Dahil nakatanggap ako ng tawag mula kay Samuel na susunod siya sa amin ay kumuha ng tatlong magkakahiwalay na kuwarto si Valentin. Hindi na tumanggi si Patrick sa pag-oovernight namin dahil malulungkot lang siya kung sa mansiyon siya matutulog mag-isa. "Ang ganda rito, Darcy. Asul na asul ang kulay ng dagat," sabi ni Patrick habang nakatanaw sa malayo. "Oo, Patrick. Iyan din ang isa sa nagustuhan ko noong dalhin ako ni Samuel dito noon. Dito kami unang nag-date. Nakakadala ang katahimikan ng lugar," sang-ayon ko naman sa kanya. "May magaganda lugar din pala dito sa probinsiya natin tulad dito. Usually kasi ay labas ng bansa kami nagpupunta ni Daddy. Doon sa walang nakakakilala sa amin. Kalat na kasi ang mukha namin dito sa Pilipinas dahil sa video noon kaya hindi kami masyadong nakak

