Nagsimulang mag-unahan ang mga patak ng luha na hindi na niya nagawang pigilin pa.
"Daddy..." usal niyang muli. "Do you hear me? Are you listening to me? Are you mad? Answer me please..." Sukat na lamang biglang tumigil ang pagpindak ng pundidong bombilya, namatay iyon at dumilim ang buong paligid. Ilang saglit lamang naman ay bumukas din ang mga emergency lights ng silid.
Nakatayo pa rin doon ang Daddy Vergil niya. Walang pagbabago sa pwesto nito. Hindi pa rin ito tumutugon sa kanya. Tatawagin pa sana niya itong muli nang dahan-dahang humarap ang katawan nito. Tila tinatangay lamang ng hagin. Tumumba ang tinutuntungan nitong bangko sa sahig. Saka lamang niya naunawaang hindi talaga ito nakapatong doon kundi nakalambitin ito sa itaas. Lungayngay ang leeg nito nang tuluyang makaharap sa kanya, may makapal na lubid roon na nakakabit sa kisame. Nasalubong niya ang mga mata nitong dilat na dilat na halos tila luluwa na.
Napasigaw siya sa labis na pagkahilakbot!
It was too horrible. She never felt terrified in her whole life. Goose bumps were running all over her body. She was trembling. Her knees weaken and she almost hit the ground when someone caught her from falling. It was the man from her parents' room. Still naked and his bare skin touched her innocence. He embraced her and took out of the room. She felt secured all of a sudden.
"Holy crap!" her mother muttered under her breath when she entered the room. Pagkatapos ay bigla na lamang itong bumagsak sa carpeted floor. Walang nakaagapay rito sapagkat buhat pa rin siya ng lalaking kasama nito kanina.
"I SAID GET OUT OF THE CAR, VERONICA!" ilang beses na iyong isinigaw ng Mommy Monica niya sa kanya subalit nagbibingi-bingihan lamang siya sa sinasabi nito. Kagagaling lamang nila sa burol ng kanyang Daddy Vergil. Hindi na ito pinaglamayan sapagkat wala naman daw pupuntang mga tao dahil naging napakasama raw ng ama niya. Alam nila ni Charlotte na walang katotohanan iyon. Her father was the best man in the world for her. At ngayong wala na ito ay hindi na niya alam ang gagawin. "Are you going to get out with your own feet or are you letting me pull you out with your hair, little brat!?" her mother warned, pointing a finger to her face.
"No, I won't!" lakas loob na sagot niya. Mas lalo naman itong nagpuyos sa galit. Binuksan nito ang pinto ng kotse at nanggigigil na pilit nitong inabot siya. Nagsumiksik naman siya sa kabilang pinto ng sasakyan upang hindi nito maabot.
"You made me mad, Veronica and you won't like what I'm going to do with you!" singhal nito. Naglalabasan ang litid sa sopistikadang mukha nito.
"What are you going to do with me? Kill me? Kill me like what you did to daddy?" hindi nakatiis na sigaw niya. Wala namang ibang may kasalanan kung bakit namatay ang daddy niya kundi ito lamang at ang Iñigo Luis Feron na iyon. Hindi na niya siguro malilimutan pa ang pangalan ng lalaki. Simply because he was her father's murderer.
"Shut up your mouth!" asik nito. Nahawakan nito ang buhok ni Charlotte at inagaw ang manyika niya sa pagkakayap niya.
"Give that back to me! That's daddy's gift in my last birthday." Tumayo siya sa pagkakasiksik sa gilid ng upuan at tinangkang bawiin ang maniyka niya subalit hindi niya iyon nagawa. May inilabas ang mommy niya na munting baril mula sa pouch nito at itinutok iyon kay Charlotte. Nang kalabitin nito ang gatilyo ay nagbuga iyon ng apoy. Agad na nagliyab ang magandang buhok ng kaawa-awang manyika niya.
Napilitan siyang bumaba ng sasakyan upang apulahin ang nasusunog niyang manyika. Iniitsa lamang lalo iyon ng mommy niya palayo sa kanya.
"Serve you right, little brat!" nakangisi pang tuya ng mommy niya.
Pinagpag niya ng pinagpag si Charlotte hanggang sa mamatay ang apoy sa ulo nito. Naiyak siya nang makita ang sunog na sunog na kalahati ng mukha nito. Mas lalo siyang napaluha nang maalala ang daddy niya. Hindi na siya nito maibibilli pa ng bagong manyika dahil wala na ito. Wala na siyang kakampi. Mas lalong sumama ang loob niya sa mommy niya dahil sa ginawa nito.
"I hope you are the one who died, Mommy! I hope you died instead of Daddy! I hope you die, Mommy! I hope you die!" tigib sa luhang bulyaw niya rito. Wala na siyang pakialam sa kung anuman ang lumalabas sa bibig niya. Everything had been taken away from her and she felt lonely and alone. Ito dapat ang kasama niya sa pagluluksa ngunit hindi sapagkat makikipagkita ito sa kalaguyo nito.
