"He's not coming home tonight." Malakas na bumuntonghininga si Patrick bago ibinato ang phone niya papasok sa backpack na dala niya. "Si Gob?" tanong ko kay Patrick. Napalingon naman si Valentin na siyang driver namin papunta sa sinasabi niyang resort. Ayaw daw niyang magsama ng bodyguard at driver niya dahil baka may isang magsumbong. Sus. Sa kalupitan niya, baka iniisip pa lang ng mga tauhan niya ang magsumbong ay naiihi na ang mga ito sa sobrang takot sa kanya. Manang-mana siya sa pinagmanahan niya. "Yeah. May biglaan daw silang lakad sa isang probinsiya. Isinama raw siya ng congressman kaya baka bukas na ng gabi o sa makalawa siya makakauwi." Malungkot siyang tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "That's good actually. We can spend the night at the resort," pagsingit ni Val