"I don't really want to tell you this but you're forcing me. You know what, I'm really thankful and grateful that Vergil suicided. Dahil kung hindi niya ginawa iyon baka ako na ang nagpatiwakal. But of course, I won't give you both the satisfaction by killing myself. I won't be able to stand in hell knowing that devils like you and your father are happy in front of my tomb. Buti na lang at bumalik si Iñigo sa akin at nagpakatiis ako. He is my life savior."
"I hate you, Mommy!" said she, fury in her young voice.
"I want to hurt you right now. I want to slap you in your face. I want to see blood coming out from your mouth for disrespecting me. But I can't. I can't because you are still my child but it doesn't mean I love you. I don't love you and your father. And damn it for having you as my daughter!" dumura ito, tila sukang-suka sa huli nitong binitiwang mga salita.
"I know you hate me, too, Mommy and you just proved it," walang emosyong saad niya. Hindi naman na ito nagpahayag pa sa komento niya. Sumakay ito sa kotse at pabagsak na isinara ang pinto niyon. Sumenyas ito sa gwardiya na pagbuksan ito ng tarangkahan. Agad namang tumalima ang inutusan nito at hindi pa man tuluyang bumubukas iyon ay pinasibad na nito ang gulong ng kotse. Usok at alikabok lamang ang iniwan niyon sa kanya. "Don't worry Charl, Daddy will come back," she whispered wishing.
"KEEP AWAY FROM ME! Just leave me alone here! I don't need a murderer beside me!" Veronica yelled at Iñigo's face. Itinatak na niya sa isip na mamamatay tao ang lalaki. Hinding-hindi niya ito mapapatawad. Her mother, at least have spared a little of her forgiveness because she's already dead.
Yes, Monica died in a car accident just a week ago.
Nasa sementeryo sila ngayon ni Iñigo upang ipaglibing ito at sila na lamang ang naiwan doon dahil nagsipag-uwian na ang lahat ng mga nakilibing. Mukhang labis-labis na namimighati ang lalaki. Well, she felt some pity for her mom but she won’t shed tears to mourn for her and waste time for lamentation. Naaasar tuloy siya sa panahon dahil makulimlim ang langit at para bang nakikiluksa rin ito sa pagkamatay ng mommy niya.
"There are things that I just want you to know, Veronica," saad nito. Mababa lamang ang tinig. Walang indikasyon na nakaramdam ito ng iritasyon o pagkainis o galit sa ginawa niyang pagbulyaw. Malamlam ang mga mata nito tila nakikiusap ang mga iyon sa kanya. Sa kabila ng pamumugto niyon ay sadyang napakagwapong lalaki pa rin ni Iñigo, hindi niya maaaring pasubalian iyon.
But looks can be deceiving. Hindi siya dapat magpadaya sa nakikita ng kanyang mga mata. He must be very well in acting.
"What?" exasperated na sigaw niya.
"I'm your father. I'm your real dad," walang kagatol-gatol na siwalat nito.
"The last moment you were crying, man and now, you are cracking a joke. I'm young but I'm not stupid." Ngumisi siya ng sarkastiko. Nababaliw na ito kung inaakala nitong mapapaniwala siya.
"It's very sad that Monica didn't live long enough to find out the truth. I love your mom and I love you, too."
"You're kidding me!"
"No, I don't. There are things that I can't explain right now. You may not understand everything. All I want is you to trust me, just trust me. I won't force you to love me and accept me as early as this time. I know it will come. You're still shocked. You are very young for this to happen. But don't worry, don't be scared. I'm always here for you." Kinabig siya nito palapit sa dibdib nito at niyakap ng ubod ng higpit. Bahagya siyang nakaramdam ng init sa dibdib niya na tila hinaplos iyon at hinawi lahat ng pag-aalala niya, ng takot niya at ng galit niya. Ayaw niyang maramdaman iyon lalo pa't dulot iyon ng lalaking kinamumuhian niya.
Nagpumiglas siya sa pagkakayakap nito at pinaghahampas ito ng manyika niya. Hindi niya alam kung gaano niya katagal ginawa iyon sapagkat namalayan na lamang niyang pumapatak na ang ulan. Mabilis siyang inakay nito papasok sa van na nakaparada lamang sa hindi kalayuan.
"Where are you going to take me?"
"We're going home."
"I don't want to come with you."
"You will like the place. I swear," nakangiting pahayag nito. Pinatakbo nito ang sasakyan sa kasagsagan ng papalakas na ulan. Nilulunod niyon ang nililikhang ingay ng pagwawala niya sa loob. Nang mapagod ay nanahimik na lamang siya.
Muli niyang hiniling na sana ay buhay pa ang daddy niya.